Prologue

2.7K 53 5
                                    

Prologue

NAPAHINGA nang malalim si Stacy nang alisin niya ang makapal na salamin na palagi niyang sinusuot at lakas loob na pinalitan ito ng contact lens na takot naman siyang gamitin noon. Nakasuot naman siya ng kulay pula na v-neck at sleeveless na dress. Tinernuhan niya ito ng itim na doll shoes dahil may katangkaran naman siya.

Nang sa wakas ay nakuntento na siya sa kanyang ayos ay kinuha na niya ang itim na purse at lumabas na sa kanyang kuwarto.

It’s their last year in college, and she has finally decided. The time for her to get out of her comfort zone has come since her classmates, Sarah and Lauren, invited her to hang out with them a while ago. She’s been craving that moment to come for how many years already since no one wants to be friends with her.

She’s living alone right now in her condo unit. Regalo ito sa kanya ng mga magulang niya noong tumuntong na siya sa kolehiyo. Bukod roon ay gusto rin sana siyang bigyan ng kotse ng mga ito. Ang kaso lang ay hindi pa siya confident na magmaneho.

Nasa huling taon na siya sa kolehiyo at ilang buwan na lang ang bibilangin ay ikadalawampu’t isang kaarawan na niya. Sadyang kay bilis lang lumipas ng panahon.

Hindi nagtagal ay lulan na siya ng taxi. Mabilis lang ang naging biyahe niya dahil hindi naman mabigat ang daloy ng trapiko. Pagkarating niya sa High Five Bar ay agad niyang namataan sina Sarah at Lauren na naghihintay na sa labas pagkababa pa lang niya ng taxi. Agad na nilapitan naman niya ang mga ito.

“Sorry. Kanina pa ba kayo?”

The two of them eyed her from head to toe. Hindi naman mawari ni Stacy ang bumalatay na ekspresyon sa mukha ng dalawa.

“We just arrived. Anyway, I hope you don’t mind.” May itinuro si Sarah sa bandang likuran nito.

Napamaang si Stacy nang mapansin ang dalawang hindi pamilyar na lalaki na nasa likod ng mga ito. Pero napatango na lamang siya nang kawayan siya ng dalawa.

Sa isang iglap ay bigla siyang nakaramdam ng hiya at pagkailang. Ang buong akala kasi niya ay puro babae lamang sila na magkakasama ngayong gabi.

“Ayos lang naman. Pero baka ako ang nakakaistorbo sa inyo?” Napangiwi siya. Kung titingnan kasi ay tila nasa isang double date ang mga ito habang siya naman ay isang dakilang extra.

“Of course not! Let’s go!”

Wala na siyang nagawa pa nang hawakan siya nina Sarah at Lauren sa magkabilang braso at hinila papasok sa bar. Agad na sinalubong naman sila ng isang malakas at maharot na tugtog pagpasok nila sa loob. Napalunok na lang si Stacy nang may madaanan pa silang naghahalikan sa isang tabi habang patuloy lang sila sa paglalakad.

Ganito ba talaga rito?

Hanggang sa napili nilang umupo sa mga bakanteng puwesto na malapit lang sa bar counter.

“What do you want to drink?” tanong ni Lauren sa kanya pagkaupo nila.

Kinagat niya ang ibabang labi. Wala kasi siyang ideya tungkol sa mga inumin sa bar.

“Anything will do. Kayo na lang ang bahala.”

Nagkibit balikat naman ang dalawa bago sinabi ng mga ito ang order nila sa bartender. Habang naghihintay ay hindi niya maiwasan ang mapatitig sa mga kasama niya na tila balewalang naglampungan na lang bigla sa harap niya.

Pakiramdam niya ay nakararanas siya ng culture shock nang dahil sa nasasaksihan niya ngayon. Kaya naman ay agad niyang nilagok ang shot glass na ibinaba ng bartender sa harap niya.

Ngunit muntik ng mabitiwan ni Stacy ang hawak na baso nang dahil sa pait at init na gumuhit sa kanyang lalamunan. Doon lang din niya napansin ang lemon sa tabi nito at asin sa ibabaw ng counter.

The Professor's Possession (To Be Published) ✓Where stories live. Discover now