'Defensive much?' Nangangalaiti kong tinignan si Hiro na nakangisi ngayon sakin. Bigla ko siyang hinampas sa braso niya---Err... hindi ko sinasadyang mapalakas yon.

"What was that for?" Tanong sa akin ni Hiro habang nakatingin ng masama.

Nakatulala lang yung apat sa akin at kay Hiro na parang nagtataka kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon.

"H-Hala. S-Sorry, Hiro. Hindi ko.... Hindi ko ano.... Hindi ko sinasadya." Sabi ko sakaniya habang nakatungo.

"Tsk. Let's go." Sabi ni Hiro saka siya lumakad papunta sa agency. Dito kasi kami sa labas nag-meet nina Miss Reina.

Agad na sumunod sila habang ako naiwang nakatayo doon.

"Halika na." Nagulat ako ng hilahin ni Akane ang kamay ko. Napatingin ako sa apat. Malayo na sila sa amin.

"Ano bang nangyari? Bakit mo hinampas si Hiro? Sayang. Bibiruin pa naman sana kita na nagde-daydream ka kanina about Hiro dahil nakatingin ka sakaniya." Nanghihinayang na sabi ni Akane.

"Napansin ko kasi kanina na tulala lang siya at nakatingin sa kawalan kaya napaisip ako kung may problema siya. Tapos kinausap niya ako through his inner voice. Hindi ko naisip na he can actually read minds even if its closed---Pwee! See? Napapa-english ako ng wala sa oras. Nakakahawa talaga yong lalaking yo----"

"Ayieeeee!" Sabay sundot niya sa tagiliran ko. Tinignan ko siya ng poker face. "Okay. Continue."

"As I was saying, nung kinausap niya ako through his inner voice, may something daw na nabobother siya then pinilit ko siyang sabihin sakin pero tinawag mo naman ako. Then niloko niya akong chismosa tapos tumawa siya bigla sa isip ko. That's the time na niloko mo kong nagde-daydream then nung sinabi kong hindi, niloko niya akong defensive daw ako. Bilang biro, I slapped him pero hindi ko aakalaing napalakas yon." Napatungo ako pagkatapos nung last line.

Pinat niya yung likod ko.

"You know what? You should give hin peace offering." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Huh?"

"C'mon! I know that you know what I mean here."

***

"Nee-san, are you okay?"

"Mmm.."

"Tulala ka kasi e."

Yeah. Ewan ko, something bothers me na din. Guiltness? Siguro.

"Akemi, sasama ka?" Umiling ako. "Okay. Iwan ka muna namin. May bibilhin lang kami sa plaza." Paalam ni Akane. Tumango naman ako.

Humiga ako ng patihaya sa queen size bed ng dorm. Kung may laser lang ang mga mata ko, kanina pa butas ang kisame ng room namin.

Napasigaw ako ng may tumalon bigla mula sa bintana. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tinignan kung sino yung tumalon. Naestatwa ako sa kinauupuan ko nang makita ko siya. Mukhang nagulat din siya nang makita ako.

Nagkaroon kami ng panandaliang eye staring contest. Walang nag-uudyok magsalita. Titigan lang.

"A-Anong g-ginagawa mo.... d-dito?" Lakas loob kong tanong. I can feel the awkwardness between the both of us.

"Sina Akane?" Plain niyang tanong. Pero, nung tinignan ko ang mga mata niya, nakita ko ang pagkailang doon.

"W-Wala. Nasa... Nasa ano.... Nasa p-plaza."

"Okay." Lumapit na kaagad siya sa bintana at tumalon na.

Nakahinga naman agad ako ng maluwag nang makaalis na siya. Agad akong nag-collapse sa kama at tinitigang muli ang kisame.

The Atama EffectWhere stories live. Discover now