CHAPTER 3

5.4K 161 1
                                    

"Jusko manang ang sarap ko este ng luto mo" puri ko sa luto niya, totoo naman sobrang sarap e.

"Nako ma'am napaka mapag biro niyo talaga"

Lumapit ako sa kanya at pinisil ang magkabila niyang pisngi.

"Ang cute cute cute mo manang" tumawa siya na sinabayan ko.

"Anong luto manang?" napatingin kame kay Sean na kakapasok lang galing opisina.

"Adobo at kaldereta sir" iniwan nako ni manang at pinag hain si Sean ng pagkain.

Ako naman ay bumalik sa upuan at itinuloy ang pagkain ko.

"How's your work?" tanong ko

"It's tiring" sagot niya.

Tumango nalang ako, halata namang nakakapagod dahil sa mga mata niya.

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

Halata ang gulat sa kanya pero inalis niya iyon.

Ipinahubad ko ang blazer niya at minasahe ang likod niya.

"are you okay now?" tanong ko.

Tumango siya.

Naka sampung minuto pakong minasahe siya bago bumalik sa pagkain.

"Thanks" tumayo na siya dahil tapos na siya kumain, tumango lang ako.

Umakyat na siya sa taas kaya inimis kona ang lamesa.

"Nako ma'am ako na" pinaubaya kona sa maid yon at umakyat na sa kwarto para maligo.

Nang matapos ako ay nagsuot lang ako ng dress at nag make up ng light dahil aalis ako.

Oo tama aalis ako portodeys vidyo.

"Manang aalis napo ako" sigaw ko.

"Ingat ma'am" sigaw niya pabalik.

Nag pahatid ako sa driver ko sa mall at nag paantay nalang sa parking lot, binigyan ko siya ng 2k In case na magutom siya o may gusto siyang bilhin.

Nag libot libot ako at bumili ng mga damit na matagal ko ng gusto.

Ala sais na kame ni kuyang driver dahil sa tagal ko.

"Salamat kuya" saad ko at pumasok na sa mansyon ni Sean bebe ko.

"Saan ka galing?" bungad ni Sean na nasa pinto pala.

Nilampasan ko siya at naupo sa sofa dahil ang sakit ng likod ko.

"Sa mall lang" tinignan niya ang mga binili ko at tumango.

"Kamusta trabaho?" tanong ko sa kanya.

"As usual nakakapagod" umupo siya sa tabi ko at ipinikit ang mata.

Tumayo ako at minasahe siya kahit ako mismo ay napapagod.

"Umakyat kana sa kwarto mo" tumango ako at iniwan siya don.

Nahiga agad ako at agad namang nakatulog dahil sa pagod.

Nagising ko ng alas dose ng gabi dahil dinatnan ako.

Potangina wala pang napkin.

Dali dali akong bumaba at diko akalaing gising pa si Sean at nanonood ng Netflix.

"Saan ka pupunta?" tanong niya ng hindi natingin sakin.

"Napkin" bulong ko.

Tumayo siya at pumunta sa cr paglabas niya ay may dala na siyang isang balot na napkin at iniabot saakin.

"salamat dabest ka talagang asawa" biro ko at dali daling umakyat sa kwarto at nag lagay ng napkin.

Napaisip ako habang nakatulala sa kisame kung tama ba ang nararamdaman ko sa kanya o Hindi.

SECRET SON Where stories live. Discover now