Tumawa naman siya ng mahina sabay kamot sa batok. "wala akong magawa sa bahay kaya pumunta ako."tumango ako.

"Pasok ka."pag-aya ko umiling naman siya. "aayain sana kitang gumala pwede?"tanong niya nilingon ko muna ang loob ng bahay muli ko siyang nilingon saka tumango sinarado ko naman ang pintuan ng bahay.

"Saan ba tayo pupunta?"tanong ko. "basta."tipid niyang sabi sumakay naman siya sa bike niya.

Tinignan ko lang siya ng seryoso. mag-ba-bike siya tapos ako maglalakad? gano'n?

Nilingon niya ako nanatili naman akong nakatayo habang nakatingin sa kanya. "sakay na."sabi niya na ikinakunot noo ko. "ha-huh? eh-"hinila niya ang kamay ko saka ako inalalayan na sumakay sa bike niya nasa harapan niya ako nakaupo.

Bakit kaya hindi nalang ako sa likod niya pinasakay pwede naman doon nalang ako umupo? bakit sa harapan niya pa? ang awkward tuloy.

Tumingala ako para tignan siya nasa daan lang ang tingin niya mukha ngang ang lalim ng iniisip niya. Gabi na din kaya medyo malamig na ang hangin buti nalang at naka suot ako ng t-shirt kaya kahit papaano ay hindi ako nilalamig. naalala ko tuloy no'ng mga bata pa kami. natatandaan ko pa ang sinabi niya sa akin noon na kapag lumaki na kaming dalawa ay liligawan niya ako.

Hindi naman ako assuming para mag-expect na gagawin niya nga 'yong pangako niya. At kung sakali ngang tuparin niya iyon ay hindi ko din alam kung kaya ko siyang sagutin basta ang alam ko sa sarili ko kaibigan ang turing ko sa kanya, 'yon lang.

Pero sa ngayon focus muna ako sa pag-aaral ko saka ko na iisipin ang mga bagay na iyan kapag naka graduate na ako. napabuntong hininga naman ako sa mga naiisip ko.

Nagulat naman ako nang may malaking truck na nasa harapan namin kaya agad akong napayakap ng mahigpit sa kanya naramdaman ko naman na huminto kami.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "hindi mo kailangang matakot, ako naman ang nagmamaneho ng bisikleta kaya dapat magtiwala ka sa 'kin."naramdaman ko naman ang mga kamay niya sa buhok ko. "sorry nabigla lang ako."ilang kong sabi sabay ayos ng upo.

Piste! ano bang klaseng pakiramdam 'to? bakit ba naiilang ako sa kanya hindi sa hindi ako kumportable sa kanya pero kasi iba ang pakiramdam ko ang bilis din ng tibok ng puso ko na halos lumabas nasa dibdib ko.

is this what they called love?

Baka naman mamaya hindi talaga pag-ibig 'to baka naman something lang 'to, ewan ko ba! ang gulo!

"may problema ba?"napalingon ako sa kanya. "wala naman."tipid kong sabi tumayo naman siya saka pumasok sa loob ng convenience store. Hindi ko ba alam sa sarili ko kung bakit ganto 'yong nararamdaman ko kapag magkasama kami bumibilis ang tibok ng puso ko minsan naman ay may kung anong meron sa loob ng t'yan ko.

sign na ba talaga 'to?

Sa ngayon ayoko pang isipin ang bagay na iyan baliwalain ko muna 'tong nararamdaman ko baka naman kasi naguguluhan lang ako kaya ganito ang pakiramdam ko.

Nakatingin lang ako sa langit napaka tahimik ng paligid wala na halos dumadaang sasakyan dahil gabi na. Nakaupo lang ako sa labas ng convenience store habang si Tristan naman ay nasa loob. "ice cream?"nilingon ko siya kinuha ko ang ice cream na hawak nya. "salamat."sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

Napaka awkward ng moment namin ngayon hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang pakiramdam ko sa kanya. Ang hirap ipaliwanag.

Isang oras naman kaming nanatili sa labas ng convenience store pagkatapos ay inihatid na ako ni Tristan pauwi samin.

-

Napabalikwas naman ako sa tunog ng alarm clock ko napahilamos naman ako ng kamay ko sa mukha ko. Gustuhin ko mang matulog pa ay hindi na pwede, tsk. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi!

(Time series #1) Past and Future Where stories live. Discover now