Unang kabanata- Ang hula

3 2 0
                                    

Sapagkat nasusulat...

Isang bulalak ang mamumukadkad. Natatangi at kaiba sa lahat. 'Sing ganda man nang rosas na pula,tinik naman niya'y lason sa iba.

Huwag papalinlang sa rikit na taglay,hawakan mo at ikaw'y mamatay.

Kariktan niya'y nakakahalina. Tila gayuma kung ituring,kasing rilag ng buwan. 'Sing rikit ng tala't di kayang abutin. Siya'y natatangi,kaiba sa lahat.

Ngalan niya'y banal.

Dapatwa't ingatan. Kung hindi,kapahamakan iyong mararanasan.

"Guro totoo po ba lahat ng nakasulat diyan sa aklat ng propesiya?"

"E,anong ibig sabihin niyan?"

"Kung anuman ang inyong nabasa sinasabi kong ito'y totoo,pagkat ni minsan ay di pa nag kakamali ang aklat ng propesiya ngunit madami rin ang nagsasabing ito'y di totoo at haka haka lamang pagkat walang makapagpapatoo ng hulang ito."

"Ngunit guro kung totoo anong klase ba ito?" Naguguluhang ani ng isa sa mga estudyante niya.

"Posible po bang isa itong bulaklak? Baka po ito'y isang halaman na nakakalason." Sabad pa ng isa.

Napabuntunghininga ang matandang guro. "Kung ano man ang ibig sabihin nito'y walang nakakalam kahit ang pinakamahuhusay na orakulo ay di kayang ipaliwanag kung ano ito. Marahil ang nakasaad sa aklat ng propesiya ay hindi pa natutupad. Posibleng sa hinaharap o baka naman... Napahinto ang guro ng may mapagtanto. Hindi,ito ay napaka impossible hindi ito-" napahinto ang guro na animo'y naguguluhan.

Sandaling katahimikan ang namayani sa buong silid aralan nang ito'y bulabugin ng isang malakas na singhapan at hiyawan sa labas ng kanilang pintuan. Nag taka naman ang lahat at naki-usyuso. Isang dilag ang kanilang nasilayan. Ang buhok nito'y puting puti na animo'y ulap at ang mga mata nito na kasing kulay ng dugo ay nag bigay sa kanila nang kakaibang kilabot.

"Ehem..." Napatikhim naman ang guro na siyang unang nakabawi sa pagkabigla. "Pasok ka binibini. Ano ang iyong sadya at ika'y naparito?"

"Dito raw ako sabi ng punong guro?" Malamig na Saad nito. "Ah,kung gayun ikaw si- fressia. Pinutol ng babae ang kanyang sasasabihin Sana.
"Ah Tama Tama ikaw nga,halika pasok ka binibini." Mahal Kong mga mag aaral siya nga pala si fressia ang bago niyong makakasama. Pakitungohan niyo sa nang mabuti ha at ituturing na kaibigan."

"Makakaasa kayo guro." Sabay sabay naming sabi. Pinagmasdan ko namang mabuti ang bagong dating. Nakakatakot talaga ang kanyang wangis. Para siyang bampira. Aish! bakit nga ba ako masisindak,e wala namang bampira sa mundo namin. Pero pero 'yung ngalan niya ay kakaiba. Ano ba utak patahimikin mo ako! aksinkaiakan!

°•°

*Fressia*

Nandito ako ngayon nakatayo sa harap nang napakatayog na tarangkahang gawa sa bakal ng mala-kastilyong paaralan ng wanubal plares. Ang sentro ng kaharian ng Tala.

Mayroong isang tila bilog na Kristal ang naka lagay sa gitna nang tarangkahan,dito nilalagay ang kanang kamay ng bawat papasok rito para sa pagkakakilanlan. Dito rin masusukat kung saang lebel ka nararapat. Mayroong iba't ibang kulay ang lumalabas para sukatin ang iyong kakayahan.

Dilaw- para sa mga baguhan
Kahel-para sa mga magaling sa paghawak ng iba't ibang sandata
Asul-para naman sa mga na hasa na sa kanilang mga kapangyarihan
Puti-para naman sa mga hasa na sa larangan ng pakikipaglaban
Pula-para sa mga elitista at
Itim-para naman sa mga maharlika

Fressia(The Conqueror)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt