Page 01: Map

9 1 0
                                    

Saije's Point of View

Nice meeting you readers. Im old friend of sachi.

Naka upo ako sa labas ng convenience store kung saan nag tra-trabaho itong kaibigan ko. Isang oras mahigit nalang at out na siya sa work niya.

Bumili na muna ako ng maiinom at snack para naman may magawa ako habang hinihintay siya.

Bigla ko naman agad na alala na may binigay saken na lumang papel ang isang matandang lalaki kanina saken.

Isa itong lumang papel na naglalaman ng mapa.

"Tsk, para saan naman ito ?" anas sa sarili ko habang umiinom ng softdrinks na bili ko kanina.

Ang mapa na nakaguhit dito ay familiar ngunit hindi ko maiwasan magtaka kung bakit may nakaguhit dito na lugar na hindi naman nag eexist.

Oo nag eexist dahil ito ang halos kwento nag iba lalo nasa mga matatanda. Hindi naman ako naniniwala dahil isa lamang itong panakot sa mga bata.

Habang pinagmamasdan ang lumang mapa hindi ko kaagad na pansin na may lalapit. "Anong ginagawa mo dito saije ?" isang boses na kahit konti ayaw ko marinig. Naririndi ako.

Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Ano ba sa tingin mo ha, Theus ?" madiin na pagkakasambit ko.

"Ang sungit mo talaga, ano ba yang binabasa mo ?" tanong nito sabay hablot ng hawak ko.

Ikinainis ko ang reaction ng pagmumukha niya. "Hindi ko alam na naniniwala ka rito saije" asar nito. "Saan mo naman nakuha to at napag tuonan mo ng attension at hindi nalang ako" malanding tunan niya.

"Mas gugustuhin ko pang bigyan attension yan kesa sayo" singhal ko. Binigay niya ulit yung mapa.

Ilang minuto ang nakalipas nakikita ko na si sachi papalabas.

"Convenience store ito wag nyong gawen dating park ang store na pinag tratrabaho-an ko" bungad nito.

"Pati ba naman ikaw sachi hyst" pag aamok nito.

Kung sa attitude ang labanan aatras ako kapag si sachi ang kalaban. Minsan ko na rin kase nakasagutan si sachi sa tuwing kami ay may hinding pagkakaintindihan.

Pero agad naman kaming nag babati.

Pinuntahan namin ang dorm na titirhan namin. Mas malapit kase yun para school namin. Napag desisyonan namin ni sachi na maghahati kami sa lahat ng bayarin.

Sakto naman na dalawang kwarto ang dorm na yun. Good for two person nga talaga.

Mabuti nalang na sumama sa amin si theus. Kaya ayun ginawa lang namin siyang alila pansamantala. Pinaglinis lang naman namin. At pinabuhat ng mga gamit namin ni sachi.

Hindi kalaunan agad naman natapos. Hindi ko alam ang reaction ni theus dahil bahid sa mukha niya ang pagod at pawis.

"Uminom kana muna ng tubig" pag aalok ko sakanya.

"Salamat at nakaramdam ka den kanina pa ako nauuhaw e" saad nito.

"Nag pupumilit ka sumama e ayan tuloy" saad ko.

"Mabuti naman kahit papaano concern ka saken, nakaka-touch naman" saad niyang mapang flirt na naman.

Hindi ko nalang pinansin ang pangungulit niya dahil hinahanap ko ang ang presensya ni sachi na kanina pa wala.

Nakita ko ito na may bitbit na malaking isang box na kulay itim.

"Kanino yan sachi?" tanong ko.

"Galing daw sa school natin" ani nito.

Nilapag niya ito sa gitna namin. At sinimulan buksan. Isa tong malaking box na may kulay pula na ribbon.

Agad bumungad samin ang itim na polo at kulay ginto na name tag.

Nakakamangha naman isipin na isa lamang na public school ang papasukan ngunit mamahalin naman yata ang uniforms.

Agad naman natuon ang attention ko sa dalawang sobre na kulay itim den. Agad ko naman itong binuksan.

Wala namang ibang nakalagay kundi ang isang parang credit card.

"Ngayon lang dumating sainyo yan" pag puputol sa katahimikan naming tatlo.

"Bakit same ba tayo ng school na pinag enrollan ?" tanong ni sachi habang nag aayos ng gamit niya.

Magkaklase kase kami nitong fourth year high school. Teacher na mismo ang nag eenrol sa mga students na mababa ang grades like eighty five pababa.

Hindi ko naman lubos maisip na kasama ko na naman ang mokong na ito.

"Teka wala na bang ibang laman yung box?" tanong ko.

Kumunot ang noo ko ng makita ang isang familiar na papel.

Isa din itong mapa. Sinimulan ko itong buksan ngunit nagulat ako na hawig ito sa binigay saken nung matanda kanina.

Ang pinagkaiba lang ay napaka formal nito tingnan hindi katulad kanina na parang patapon na.

Pinagtataka ko lang kung bakit may naka guhit ditong lugar na hindi naman nag eexist.

The lost city ?

Book 1: The lost city Where stories live. Discover now