But somehow I remember what I saw on that party. Bukod sa may nawawala, hindi ko maiwasang isipin na marahil...

"I'm worried but I don't want to think that her body burned to ashes, Bry..." saka ko ibinalik sa mesa ang aking inumin.

"I believe she's alive. And probably she's hiding?"

"Hiding?" Nagkasalubong ang kilay ni Bryson.

Tumango ako.

"One of us knew what really happened. Ngunit nanatili lamang sigurong tahimik para pagsamantalahan din ang sitwasyon," saka ko binakante ang kabilang lounger.

Bryson's head tilted. I rested my whole body against the lounger and shut my eyes. Ramdam ko ang init na humahalik sa aking balat at paninitig niya.

"Who?"

I chuckled softly. Binasa ko ang labi ngunit nagkibit. We are trained for survival since we were young. Itinuro sa amin ni Lola na hindi mahalaga kung sino ang kasama. Ang mahalaga ay kaya mong isalba ang iyong sarili. Kung kaya mong prumotekta, then do it.

"Kahit si Abrielle, Lola?" simangot ni Ayeselle na nakaupo na sa sahig ng bermuda grass.

Nasa open space kami para sa aming training. Tagaktak ang aking pawis at medyo hinihingal. Si Abrielle at Ayeselle ay kapwa na nakaupo sa sahig, si Arkaine naman ay tahimik at nakatayo pa rin habang kalmado lamang.

"Are you willing to sacrifice yourself for her sake, Ayeselle?" tanong ni Lola.

Kita ko ang medyo pag-iisip ni Ayeselle. Abrielle looked at her hopefully with her fake puppy eyes.

"No, Lola," agarang sagot ni Ayeselle na ikinalaglag ng panga ni Abrielle.

I smirked because she got the right answer.

"Ano?! You selfish bitch!" natatawang si Abrielle at hinila ang braso ni Ayeselle kaya bumagsak silang dalawa pahiga sa bermuda grass.

"Because I know you can handle yourself. Alam ko naman na ganoon din ang sagot mo kung tatanungin ka ni Lola. We're raised independently..." si Ayeselle.

Right. We are raised not to depend with each other. May mga araw na kaya naming sandalan ang isa't isa, ngunit kaya rin naming tumayo nang hindi nakadepende sa isa't isa.

"It's obvious why he burned the woods. To get revenge with the Ferrarins after what they did to their family especially to their father..." I heard them whispered after the judge declared that Drystan is indeed guilty.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Ngunit ang palaisipan sa akin, ano ang ginagawa niya roon sa gabing iyon. Why is he in the woods? Nakakakuryoso.

Simula rin noong nagkasagutan kami ni Arkaine ay naging tahimik kami sa isa't isa. Ayeselle was silent too.

I know they're thinking that Abrielle didn't burn to ashes. Kahit pa naroon na ang ebidensya na nasama siya sa sunog, sigurado akong may naiisip din silang iba para pagtakpan ang tanging katotohanan na lumulutang.

Nagising ako sa sumunod na araw na may mga bagaheng nakahanda sa ibaba. Nakita ko rin si Arkaine na bihis na bihis.

She's leaving for college? Ang alam ko sa Manila siya mag-aaral eh. Umahon ang kanyang tingin at tiningala ako. Humalukipkip ako habang nanatili sa ibaba.

Kahit naka shades, ramdam ko ang lamig ng kanyang tingin. Naka ponytail din ang kanyang buhok at naka itim na coat habang sa loob ay isang fit na dress.

"Sa UK daw siya pupunta?" rinig ko ang boses ni Ayeselle na nasa gilid ko na rin.

Nagkasalubong ang aking kilay. United Kingdom? Hindi sa Manila? Doon ba siya magkokolehiyo? Something about it made me think thoroughly.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Where stories live. Discover now