My Home, Your Home

945 26 2
                                    

Matapos ang dalawang linggong pananatili sa Manila ng pamilya ni Deanna, bumalik na rin ang mga ito sa Cebu. It was the best 2 weeks for Deanna and Jema. Nakapagkita rin ang pamilya Galanza sa mga Wong, nagsalu-salo sila isang araw bago ang flight nila. Sa Vikings na sila kumain nun, nagkapalagayan naman silang lahat. Hindi rin naman ineexpect ng magkasintahan na magiging close ang mga magulang nila agad. At least, that was a start. Marami pa namang pagkakataon in the future na magkakausap at magkakakilanlan silang mga pamilya. For now, baby steps, enough na ito para sa dalawang dalaga.

"Are you ready baby?" Masiglang tanong ni Deanna kay Jema habang hawak ang kamay nito.

"I'm extra ready and excited baby." Nakangiting sagot nito habang nakatingin sa monitor sa domestic airport.

In 30 minutes, boarding na nila papuntang Cebu. Iba ang nararamdamang saya ni Jema sa flight nila today kahit na ilang beses na siyang nakapuntang Cebu. It felt like it is her first time to visit the city. Who can blame her di ba? First time niyang pupunta sa Cebu to spend time with her girlfriend's family. They both feel giddy, sa wakas, it is finally happening. Kung noon, kalkulado ang mga galaw nila kapag nasa Cebu sila, ngayon, they are free and loved.

"I can't wait to show you a lot of places and restaurants Jessica! Bubusugin kita dun baby, naku lalo na sina mommy." Pagbibida ni Deanna habang nakaupo na sila sa loob ng eroplano.

"Naku, dahan-dahan tayo sa foods baby! Hahaha. Malapit na season natin uli. Pero for sure, si tita hindi papayag na di tayo kumain ng marami." Natatawang sagot nito dito.

"Magexercise pa rin naman tayo baby. Basta, papakainin ka namin ng mga popular sa Cebu. Lechon, punta tayo sa Larsian BBQ, SuTuKil, Casa Uno, Top of Cebu, Le Vi——.."

Hindi na natapos ni Deanna ang sasabihin kasi tinakpan na ng kasintahan nito ang bibig niya.

"Deanna Wong, oo na. Marami na tayong pupuntahan sa Cebu. Haha. Para kang sira diyan baby, lahat ng restaurants yata eh babanggitin mo. Isang oras lang tong flight natin. As much as I want to listen to my girlfriend's looooooooong list, mas gusto ko na hawak ang kamay mo habang nakasandal sayo while looking at the clouds." Sabay turo nito sa mga mapuputing ulap na kita mula sa bintana ng eroplano.

Nangiti naman si Deanna sa turan ni Jema. Super sweet talaga ng girlfriend niya. Of course, she'd love to do what she wants. Kaya naman, inalis nito ang nakatakip na kamay sa bibig niya at hinawakan ito ng mahigpit. Awtomatiko namang sumandal sa dibdib nito si Jema. Hinalikan ng marahan ni Deanna ang ulo ni Jema.

"Hmmmm.. I love you Jessica. Thank you for coming into my life." Bulong nito dito.

Tiningnan naman siya ni Jema habang nakangiti.

"Aysus ang baby ko, nagdadrama yata?" Malambing na sagot ni Jema. "Mahal na mahal din po kita Deanna Wong."

Sabay nakaw ng mabilis na halik sa labi nito. Narinig pa ni Deanna ang mahinang tawa nito pagkatapos siya nitong i-kiss. They kept quiet after that while looking at how the white clouds complement the clear blue sky.

After an hour and a half, their plane safely landed. Kita ni Jema sa mga mata ni Deanna ang saya na muli na naman niyang makikita ang pamilya nito.

"Welcome to Cebu City, Miss Galanza. My home..... my home is now your home too." Magiliw na sabi niya sabay yakap kay Jema.

"Hmmmm.. Salamat baby. You're my home. As long as I am with you, I'm home." Sambit ni Jema habang yakap din si Deanna.



"Hala sila! Kami ba walang yakap??!"

Sabay namang hinanap ng magkasintahan kung saan galing ang boses na yun. Napangiti sila nung makita kung sino ang nasa harapan nila. Ate Nicole and Cy are both grinning, na may halong kilig.

"Ate Cy! Ate Nix!" Masayang sabi ni Jema at tumakbo papunta sa mga ito. Agad nitong niyakap at nakipagbeso sa mga kapatid ni Deanna.

"Welcome to Cebu Jema!! Excited na kaming ipasyal ka!" Sabi ni Nix.

"At syempre, mas excited kaming busugin ka!" Dagdag naman ni Cy.

"Naku! I'm in!! Basta magexercise tayo after eating ha!" Tumatawang sagot ni Jema.

"Hahaha. Naku, cheat week niyo kaya don't be pressured sa exercise na yan." Pabirong turan ni Nix.

"Ehem—-ehem.." pagpapansin ni Deanna. "Hello mga ate's, baka gusto niyo din akong i-welcome at i-hug gaya ng girlfriend ko?" Kunwaring nagtatampo na sabi nito.

"Sus. Grabe ka Deanna uy! Tagadito ka naman na, hindi mo na kailangan ng welcome-welcome!" Pang-aalaska ni Cy dito.

"Aba. Sige, di na kita bibigyan ng mga merch from ADMU or kahit ano na galing sa Manila." Pagbabanta ni Deanna.

Ngumisi si Deanna ng makitang papalapit na si Cy sakanya para yakapin. Hindi pa nakuntento ang ate nito, pinaulanan din siya ng kiss sa magkabilang pisngi nito.

"Ewww! Ate Cy!!! Yung laway mo! Hahaha." Nandidiring sabi ni Deanna.

"Ang arte mo Deanna ha! Di ba gusto mo iwelcome kita, tapos ngayon nagrereklamo ka!" Makulit na sagot ni Cy sakanya.

Tinatawan na lang ni Jema at Nix ang dalawa. Maya pa ay hinagkan na rin ni Nix si Deanna. Tinulungan na rin ng magkapatid sina Jema sa mga gamit nila para maipasok sa sasakyan.

"Let's go ladies! We will paint Cebu pink!!" Sigaw ni Nix bago tuluyang paandarin ang sasakyan.

—————————————————————————

Hi guys! Sorry for the late update. :) And medyo short siya ha. Busy lang kasi sa work.

Please bear with me.. But I will continue and finish this story promise! Hindi lang talaga regular ang pagsusulat ko ngayon.

PVL Rein is coming! Support your teams! Exciting kasi ang dami ng teams, plus andiyan na din ang F2.. ❤️

Ingat everyone! Next chapter is coming soon. May pagseselos na magaganap siguro, sana sapian ako ng ideas na malala. 😉😘

GaWong: I Choose YouWhere stories live. Discover now