Chapter 5:

6.2K 194 9
                                    


"Eto na pala sila e. Hindi na kailangang sunduin, Hiro. Ikaw naman masyadong nag-aalala kay Akemi." Agad siyang tinignan ng masama ni Hiro kaya nagtawanan kaming lahat.

Napatingin kami sa pintuan ng hallway dahil nagbukas iyon. Si Sir Hayate lang pala.

"Oh, Akemi, akala ko na-sprain ka?" Tumango naman ako.

"Opo. Pero, kaya ko naman na po." Napatango nalang din si Sir.

"So, by the way, here's your new case." Sabay lapag ni Sir ng isang folder. "Anyways, hindi ako makakasama. Sorry. May in-assign kasi sa akin ang President. I know that you can do it. I'm counting on you, Atama. Bye." Saka siya umalis at dumaan sa creepy hallway.

"Okay, Atama, let's do this." Nakagising sabi ni Akane.

Binuklat ni Akane yung folder at nakatambad sa amin ang isang parking lot na sobrang dumi at kalat. More like, abandoned parking lot. At may isang kotse doon at sa tabi noon at isang babaeng wala ng buhay.

"We need to go to the crime scene." Sabi ni Hiro. Nagtanguan kaming lahat at saka kami lumabas at sumakay kay Miyu.

"Good day, Masters!"

Agad agad din naming binati si Miyu bago mag-command si Ken.

"Miyu take us to the crime scene." Saka siya ngtype sa isang hologram keyboard at saka nagsimulang umandar si Miyu.

"Aye aye, Master Ken."

"Uy! Bago yun ah!" Puna ni Reiji.

"Oo nga." Segunda naman ni Riye.

Ilang minuto pa, nakarating na kami doon sa abandonadong parking lot. Puro mga nakapalibot na tao ang nakikita ko.

"Excuse us." Sabi ni Akane kaya biglang nag-give way ang mga tao. Lumapit kaming anim sa bangkay. May mga bruise siya sa leeg niya. Hmm.. Weird.

"Hindi kaya sinakal siya gamit ang rope?" Tanong ko kay Riye at agad siyang tumango.

"Posible, Akemi nee-san. Kasi may abrasions sa leeg niya e." Sabi pa niya.

Napatingin ako kay Reiji, Ken, at Akane. They're trying to shove the expectators away. May ibang nagmamatigas at may ibang umalis na. Not when Akane let them see our fake FBI ID's. Agad na nawala ang crowd at umalis. May ilan pa nga akong narinig na nagcomment na,

"Ang bata pa nila pero FBI na. Wow." Natawa nalang ako.

"Wait, nii-san, look." Napalingon ako kay Riye at Hiro. May itinuro si Riye sa kamay ng bangkay. Tinignan ko naman ito.

Tahimik itong tinignan ni Hiro.

Maya-maya pa, dumating na sina Sir Ryuu. Tinawagan ata siya nina Akane. Pero, kanina wala siya dun sa Police Office e.

Kinuha kagad nila yung bangkay para i-examine. Kami namang anim ay naghiwa-hiwalay sa parking lot para makahanap ng clues and evidences. Dun ako sa east part ng parking lot na may construction site pumunta. Wait, abandoned parking lot tapos may construction site sa east side? Tapos, walang naggagawa at nagtatrabaho. Hmm... weird... very weird.

Naglakad lakad pa ako hanggang sa mapadpad ako sa isa pang... parking lot? Grabe. Ang dami naman yatang parking lot dito. Napatingin ako doon sa lugar ng crime scene. 100 meters ang layo non dito.

Well, maghahanap na nga lang ulit ako. May nakita akong dalawang Pick-up truck na naka-park. Lumapit ako doon at naghanap. Pero, masyadong madumi at maraming gamit.

Naghanap hanap pa ako hanggang sa nakakita ako ng weird na bagay.

Isang red cord. Hindi siya ordinary cord. Parang yung cord na ginagamit bilang harness sa bungee jumping or kaya sa.... construction.

I have a bad feeling about this cord kaya kinuha ko ito at dinala sa crime scene kung saan nandoon yung iba.

Pagkarating ko, saktong nandoon na din sila.

"Anyone who saw some evidences?" Tanong ni Hiro.

"Langya, dude. Nosebleed na ko. Magtagalog ka nama----Okay. Wala akong nakuhang evidence." Side comment ni Ken pero agad na naputol nang tignan siya ni Hiro ng masama.

Itinaas ko yung weird construction cord na nakita ko. Napatingin silang lima sa akin.

"Ano yan, Akemi?" Tanong ni Ken. Nakatanggap naman siya ng batok mula kay Akane.

"Ehdi cord! Ano ka ba?! May isip ka ba talaga?" And there it started. Magkaaway na naman sila.

"Where did you find it?" Natigilan sa pag-aaway yung dalwa nang tanungin ako ni Hiro.

"Doon sa construction site sa east side nitong parking lot." Sabi ko.

"Let's go back to Miyu and analyse the bungee cord." Agad naman kaming bumalik kay Miyu para i-analyse kung anong meron sa cord na yon. Pero, ang weird talaga e. Bakit magkakroon niyan don sa pick-up truck? I mean.... hindi ba dapat nasa construction worker yan?

Nakuha na rin namin yung result ng autopsy and examination sa bangkay ng biktima. Napag-alaman naming siya si Crystal Concepcion. 21 years old. At siya ang may ari nung construction site na nasa east side.

"Wait, kung siya ang may-ari ng construction site na nakita ni Akemi, posibleng....." Hindi na naituloy ni Akane yung sasabihin niya dahil nagsitanguan na kaming lahat.

"Maybe the killer only wants Ms. Crystal to die, 'cause I don't see any other reasons." Sabi ni Reiji. Oo, tama. Baka gusto lang talaga ng killer na patayin si Ms. Crystal.

"Kanina, habang nagsho-shove kami ng mga expectators, nagtanong tanong na rin ako." Sabi ni Akane. Nakikinig lang kami nina Hiro at Riye sakaniya while Reiji and Ken are analyzing the cord. "Ayon sa isang babae sa crowd kanina, may dalawang lalaki daw siyang nakita na naglalakad di kalayuan sa crime scene. It was too suspicious daw dahil ipinatigil na muna daw ni Ms. Crystal yung paggawa sa construction site bago pa mangyari yung pagpatay pero nakita niya yung dalawang lalaki from the site." Dagdag pa niya.

"Eh, teka, paano nalaman nung babae yung pagpapatigil ni Ms. Crystal ng paggawa sa construction site?" Tanong ko.

"Oo nga, nee-san? Tinanong mo ba?" Si Riye naman ngayon ang nag-react. Hindi ko na hihintayin ang reaction ni Hiro. Alam kong hindi siya magrereact dahil sa utak niya, alam kong may nabubuo ng puzzle.

'Too much thinking about me.' Naestatwa ako sa narinig ko. Ugh. Hindi ko naisip na pwede niyang mabasa ang isip ko even if its closed. Ughhh!

"Uhuh. Ex-secretary siya ni Ms. Crystal. She hates her so much daw kasi wala naman siyang ginagawa pero agad agad siyang finire ni Ms. Crystal." Nagkatinginan kaming anim. Mukhang narinig nina Kem at Reiji yung deductions namin kaya napatingin sila....

....at isa lang ang nasa isip namin ngayon.

"So, there's a possibility na isa siya sa mga suspects natin. Right?" Sabi ni Akane. Napatango naman ako.

"And we also need to find out kung sino yung dalawang lalaki na nakita niya." Napatingin kaming tatlong babae kay Hiro. Tama siya kailangan naming malaman yon.

"Ay. Wait, Akane, naitanong mo ba ang pangalan nung Ex-Secretary ni Ms. Crystal?" Tanong ko. Medyo nag-isip pa siya kasi hindi niya daw maalala pero after a few minutes...

"Jemina Rose Santasisimo? Oh! Yes. Yun nga."

"Finished!" Napatingin kami kay Ken habang hawak hawak niya yung weird cord at mga papeles sa kabilang kamay niya. Agad niya itong dinala sa table.

"Onga pala, I smelled hydrogen peroxide and ammonia on the cord. Maybe the killer has his/her hair dyed blondie." Mas lalo akong napaisip sa sinabi nila.

"Hiro," Napatingin kaming lahat kay Reiji na nakaharap sa programs ni Miyu. Parang nagreresearch siya. Jusko. Feeling kami si Hiro, no? "Alam ko na kung kung sino yung dalawang lalaki na nakita ni Ms. Santasisimo."

And with that, mas naramdaman ko yung tension sa aming lima.

***

Ang daming clues. Huhuhu. XD

Sorry, short update.

The Atama EffectWhere stories live. Discover now