Chapter 16. Seventh Loop

0 1 0
                                    


Benj Pov.

" Nick do you really love me?"

"Benj saan ba galing ang ganyang tanong mo nagdududa kaba sa akin?" 

" I'm going to ask you another question ano ang dahilan kung bakit ka pumayag maging boyfriend ko?" 

" It's because I love you" walang pag- alinlangan niyang tugon.

" I see so paano mo maipaliwanag to" sabi ko bago nilabas ang isang document.

Kinuha niya yun at tiningnan bigla naman umiba ang expression sa mukha niya habang nakatitig sa document na ibinigay ko.

" Saan mo to nakuha?" 

3 hours earlier

Dali dali akong bumaba para puntahan ang office ni Daddy doon niya nilalagay ang mga mahahalagang dokumento sa trabaho niya malakas din ang kutob ko na doon makikita ang hinahanap ko. Mahigpit na ipinagbabawal ni Daddy na pumasok sa loob,  katapat lang yun ng kwarto nila Mommy kaya kailangan kong mag ingat para hindi nila ako makita.

" Manang na saan si Mommy?"  Tanong ko sa katulong na naglilinis sa sala.

" Sir hindi pa po lumabas ang Mommy niyo" tugon niya

" Okay maraming salamat"

" Kuya where's Mom?"  Sigaw ni Venice mula sa taas

" Bakit may kailangan ka?"

" Yes I need her help"

" Ako nalang ang------

" No, tawagin mo siya please" pakiusap niya

" Okay diyan kalang"

Pinuntahan ko si Mommy sa kwarto nila kumatok ako ng dalawang beses.

" Mom are you here?"

" Sandali"

Ilang sandali pa binuksan na niya ang pinto ng kwarto

" Benj may kailangan kaba?" 

" Hinahanap kayo ni Venice kailangan niya daw ng tulong"

" Sige puntahan ko lang siya"

" Mom na saan nga pala si Daddy?"

" Hindi siya nakauwi kagabi may mahalaga daw siyang inaasikaso"

Nang makaalis na siya kinuha ko ang pagkakataon para buksan ang pinto ng office ni Daddy. Mabuti nalang mayroon akong susi para makapasok sa loob. Lumapit ako sa table niya at inisa isa ang mga documents na nasa taas ng table. Binuksan mo ang drawer para doon maghanap pero hindi mo parin nakita ang hinahanap ko.

Isang lugar nalang ang pwede niyang pagtaguan. Dumeretso ako sa library area ng office para hanapin ang paborito niyang book. Nang mahawakan ko yun biglang bumukas ang secret door pumasok ako sa isang kwarto kung saan nakatago ang volts.

" If I were Dad anong ilalagay kong code?" Tanong ko sa sarili habang nag iisip.

Sinubukan kong ilagay ang anniversary nila ni Mommy pero hindi bumukas. Sinubukan ko rin ilagay ang birthday niya pero mali parin. Birthday ni Mommy, Venice at ang akin ang sunod kong inilagay pero hindi parin bumukas. Nag isip ako numbers na palaging na pwede niyang gamiting code, marami akong sinubukan pero bigo parin akong mabuksan.

" Shit ano kaya ang nilagay niya dito"

Napatingin ako sa ng makarinig ng ingay sumilip ako ng kunti at nakita si Daddy na pumasok sa loob. Kailangan kong magmadali siguradong malalagot ako kapag nalaman niya na nandito ako.

Friday Loop Where stories live. Discover now