Page 03: Demitri

6 1 0
                                    

Sachi's Point of View

Hi ? Zzzzzzzzz ..

Kanina pa kaming lima naglalakad. Pero puno lang ang nakikita ko. At iba ang pakiramdam ko tungkol dito dahil parang naliligaw na yata kami.

"Tama ba tong dinadaanan natin ?" saije's talk. Kanina pa ito nag aamok dahil hindi daw siya sanay maglakad ng ganito katagal.

Ganun din naman ako pero hindi ako nag reklamo.

"Sumakay ka nalang kase sa likod ko saije" pagpupumilit ni theus.

"Hindi na, baka ilaglag mo pa ako at mabagok ang ulo ko" pag susungit nito.

Sa hindi malayo ay may natatanaw akong isang tao. Habang palapit kami ay isa pala itong matanda.

"Shucks, siya yung matanda na nagbigay saken ng mapa" anas ni saije.

Agad itong nilapitan ni saije.

"Pwede po magtanong ? Mukang naliligaw po yata kami e baka po may alam kayo sa mapa na ito" tanong nito sa matandang lalaki.

Bahagya itong ngumiti samin. "Hindi kayo naliligaw" sagot nito. "At kanina ko pa kayo inaantay" agad itong tumalikod samin bahagya na para sundan namin siya.

Napakibit balikat nalang si saije.

Ngayon lang namin napagtanto na hindi lang kami lima ang nandidito. Dahil nasa mahigit fifty den ang dami.

Dahil sa tuwing naglalakad kami ay parang biglang iba na yung dinadaanan namin.

Dahil kapansin pansin na hindi ito yung dinaanan namin kanina. Sapagkat kanina ay nasa marami kaming puno ngayon ay parang syudad na ito.

Nakakapagtaka dahil pagtingin ko sa likuran ko ay hindi maraming puno ang nakikita ko kundi isang malaking gate na kulay itim.

Hindi ko napansin na may bumungad na gate.

"Welcome students, nandito na tayo" ani ng matanda.

Marami ang namangha dahil sa sobrang ganda nitong lugar na ito. Kahit ako hindi ako makapaniwala na ganto kaganda ang isang public school.

Nandito kami ngayon sa dorm namin. Libre ito dito sa paaralan na ito.

Tangi lamang na dapat mataas na grado ang kailangan. Yun ang sabe.

Pagtapos namin ilagay ang mga gamit sa dorm ay agad kaming nag ikot-ikot.

Napaka ganda sa lugar na ito. Tumungo kami sa isang coffee shop dahil nag aya si saije. Hindi naman ako maka tanggi dahil gusto ko den mag kape.

"Ano sa palagay mo sachi ?" biglang tanong si saije saaken.

"Anong ibig mong sabihin ?" sagot ko.

"Parang ang weird kase ?"

"Weird kase ano?" saad ko.

"Yung matanda kase e, naalala mo yung sumalubong sa atin ?"

Akala ko ako lang ang nakapansin na parang may mali sa matandang yun.

"Siya kase yung nag bigay ng mapa sakin" turan nito. "Nakakapagtaka lang na bakit niya yun binigay diba ?"

May point si saije. Na kwento niya den kase ang tungkol sa mapa. Hindi ko lang talaga binigyan pansin.

Pero ngayon pati ako nagtataka na rin. Hindi ordinaryo ang lugar na to kung iisipin. Sino ba naman ang agad maniniwala na isa lamang itong public school.

"Alam mo saije saka na natin ulit yan isipin bumalik nalang tayo sa dorm at mag gagabi na" sambit ko nalang sakanya at umalis na kami.

Yuan's Point of View

"Badtrip" anas ko.

"Bakit na naman yuan" tanong saken ni theus.

"Public school ba talaga to" turo ko dito sa dorm namin.

"Magpa samalat ka nalang yuan dahil bibihira yata ang ganto sa buhay" banggit naman ni klein na ang sarap ng higa sa malambot na kama.

"Bat ka naman badtrip aber ?" theus talk.

"Bat naman ang layo ng dorm natin sa dorm nila saije at sachi?" amok ko.

"Huh nag aalala ka ?" sagot naman ni theus.

"Dude, ano kaba sayang si sachi" turan ko na ikinasama ng tingin nila saken.

"Huh subukan mo lang talaga yuan kakalimutan kita. Baka nakakalimutan mo na bestfriend yun ni saije" protesta nito.

"Kalma okay okay at masusunod po" saad ko.

Sa kalagitnaan ng pag uusap namin isang natutumpukan na mga tao sa labas ng dorm namin.

"Anong meron dun?" tanong ko. Lumabas ako ng dorm.

Sumunod naman ang dalawa sa akin.

"Sino na naman ang may gawa nito"

"Nakakadiri naman"

Yan ang narinig ko mula sa ibang tao.

Nung nilapitan ko ang lugar na yun bumungad saken ang isang bangkay ng lalaki.

Nakahiga na ito at hindi na humihinga. Nakamulat pa ang mga mata nito. Nakaramdam ako ng biglang takot dahil kahit patay na ito feel ko maghihiganti ito dahil saakin ito nakatitig.

What the heck is this ?

Nang makita den ito ni theus at klein ay hindi rin ito maka paniwala.

"Shit, sinong may gawa niyan?" anas ko habang nakatingin paden sa bangkay.

"Newcomers ?" sambit ng katabi kong lalaki.

"Huh?" tanging sagot ko lamang sakanya.

"Tsk, isa na naman to sa grupo ni owen" sambit niya.

Bumalik ako sa dorm na puno ng katanungan.

Bakit parang usual sakanila ang makakita ng patay ? Tapos wala man lang agad tumulong para naman maasikaso agad ang  bangkay nung tao.

"Shitttttt ano yun?" agad naman na tanong saaken ni theus ng makabalik kami sa dorm.

"Bakit ako tinatanong mo muka ba akong may alam ?" sagot ko sakanya.

Marami ang pumasok sa isip ko. Para yatang hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na ito.

Bakit parang alam nila kong sino ang may gawa ?

Bakit parang legal sa lugar na ito ang ganung bagay ?

At sino ang sinasabe nila na owen ?

Hindi normal ang tao dito dahil hindi man lang sila natakot na may patay sa harap nila. Ang nakikita ko lang sakanila ay parang tuwang tuwa pa sila.

Shit. Nakakapag overthink naman.

Book 1: The lost city Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin