De Javu?

1K 25 3
                                    




Days and weeks have gone and Deanna's place in Jema's heart has gotten bigger and bigger. Hindi man aminin ni Jema, pero isang tao lang talaga ang makakabuo ng puso niya. Hindi na niya kailangan pang tumingin sa malayo, kasi nasa harapan lang naman niya ito. At si Deanna yun.

Bawat gising niya sa umaga ay may pagbati mula may Deanna, either call or text message. Minsan, pa-cute na selfie pa ang sinesend nito. Hindi na siguro mabubuo ang araw niya kapag walang natatanggap na mensahe o tawag mula dito.

Message from My Deanna Wong:

"Good morning! Pahinga ka po today ha? Buong gabi ka kasing tumatakbo sa isipan ko eh. 😘❤️ I love you Miss Galanza."

Aba, 'my' talaga? Possessive yarn mare??

Napangiti naman ng wala sa oras si Jema dahil sa mensahe nito sakanya.

"Haha. Good morning din po. Ingat ka sa paglalakad ha, baka matisod ka, ma-fall ka lalo sakin. 😉"

Sent.

"Bakit ang aga-aga eh ang harot niyo po?" pang-aasar na sabi ni Jema sa sarili nito.

Message from My Deanna Wong:

"Bakit pa po ako mag-iingat kung sa'yo naman pala mafa-fall?? Kahit matisod na ako forever. 😅😘"

Nakangiti tuloy bumangon si Jema sa kama. Alam talaga ni Deanna ang magpakilig dito. Bentang-benta ang mga banat niya kay Jema. Rupok yan mare?

"Baliw ka talaga. Sige na. Mag-iingat po today. 😊"

Sent.

Message from My Deanna Wong:

"Crazy? Yes. Definitely crazy about you. ❤️"

Hindi na nagreply si Jema, baka humaba pa ang bolahan nilang dalawa. Nagluluto siya ng almusal ng tumunog uli ang telepono niya.

Message from My Deanna Wong:

"Pick you up later? 3pm?"

Wala namang gagawin si Jema ngayon, wala siyang training. Kailangan niya lang lumabas saglit para bumili ng groceries.

"Sure. Anong meron?" Reply niya dito.

Naghintay ng naghintay si Jema sa sagot ni Deanna pero wala na itong sumunod na message. Siguro busy na siya, isip niya.

Hindi naman na pinag-ukulan ng pansin ni Jema ang di pagreply sakanya ni Deanna. Pagkatapos nitong mag-almusal ay naligo na ito. Lalabas na lang siya ng maaga para di na siya masyadong matraffic paalis at pabalik ng condo niya.

"Kailangan kong makauwi ng maaga, may lakad pa kami ni Deanna." bulong nito sa sarili habang nagbibihis. Mamaya na lang niya tatanungin ito kung saan sila pupunta. Pinili niyang magsuot ng all white na dress tsaka sinuot ang birkenstock niyang slippers. Simple pero may dating pa rin ang pormahan nito.

Madali namang natapos si Jema sa paggrogrocery. Naipasok na niya lahat ng nabili niya sa sasakyan nito ng maalala na kailangan niya pa lang magwithdraw ng cash. Kaya bumalik ito sa loob ng mall.

Habang naglalakad siya papuntang ATM, nahagip ng mata niya ang isang pamilyar na mukha sa loob ng jewelry shop. Si Deanna. Nagtataka naman si Jema kung bakit siya nandun. Wala naman siyang nabanggit sakanya tungkol dito.

"Bakit? Bakit niya sasabihin? Kayo na ba mare??" saway ng other self nito.

Hindi alam ni Jema kung lalapitan niya ba ito or magpapanggap na lang na hindi niya ito nakita. Nasa gitna siya ng diskusyon sa sarili ng mapansing may kasama ito. Bigla siyang natigilan. De javu ba ito? Sobra-sobra ang nararamdamang kaba ni Jema. "Is it happening again Deanna??" galit na isip nito.

GaWong: I Choose YouWhere stories live. Discover now