"Babae lang kinakanti mo! Bumangon ka d'yan!"

Lumapit ako dito at hinala ito patayo. Galit ako. Galit ako hindi sa kanya. Kundi sa ginawa niya kay Tyron.

"Nasisiraan ka na ba?! Bakit mo ginawa ito?" Tanong ko dito pero nakatingin ito kay Tyron na nakahiga sa sahig. Naawa ako sa lagay nito. Kahit ganyan siya, hindi ko hiniling na mag ka ganto ito.

"Please Kyle, dalhin niyo na si Tyron sa clinic o hindi kaya sa hospital!" Nag hihisterya kong sabi sa kaibigan nito na nakatulala sa tabi kasama kasamahan niya sa team.

Agad naman itong tumalima at binuhat ang kaibigan.

Nag bulungan ang mga tao dito at ilang minuto mula ngayon ay nandito na ang guardiya ng paaralan dahil sa gulo na inumpisahan ni Oniel. Kahit pinag tanggol niya ako mula kay Tyron pero mali ang ginawa niyang pag bugbog rito.

Umiiwas nga ako sa gulo tapos s'ya sinalubong pa. Napailing ako sa na isip ko. Bukas ko na lang papaliwanag kay Mama ang nangyare ito dahil alam ko na napupuntahan kami sa guidance para kausapin.

Lihim lahat ng pang aalispusta saken ng mga kapwa ko estudyante kay Mama. Si Oniel ang tagapagtakip ng mga sugat ko. Kaya lang mukhang hindi na ito naka pag timpi pa.

"How can you so cruel, Oniel?! Mapapatay mo 'yong tao, nakakapag isip ka pa ba!" Galit na sigaw ko rito.

Hindi ko alam kung saan nang gagaling ang lakas ng loob kong pagalitan siya sa harap ng tao dito.

Ako na isa lamang loser sa kanila ay sinisigawan ang lalaki sa harap ko na kilala bilang isang matalino, gwapo, habulin ng maarteng babae at higit sa lahat perpekto sa tingin ng iba.

Mula sa tingin kay Tyron ay napalipat saken ang mga mata nito na may bahid na galit.

"Ano sa tingin mo? Ikaw ang lage nilang gawing flavor of the day! Hindi lang isang araw, Ylave Dale! Araw araw ka nilang pinag tripan kase hinahayaan mo. Bakit hindi ka mag sumbong? Mahirap sayo, ako lang kinakanti mo!" Inis din nitong sabi saken. Pinunasan niya ang kanyang kamao na may bahid na dugo ni Tyron.
"Kung uutusan mo lang ako na wag pansinin ang mga ganon tao na walang ginawa sayo kundi pahiyain at lagyan ka ng pasa araw araw! Hindi mo ako maasahang manahimik! Nag usap na tayo, Ylave. Isusumbong mo pero nag pa dagdag kapa. Yan tingnan mo! Hindi kita tutulungan pag takpan yan kay Tita." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

Right, that his point but he don't have right to put violence in his hands.

Paano kung pinag tulungan siya. Edi kargo de konsensya ko pa!

Pwede naman ako na lamang pero pag siya na yon. Paano ko naman makakaya iyon.

"Hindi naman kita inuutusan..saken lang hindi mo na dapat pinalaki pa. Mapupunta tayo sa guidance at saka si Tyron—"

"Yan! Ikaw lang may pake d'yan. Lahat na lang inaalala mo! Pero yang sarili mo hindi! Hanggang kailan ka magiging ganyan. Lahat na lang ng deserving word na dapat ipaintindi sayo hindi mo ma apply d'yan sa sarili mo. Wala kang self confidence, wala kang pag mamahal sa sarili mo! Puro ka 'iba', 'iba' eh hindi ka nga nila iniisip. Ikaw naman muna, Ylave. Sarili mo naman! Baka matuwa pa ako sayo!" Sabi nito bago ako iwan na nakatanga sa pinag alisan niya.

Hinabol ko siya at sinigawan.

"Ilan beses ko rin sinabi sayo! Ayos lang pero dahil d'yan sa katigasan ng ulo mo! Na sangkot ka pa sa gulo! Hindi mo ako kailangan intindihin Oniel!" Galit kong sigaw rito.

Nabigla ako ng tumigil ito at humarap saken.

"Bakit hindi kita iintindihin ha?! You have bruises in your face every fucking day and yet!..you keep saying I'll stop worrying you! How can I do that if you are in my mind every fucking minute, every fucking hours and even when before I fall asleep, then first thing in a damn morning!" Hinihingal niya itong isinatinig. Parang wala pa itong ipaalam saken pero dahil galit siya ay nasabi niya iyon lahat ng walang kurap.

Impervious to his actionWhere stories live. Discover now