02 - Fun Run (Yoonmin)

17 18 0
                                    

Si Jimin kasi kung kani-kanino tumitingin, tuloy itong si Yoongi gusto na ring tumakbo.

Prompt: university (@filoymfest on Twitter)

~~~~~~~~~~

~~~~~~~~~~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

~~~~~~~~~~

"Di ko talaga gets. Ba't kailangang tumakbo ng hubad to make a point?"

"Yoongi, di lahat ng bagay kailangan ng deep analyzations mo. Minsan, you just need to be present to enjoy the moment!"

"Enjoy na enjoy mo nga eh."

"Saka, tingnan mo naman ang turnout. Andaming tao. Andaming nakakakita ng placards nila. May media pa. People are paying attention. They are getting their point across."

"Oo nga. Kitang-kita ko nga kung sa'n nakatutok yang mata mo."

"Wala nga akong makita eh!" Pabirong siniko ni Jimin ang nakabusangot niyang roommate, sabay hinila pa ito para makisiksik at mapunta sila sa harapan.

Sakto namang pagdaan ng isang participant sa sikat na campus annual event na iyon at inabutan pa ng pulang rosas si Jimin. Pero bago pa ito mahawakan ng ngiting-ngiting makiri, inagaw na ito ni Yoongi.

Di naman sumuko ang hubad na runner na may itim na taklob at puting maskara sa mukha at nag-abot ulit ito ng rosas kay Jimin. Lalo tuloy nalukot ang mukha ni Yoongi na muntik pang mapangisi nang marinig niyang suminghap ang lokong runner bago ito kumaripas ng takbo.

Isang segundo pa at baka natuhod na niya sa singit ang tinamaan ng lintek!

Kesehodang may ipagmamalaki ang otokong burles. May pagka-massive ang assets. Kaya nga anlayo na, sinusundan pa rin ng tingin ni Jimin habang inaamoy-amoy pa ang rosas na inabot sa kanya. Muntik na tuloy umusok ng ilong ni Yoongi.

"Amin na nga yan! Para sa mga babae lang yang mga rosas eh."

"Tingnan mo 'toh! Ikaw ang hindi nakakaintindi sa pinaglalaban nila eh. Makaluma na 'yang kaisipang may kasarian ang mga bagay at tradisyong nakamulatan na natin. Panahon na talaga para seryosohin natin ang gender revolution-"

"Kinalaman nyan sa rosas?"

Marahang hinampas ni Jimin ang rosas na hawak sa mukha ni Yoongi. Sakto rin namang may huminto ulit na runner sa tapat nila at nag-abot na naman ng rosas kay Jimin.

Aagawin ulit sana ni Yoongi, pero nagulat siya ng hampasin ng mokong ang kamay niya, bago lumuhod pa sa isang tuhod at inabot ulit ang rosas sa roommate niyang kilig na kilig.

Natulig din ang tenga ni Yoongi sa lakas ng sigawan ng mga tao sa paligid nila. Natutok tuloy ang mata niya sa kulay lilang puso na naka-tattoo sa kamay ng runner. Madaling hunting-in 'tong isang toh.

Humanda ka talaga sa'kin, banta ni Yoongi sa isip, lalo pa nang makipagsukatan pa ng tingin sa kanya ang gago bago nagpatuloy sa pagtakbo.

At mukhang hindi talaga ito araw ni Yoongi dahil tatlong runners pa ang huminto sa tapat nila at nag-abot ng rosas sa haliparot niyang roommate na mukha nang bulateng sinabuyan ng asin sa kilig. Lalo tuloy nagkagulo ang mga miron. Lahat na ata ng camera at phone nakatutok na sa direksyon nila.

Siniko niya si Jimin, with all the init ng ulong naipon na sa dibdib niya. Gusto na talaga niyang sumigaw at manuntok. "Alis na tayo."

Pero ang Jimin, parang walang narinig. Tutok na tutok pa rin ang mga mata sa mga ibong walang pakpak na dumadaan sa harap niya. Pangiti-ngiti pa, at feel na feel amuyin ang bungkos ng mga rosas na natanggap sa mga maskaradong, maskuladong hubad na isa-isa nang namarkahan ni Yoongi sa isip.

Yan pala gusto mo ha!

Sa sobrang inis, binato ni Yoongi ang kaisa-isang hawak na rosas bago biglang hinubad ang suot niyang jacket.

"Huy! Yongz, anong ginagawa mo?!"

Parang isang korong napasinghap ang lahat nang sumunod na hubarin ni Yoongi ang suot na T-shirt.

"Syet! Uy! Huwag kang maghubad dito!"

"Ano? Sila pwede, ako hindi?"

Kesehodang kinuwestiyon niya ang sense ng paghuhubad to make a point. Kung yun lang ang paraan para maipaglaban ang gusto niyang maipaglaban, gagawin niya ang lahat, makuha lang ang atensyon ni Jimin Park.

Nang tatanggalin na niya ang butones ng pantalon niya, pinigilan na siya ni Jimin.

"Ano ba ginagawa mo?!"

"May pinaglalaban din ako!"

"Ano?!"

"Ikaw!"

Sigawan at tiliang walang humpay. Pati mga runners napatigil at natutok na ang atensyon sa kanila. Sakto nga naman kasi sa tema ng taon ang mala-pinoy telenobelang senaryo ng dalawa.

Parang nalusaw naman agad ang galit ni Yoongi nang sumilay ang isang matamis na ngiti sa mga labi ni Jimin.

Ngiting para lang sa kanya.

Ibinigay ni Jimin ang bungkos ng rosas na hawak sa isang babae sa tabi niya, bago dinampot ang rosas na tinapon ni Yoongi. "Huwag mo nang ituloy yan. Panalo ka na, dati pa."

Walang kyemeng hinalikan ni Jimin ang nakamaang na mga labi ni Yoongi na natulala na sa sobrang saya, pagkabigla at kung anu-ano pang emosyon na hindi na niya mapangalanan pa.

"Saka, ako lang pwedeng makakita nyan, okay?"

Napangiti na ulit si Yoongi, tapos na mag-lag at mag-loading ng utak. Di na rin siya naiirita sa ingay sa paligid nila. Dinampot na niya ang jacket at t-shirt sa lapag, bago hinila na paalis ang jowa niya.

Pabirong lumingon pa ulit patalikod si Jimin, kaya nahampas ito ni Yoongi sa braso at itinakip pa ang jacket sa ulo nito para hindi na matuksong tumingin sa iba.

###

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

once you jimin (bxb)Where stories live. Discover now