Chapter 42

23K 749 609
                                    

Warning: Sexual content ⚠︎

ONE MONTH had passed, but Marilyn still can't believe Euzon is no longer alive. She still can't believe her one and only best friend died in the arms of their childhood friend, Kobe.

Sana nga ay panaginip na lang ang lahat ng mga nangyari nitong nakaraang buwan pero nasa reyalidad sila at ang reyalidad na iyon ay hindi na niya muling makikita at makakasama pa ang matalik niyang kaibigan.

Kobe, who is insecure and envious of Gabriel, killed Euzon, who passed away at a very young age. Gabriel would have died if Euzon hadn't intervened.

May hindi man sila pagkakaintindihan ni Euzon noong una dahil sa arranged marriage na mangyayari sa kanila, nagkagalitan sa isa't-isa at nasira ang tiwala ni Marilyn sa binata, napatawad naman niya ito kaagad nang unti-unti nang natatanggap ni Euzon na may iba na siyang mga minamahal at iyon ay ang pitong magkakapatid na Monroe.

Pagkatapos mailibing si Euzon ay may binigay si Donya Silvana na isang sulat na para daw sa kanya at galing iyon kay Euzon.

Dahil sa sakit at pangungulila na nararamdaman niya kay Euzon ay hindi niya magawang basahin kaagad ang sulat nito. Ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na basahin ito.

Umupo si Marilyn sa gilid ng kanyang kama at dahan-dahang binuksan ang puting sobreng hawak niya. Kinuha niya ang nakatuping sulat sa loob at para sa kanya nga talaga ang sulat dahil may pangalan niya iyon.

Dear Marilyn,

Siguro kung nababasa mo 'tong sulat ko ay baka wala na ako sa mundong 'to. This is my final message to you, and I apologize for causing you pain and breaking your trust in me.

Mga bata pa lang tayo ay minahal na kita. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa'yo? You're a one-of-a-kind friend who always makes me happy. Masaya ako dahil palagi tayong naglalaro, nagce-celebrate ng birthday at okasyon ng holidays ng pamilya natin, sabay rin tayong pumapasok at umuuwi galing sa school at higit sa lahat ay mas masaya ako kapag nag-oovernight ka sa bahay namin dahil mas nakakasama kita nang matagal doon.

We've been labeled as best friends, which I knew from the start, and you love Gabriel, my cousin, which is why I knew I didn't stand a chance with you.

Dahil mahal mo si Gabriel ay mas lalo lang nadagdagan ang inggit at selos na nararamdaman ko sa sarili kong pinsan. Matagal ko nang kinai-inggitan si Gabriel dahil halos lahat nalang ng taong gusto ko at ang atensyon na gusto ko rin ay nakukuha niya ng walang kahirap-hirap and one of them is you.

Masamang mainggit at magalit sa isang taong wala namang ginagawa sa'yo pero hindi ko iyon mapigilan, Marilyn dahil bata pa lang ako ay may hindi na rin ako naging magandang karanasan sa totoong magulang ko at gusto kong maghanap ng pagmamahal at atensyon na pinagkait sa akin ng totoo kong ina.

My biological mother is not Mom Silvana. She is my stepmother, but she already treats me as if I were her biological son. She spoils me too much, which is why I grew up wanting to have everything I wanted.

Mahirap ang totoo kong ina at puro pang-aabuso ang ginawa niya sa akin noong 6 years old pa lang ako. Walang araw na hindi niya ako sinasaktan at pinagsasalitaan ng masasama. Galit na galit siya sa akin dahil malas daw ako sa buhay niya at iniwan siya ni Dad simula noong ipinanganak niya ako. Wanna know why Dad left her? Because she's drug addict and alcoholic.

Remember when we were 7 years old and you saw my healed scars all over my body? Ang totoo kong ina ang gumawa nun sa akin, that's the result sa palagi niyang pananakit sa musmos kong katawan noon pa lang. Ang payat ko nga noon nang makilala mo ako dahil rin malnourish ako at kulang sa nutrisyon at 'yon ang dahilan kung bakit palagi mo akong binibigyan ng pagkain sa tuwing nagkikita tayo sa tapat ng bahay niyo at pinapakain mo ako sa inyo. Gusto mo kasing tumaba ako at maging malusog.

Marilyn and the Seven MonroeWhere stories live. Discover now