Chapter 1

50 3 0
                                    

Chapter 1. Si Boyfriend


Napakasarap ng feeling na may nag mamahal sayo, nag aalala, laging may nag tatanong kung kumain kana, at laging sinasabing matulog kana dahil gabi na at may pasok ka pa bukas. Ganyan ang Boyfriend Ko :)



Heartrob, Campus Royalty, Varsity Player, at running for Valedictorian. O diba, ang swerte swerte ko sakanya.



1 year na kami ng boyfriend ko. Hindi ko nga maisip na aabot kami ng 1 year kasi nga sabi ng iba insecure sa akin eh masama raw ang ugali ko. Pero hindi nila alam, masama lang talaga ang ugali ko sa mga taong masama sa akin.



Teka, ayun, ayun ang boyfriend ko. Papalapit sya sa akin. Wahahaha! Kinikilig pa rin talaga ako sa twing nakikita sya. Wala talaga syang kupas :)



"Hey miss beautiful, you're drooling"



"Hey I'm not"



"Then you're not. Hahahaha"



Parang kumakanta ang mga angel sa twing tumatawa sya.



"Saan ka pala galing babe?"



"Sa gym, pinatawag kami ni Couch eh."



"Bakit daw babe?"



"May game daw kami sa kabilang school"



"So kayo pa ang pupunta roon?"



"Ahh oo babe"



"Ahh okay, kaylan ba yun?"



"Bukas na babe."



"BUKAS? Hala babe, hindi ako pwedi eh. May gagawin kaming group project eh"



"Okay lang babe. Tara hatid na kita"



"Sige babe"



Araw araw nya akong inahatid sundo sa bahay namin. Kilala na rin sya ng magulang ko. 



Nang hihinayang tuloy ako dahil hindi ako makakapunta bukas sa game nila. At nag aalala rin ako baka may mga babaeng papalibot bukas sakanya.



Tss. Nakakainis naman!



"Hey babe, bakit tahimik ka ata ngayon?



"Ah wala lang to, pagod lang ako"



"Ah okay sige, pahinga ka muna."



Hindi ko na sya sinagot dahil baka mas makahalata pa sya. 

Ayaw ko naman kasing sabihin sakanya yung dahilan, baka pag simulan nanaman iyon ng away namin. 



Sa totoo lang naman. Lagi kaming nag aaway dahil nga sa ubod ng selosa ko. Hindi ko naman mapigil dahil sobrang mahal ko sya at ayaw kong mawala sya sa akin.



"Babe, andito na tayo"



"Ah sige, bye ingat."



Bumaba na ako ng kotse nya pero kasabay ko bumaba rin sya.



"Babe, are you okay?"



"Yeah. I'm Okay. Why?"



"Babe, tell me. Are you bothered kasi hindi ka mamakasama bukas?"



"I'm not, may tiwala ako sayo. Ano kaba?"



"Okay babe, thank you. Basta tandaan mo lahat ng maishoshoot ko bukas ay para sayo okay?"



"Okay babe, Sige na umalis kana pagabi na."



"Sige babe. Bye."



He just kissed me and umalis na sya. Hinintay ko munang makalayo yung sasakyan nya bago ako pumasok. 



Gustong gusto ko syang awayin kanina pero pinigilan ko yung sarili. Siguro dapat ang gawin ko bukas eh tapusin ng maaga yung project at isurprice sya.




————————


Huwag muna po sana kayong maboring sa first chapter. Pipilitin ko pa pong pagandahin ang kasunod. Thanks.

VOTEs and COMMENTs

Di Ko KayaWhere stories live. Discover now