KAML

30 0 0
                                    

Sa halos magtatatlong taon nang tengga sa online class buti naisipan din ng University namin na mag face-to-face classes.

Oo, hindi ako natutuwa slight dahil goodbye google forms, Grammarly at Google Classroom. Ready na humimlay sa seryosohang pag-aaral.

Pero natutuwa rin dahil bored na bored na ako sa maghapong nakaupo sa study table at losyang na losyang na ako sa sarili ko plus wala pang nakikitang mga tao. Kaya heto nga ako mukhang alien na naglalakad papunta sa building naming napakalayo habang nalulula sa dami ng nakakasalubong na mga estudyante. Kung alam lang sana ng ateng nyo magdrive ng motor haist!

Sa sobrang pagdadaydream ko biglang may walang hiyang bumusina sa aking nakamotor huminto pa ito sa gilid ko.

Unti-unting inalis nung kung sino mang bwiset na lalaki yung helmet nito.

"Miss tumingin ka naman sa dinadaanan--"

"Gelo?" sabat ko.

"Kilala mo ko," ibinaba pa nito ang facemask na suot.

"Si Jelly ito shuta ka," tumawa pa ako ng bahagya.

"Ay shooks ikaw yan? Shuta ka di kita nakilala,"

"Kapal!" sabay taas ko ng kilay dito.

"Huy sabay ka na sa akin garud," ay ibuh gentleman.

"Ay totoo ba?"

"Oo nga angkas na malayo pa building natin."

Umangkas na ko sa motor without him knowing na he made my first day in F2F class complete.

Sya si Gelo Suarez 2nd year, taking same course as mine. I'm Jelly Gardan 3rd year taking BA in Creative Writing. Naging magkaibigan kami noong 2021 when he accepts my friend request sa Facebook na hindi ko alam kung paano nangyaring inaadd friend ko sya. So, yun nga vacation noon at sya magfifirst year college palang. At accidentally he was accepted same as my course. Music course daw sana ang itatake nito kaso pinunta sya sa course na ito.

And because of that we became friends. We talk sometimes about struggles sa buhay, hobbies, and love life. Ako nga lagi taga agdvice dyan sa mokong na yan. Aba't madaldal din kasi when it comes sa mga babaeng naencounter nya kuno na muntik-muntik nya nang maging girlfriend kung hindi lang daw umepal mga boy best friends' ng mga ito. Ang ending inis na inis yan sa mga boy best friends. 

Then here we are, we became tropa. Sabi nya. Pero sa akin hindi tropa ang tingin ko sa kanya.

***

Pagkapark nya sa motor umalis agad ako sa pagkakaangkas may mga estudyante kasing nakatingin. 

"Teh may jowa na ata yung crush mong si Gelo," rinig ko sa isang babae na nandun. Ano ba yan bumubulong ba yun o sadyang gustong iparinig.

"Salamat younger BROTHER!" sinadya ko talagang lakasan at diinan yung salitang yun ay shuta ayoko maissue. 

"Ay ate nya ghorl," rinig ko nanaman sa kung sino.

Mukhang alam ni Gelo kung bakit ko yun sinabi mukhang nakangiti ang mga mata eh. "Opo ate!" saka ito tumawa saka ginulo pa nito yung buhok ko.

"Haist sige salamat babu!"

Sinadya kong lakihan ang mga hakbang ko para makalayo na sa 3rd floor pa kasi room namin. 

"Ay! Ate sunduin kita mamaya!" pasigaw nitong sabi. Nakatalikod ako pero ramdam kong maraming nakatingin sa amin.

Bwiset na lalaking yun! Pero aminin cute move bulong ng kung ano sa isip ko.

***

Lumipas ang ilang linggo and still nag-aadjust pa rin ako sa new learning modality ng college life ko. Yung araw na rin pala na iyon ng face to face class yung first time na nakita ako ni Gelo in person because we communicate online in the past dahil nga pandemic through messenger calls, chat and video call kami nag-uusap.

Kung alam mo langWhere stories live. Discover now