Diary ni Maddie (Part 1)

17 0 0
                                    

April 1, 2023

Isang umaga pagdilat ng mga mata ko, bumungad sa akin ang unfamiliar na kisame. Sa isip isip ko. ("Wait parang iba ung kisame ng kwarto ko. Saka bakit parang ang sakit ng katawan ko. Teka! Sandali! Saglit! Wait! ano 'tong nasa ilong ko? oxygen? At saka ano tong nasa leeg ko? Ung paa ko ung kamay ko. Hala siya. Kaloka! Nasa Ospital ba ako?! My goodness.)

Maya Maya may pumasok na lalaki sa kwarto tapos pagkakita niya sakin dali dali siyang lumapit at niyakap ako. Sa isip isip ko. (" wait sino tong lalaking to. Kaloka hindi ako masyadong makapagsalita.").

Pagkatapos niya ako yakapin, nakita ko siya na umiiyak at sabing "Sa wakas gising ka na mahal kong Maddie."

Sa isip isip ko. ("Teka! Sandali! Saglit! Wait! Tama ba narinig ko? Tinawag niya akong Mahal kong Madie???!!!!. Kaloka tong lalaking to! NBSB ako boy!)

Lumabas siya saglit para tumawag ng Doctor at Nurse.

Paglapit sakin ng Doctor at Nurse, chineck nila ung mata ko, ung blood pressure ko. At sabi ng Doktor "kaya mo bang magsalita?"

"kaya naman po Doc." sambit ko.

"mabuti naman kung ganun." samgot ni Doc.

Maya Maya may mga pumasok sa kwarto. At dali daling lumapit sa akin.

Si Mama At Papa pati ang kapatid kong si Kaori. Niyakap nila akong lahat. May dala dala silang mga prutas at mga damit.

Sabi ni Mama "Tumawag si Lenzo sa amin kanina at sakto naman na nasa kotse na kami papunta dito sa ospital, itong papa mo biglang bilis magdrive para makapunta agad dito sa ospital. okay ka na ba? Naalala mo ba nangyare? Ano huli mong naalala?."

"Ang huli ko pong naalala ay.. ay.. ah kakaresign ko lang as call center agent kasi magfofocus na ako sa small business ko na coffee shop." sagot ko.

Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon. Kitang kita sa mga mukha nila Mama, Papa, kapatid kong babae na si Kaori, Ung Doctor, ung Nurse pati ung lalaking una kong nakita dito sa kwarto ang pagkagulat nila.

Nagsalita ulit si Mama at sabing "Anak year 2019, 4 years ago na ang nakakalipas simula nung nagresign ka as call center agent at magfocus sa small business mo. Remember, nalugi din ang coffee shop mo." After 1 year naman nagpakasal na kayo ni Lenzo." At year 2023 na ngayon anak And 1 Month ka ng tulog. Naaksidente ka kasama ang dalawang pinsan mo. 1month ago nung nag bonding tayong buong mag anak at kinagabihan nung nagkayayaan kayong tatlong magpipinsan na bumili ng midnight snacks sa isang convinient store. Nasagasaan kayo ng truck. Si julie, ang pinsan na kasama mo, wala na siya. Si Anthony, hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising. Kaya sobrang pasasalamat ko na gising ka na ngayon. ( umiiyak na sabi ni Mama. )

Nagsalita si Kaori at sabing "Ate, hindi mo ba talaga naalala lahat? Bakit ang naalala mo lang is ung 4 years ago na nangyari?. (Maiyak iyak na sabi ni Kaori)

Hindi na ako makapagsalita ng marinig ko ang kwento ni Mama lalo na nung nalaman ko na patay na si Pinsan Julie.

"Doc, ano nangyari sa anak namin. May Amnesia ba siya?" (Sambit ng Papa ko.)

"Mukhang ganun na nga. Maiwan muna namin kayo at kailangan kong asikasuhin ang dapat na gawing mga tests sa anak ninyo." (Mga salitang sinabi ng Doctor.)

Gulat na Gulat ako sa mga sinabi nila Mama, Papa at Kaori.

Mama: Anak, kung 4 years ago ang huli mong naalala... ibig sabihin, hindi mo rin maalala ang asawa mo? Si Lenzo?

Ako: Hindi po. Actually, siya po una kong nakita pagka gising ko pero hindi ko talaga siya kilala. (Sabay tingin ko kay Lenzo at sinabi ko na "Sorry")

Napayuko nalang si Lenzo at sabing "Uhmn Ma, Pa, labas po muna ako  saglit. Magpapahangin lang. (Nanginginig na boses ni Lenzo)

Diary ni MaddieWhere stories live. Discover now