HIDE - Chapter 1

16 0 0
                                        

CHAPTER 1

Patuloy lang sya sa pagtakbo habang hindi nya alam kung saan nga ba dapat tumungo. Hindi alam ni Sunny kung sino ang taong humahabol sa kanya o kung tao nga ba ito. Hindi niya alam kung nasaan na ang mga kaibigan nya, ang mas importante lang sa kanya ngayon ay ang makaalis muna sa lugar na iyon para mailigtas na din ang mga kaibigan nya. Buhay man sila o patay. Kahit na binabalot na sya ng pagod, wala syang pakialam. Ang dapat nya lang gawin ngayon ay tumakbo ng tumakbo, kung hindi ay magagaya sya sa mga kaibigan nya.

Malayo na sya. Alam nya iyon dahil sobrang dilim na ng paligid nya at wala na syang makita. Tanging liwanag nalang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa kanya para magpatuloy pa. Sandali syang tumigil para habulin ang kanyang hininga na kanina pa sya iniiwan. Nang maging maayos na ang paghinga nya ay nagsimula na din syang maglakad ulit. Habang naglalakad sya ay muli syang tumingin sa bahay kung saan sya nanggaling, bigla syang naiyak dahil hindi nya na alam kung may mababalikan pa ba sya. Alam nyang patay na lahat ng mga kaibigan nya.

Biglang nagsunod-sunod ang luha ni Sunny habang naaalala nya ng mga kaibigan nya. Ang kaninang mabilis nyang pagtakbo ay naging mabagal dahil sa hikbi nya na hindi na maitago. Hikbi ng pagluluksa ng taong nawalan ng kadamay at nawalan ng kasangga sa buhay. Kahit na alam nyang hindi sila ganon ka-close ng mga kaibigan nya ay ang mga ito lang ang nagbibigay saya sa kanya. Ngayong wala na ang mga ito, hindi na nya alam kung paano pa sya mabubuhay. Hindi nya alam kung saan sya dapat pumunta. Hindi naman nya alam kung nasaan na talaga sya ngayon. Kahit na gustuhin nyang sumigaw, alam nyang wala namang makakarinig sa kanya.

"Ahh!" Malakas na napasigaw si Sunny ng bigla syang madapa. Napahawak sya sa paa nyang natalisod at pinilit parin ang tumakbo pero hindi pa sya tuluyang nakakatayo ng biglang may humawak sa kanya. "Ahhh!" Sigaw nya ulit. "Tulong!!!!" Malakas nyang sigaw pero wala paring nakarinig. "Tulong!!!!!" Malakas ulit na sigaw ni Sunny. "Bitawan mo ako!" Sigaw pa nya ulit at malakas na hinila ang kamay nya sa pagkakahawak nito. Nang makawala syang sa pagkakahawak nito ay mabilis syang tumakbo papunta sa kung saan. Patuloy lang sya sa pagtakbo pero bigla nalang syang nadulas at nahulog. Sandali pa nyang nakita ang ibabaw ng bangin, kung saan sya nahulog, bago sya tuluyang nawalan ng malay.






Magulo sa presinto. Palagi naman. May krimen dito, may krimen doon. Hindi na nga halos nakakapagpahinga ang mga pulis dahil sa mga kasong dapat nilang hawakan at solusyonan. May bago nga nanaman silang natanggap na report kaninang umaga. Isang babaeng walang malay ang natagpuan malapit sa isang bangin sa isang lugar sa Tanay, Rizal. Naisugod na sa ospital ang babae at nakita lang daw ito ng mga napapadaan sa lugar kung saan ito nakahandusay at walang malay.

Hindi pa nga malaman ng mga pulis kung ano ba talaga ang tunay na nangyari sa babae pero may hinuha na ang iba na nahulog ito sa malapit na bangin kung saan ito natagpuan. Hindi pa din nagigising ang babae kaya hindi pa nila malaman at wala pa silang makuhang sagot sa mga katanungan nila. Dahil hindi pa nila matatanong ang biktima, nagdesisyon nalang ang mga pulis puntahan ang tuktok ng bangin kung saan maaaring nahulog ng babae. Mahirap nga lang daw makapunta doon dahil delikado ang lagay ng bangin at maaaring magkaroon ng landslide at pati sila ay mapahamak.

Dumating ang araw ng pagpunta nila PO1 Chaves at PO8 Villaniares sa bundok at para mas maging maayos ang paghahanap nila ay may pinasama pa sa kanilang detective, si Detective Suares. Habang naglalakad ay tahimik ang tatlo at focus lang sila sa pagtingin ng kung anong mga pwede nilang makita. Hanggang sa umabot na ang ilang oras ay wala paring pinagbago, puro puno at dahon parin ang nakikita nila. In short, puro kagubatan lang.

HIDEStories to obsess over. Discover now