Napapangiti naman si Georgina sa bawat sinasabi ni George. Naaalala niya ang lahat. She then realized na gano’n pala siya kadesperada na magka-boyfriend. Nakakahiya naman ako.

 “’Step 2: Get quick lessons about his life – his favorites, interests, and the like’.

“Kaya pala ang daming notifications sa Facebook ko; wagas kang maka-like. Alam ko namang guwapo ako. Hindi mo na kailangang i-like anglahat ng pictures ko sa Facebook. Ikaw talaga.”

Saglit siyang napahinto sa pagsasalita. “Sabi sa’kin ni B, ipina-print mo raw ang buong profile ko sa FB? You’re so sweet, honey. Look at this.” He gave an envelope to G. Nagulat naman siya nang makita ang laman nito. She then laughed like there’s no tomorrow. “Akala mo, ikaw lang adik sa’kin? Mas adik kaya ako sa’yo.”

Ang laman ng envelope, buong FB din ni Georgina. Lahat ng files niya sa C&K. Resumes. Bio Data. Humingi siya ng copy ng lahat ng ‘yon kay Maynard.

“Mean to be talaga tayo,” dagdag nito bago nagpatuloy.  “’Step 3: Try to become his friend. This may be a good start’.

“Alam mo bang sa oras na nagkapalagayang-loob tayo, ‘yon ang oras na sinabi ko sa sarili ko na umpisa na ‘yon para iparamdam ko sa’yo kung gano ka ka-special sa’kin?  Ang tanga ko lang dahil pinalampas ko ang ibang araw. Sayang. Pero hayaan mo, hindi na ‘yon mangyayari. Bawat araw, bawat oras, ipaparamdam ko sa’yo kung gaano kita kamahal.

 “’Step 4: Smile. Have confidence. Laugh and be positive. Take away all bad vibes. Ignore them. Always be optimistic’.

“From the very first time you gave me a hot chocolate, lalo ko ‘yong naging favorite. Ikaw ba naman ang bigyan ng mahal mo sa oras ng trabaho? E di siyempre, inspired ka lalo tulad ko noong mga oras na ‘yon. Kasabay pa ng lihim kong pagsulyap sa matamis mong ngiti na lalong nagpapatingkad sa iyong kagandahan, ang puso ko’y umaariba sa pagpintig at hindi na matiis na iparamdam sa’yo ang aking pag-ibig. Ang corny ba? Okay lang ‘yan. Kinikilig ka naman.”

Parang baliw si Georgina. Iiyak, tatawa, ngingiti nang sabay-sabay. Ganito pala kapag tunay na pagmamahal.

 “’Step 5: Don’t overdo make-ups, but learn to dress well. Simplicity is beauty’.

“Lagi ka namang maganda, e. Pero bakit mas gumanda ka no’ng party? Ginayuma mo ba ako o sadyang pinaganda ka ng dress na suot mo? Biro lang. Natameme ako sa’yo, mahal. Kung alam mo lang. Kung may sakit ako sa puso baka na-stroke na ako dahil sa abnormal heartbeat ko no’ng mga oras na ‘yon. Grabe lang talaga. Ang lakas ng tama ko sa’yo.”

 Natatawa si George sa mga sinasabi niya, dala marahil ng kaba.

 “’Step 6: Body language. If you can’t be verbally open, at least let your feelings show’.

“Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang tagal kong hinangad na mahawakan ang mga kamay mo nang ganoon, na parang tayong dalawa lang sa mundo kasabay ng pagtingin ko sa mga mata mo. Ang saya-saya sa pakiramdam. Lalo kitang minamahal. Sobra akong kinikilig no’n. Ikaw ba namang makasaway ang ultimate crush mo at love of your life, ‘di ba? Ehem, ehem: I think I’m falling. Falling. In love with you…”

Ngiting-ngiti ang lahat ng nanonood. Feel na feel kasi ni George ang pagkanta ng linyang iyon kasabay pa ng pagturo niya kay Georgina.

 “’Step 7: Make him feel important so that you’ll be important to him, too’.

“Kahit tulog ka, napaparamdam mo pa rin sa’kin na Mahalaga ako sa’yo. Kung alam mo lang ang naramdaman ko nang marinig ko na importante ako sa’yo. Para kong naka-jockpot sa lotto!

 “Step 8: Show him that you’ll be a good fit for him. Reveal tidbits about yourself. Make him realize you’re matched.

“Una pa lang, alam ko nang hindi tayo tao. Kasi bagay tayo. Ang ganda-ganda mo. Tapos ako?”

Hinarap niya ang mic sa audience. At ang mga ito’y sabay-sabay na sumigaw ng “Guwapo!”

 “Honesty is the best policy, ano po? Seriously, my lady, you and I are meant to be.

 “’Step 9: Allow some time away from him. Make him miss you’.

“Alam kong hindi mo ‘to ginawa. Hindi natin sinadya. Dumating lang sa punto na kailangan kong isipin ang pamilya ko kaysa sa sarili ko. Sabi ko kasi sila ang mas mahalaga. Saka na ang kaligayahan ko pagkatapos ng kanila. Ipagpaumanhin mo ang anumang nasabi ko sa’yo noon. Hindi totoong hindi kita mahal. Hindi totoong dahil lang ‘yon sa plano. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal.”

 This time, George’s face became serious.

“Akala ko ba 10 steps? Bakit hindi mo itutuloy ang last? Ayaw mo na ba talaga? Hindi ka na ba nainiwala sa 10 steps na ‘yon?” He took a deep breath. “Pero okay lang. I will be the one to finish it.”

He moved closer to G. “Georgina, Step 10: Read my sign.”

Isa-isang nagsibalikan sa stage sina Maynard, Boss Lee, Sir Jason, Blesie at Geeo. Nando’n din pala ang iba pang katrabaho nina G at George. Todo-suporta sila maging ang mga pamilya nila.

Hinubad ng limang nagsalita kanina maging ni George ang suot nilang suit, jacket o vest. Isa-isa sila habang binabasa ang mga salitang nakalagay sa kanilang mga damit.

Maynard: GEORGINA

Boss Lee: WILL YOU

Sir Jason: GIVE ME

Blesie: THE HONOR

Geeo: OF BECOMING

George: YOUR BOYFRIEND?

At pagkatapos, bumaba si George at lumapit kay G para isama siya paakyat sa stage habang ang mga nanonood naman ay kinikilig nang bongang-bongga.

“Nabigyan ka na nila ng bulaklak at teddy bear. Wala na akong maibibigay.” Kinapa ni George ang kanyang bulsa at saka may kinuha. “Ang lalaki ng mga ibinigay nila sa’yo maliban sa keychain ni Maynard. Kuripot ‘yon, e. G, maliit lang ang mabibigay ko sa’yo pero katumbas no’n ang habambuhay kong pagmamahal sa’yo. Hindi man akong perpektong tao, ipinapangako ko pa rin na hindi na kita ulit sasaktan. Ayaw ko nang masaktan ka. Ayaw ko na ring masaktan. Sapat na ang minsang ni-let go kita. This time, hinding-hindi na. G, mahal kita. Mahal na mahal kita.”

Lumuhod si  George sa harap ni G at saka inilabas ang munti niyang regalo. “Georgina Agnes Steve, hindi pa ako magpo-propose. Pero kung gusto mo, puwede na rin.” Binuksan niya ang maliit na kahon na hawak niya at saka kinuha ang laman nito. “Will you give me the honor of becoming your boyfriend?”

Nagkaroon ng kaunting katahimikan. Naghihintay ang lahat sa pagsagot ni G.

 “Love, please naman, ‘wag ka nang tumanggi. Nakakahiya sa kanila, o. ‘Di ba?” Humarap si George sa mga nanonood.

 “Oo nga. Ang sweet-sweet niya, o. Say ‘yes’! Say ‘yes’!” sabi nila.

“E, paano kung—”

Hindi na naituloy ni G ang sasabihin niya nang bigla niyang maramdaman ang mga labi ni Geroge sa kanya, kasabay niyon ang patuloy na hiyawan ng mga tao maging nina Blesie.

“Ano’ng sagot mo, mahal ko?”

“N—yes!” nakangiting sagot ni Georgina.

George faced the audience. “Narinig niyo, ha! She said ‘yes’!”

Muling lumiwanag ang langit sa mga nagpuputukang mga fireworks.

“Salamat, Georgina. Salamat. Hindi mo pagsisisihan ‘to, pangako. Mahal na mahal kita!”

“Ang suwerte ko.”

“Hindi. Mas masuwerte ako.”

At saka sila nagyakapan ulit na parang wala nang bukas sa ilalim ng makulay na kalangitan.

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon