Tumalon na siya run at agad niyang napansin ang katagalan bago siya mag-landing sa mismong castle ni Lord Hades. Pagkatapos kasi ng butas ay parte na ng castle ang la-landing-an. Parang mahigit kumulang sampung minuto. Pagka-landing niya run ay nakaramdam agad siya ng kaunting takot. Napatayo ang mga balahibo niya at pinagpawisan siya ng malamig. Idagdag pa ang sobrang dilim ng paligid. Para ring sa bawat pag-ihip ng hangin ay hinahaplos siya nito. Kahit sinong nakalaban niya hindi nakapagbigay sa kanya ng ganitong takot pero iba rito. Sa lugar na 'to, walang ibang pwedeng magyabang kundi ang mga patay.

Hinugot ni Cato ang maliit na lighter mula sa bulsa nito. Bagamat hindi sapat ang mumunting liwanag na 'yun para makita niyang lahat ang  nasa paligid niya, sapat na 'yun para mai-guide siya sa daang tinatahak niya.

Naisip niyang muli si Yda. Sinubukan niyang isiping madalas dumaan dito si Yda at ang lahat ng ito ay normal lang para sa kanya. Narealize niyang sobrang tapang ng girlfriend niya. Proud siya pero nasaktan ang ego ng kaunti dahil dito pa lang nanginginig na siya, paano pa kaya sa castle ni Lord Hades?

Liko-liko ang daan. Kwento sa kanya ni Yda dati, 'yun na raw ang pinaka-safe na daan papunta sa Papa niya. Pinasadya raw 'yun para talaga sa kanya. Kung nagkataong ibang daan ang pinili ni Cato, baka hindi lang malamig na pawis ang tumatagaktak sa kanya ngayon kundi dugo na mismo niya.

Hindi na nabilang ni Cato kung nakailang liko na siya. Hindi siya aware sa pagod, mas nangibabaw sa kanya ang takot. Ilang sandali pa ay nakita na niya ang pagliwanag ng daan na tinatahak niya. Para bang may nai-illuminate na torch sa daan. Naisip niyang baka papalapit na siya kay Lord Hades. Sa hindi malamang kadahilanan, biglang na-conscious si Cato. Hindi lang naman kasi deity si Lord Hades para sa kanya—siya ang ama ng babaeng gusto niyang makasama habang buhay at nakarating nga sa kanyang hindi masyadong boto sa kanya ang God of the Underworld. Hindi siya pwedeng magpakita sa kanya ng parang takot na daga. Inayos niya ang sarili at nag-summon ng confidence. Inalis muna niya sa isip niya kung anong mga klase ng multo ang nakapaligid sa kanya at inihanda ang sarili. Tumindi ang pag-illuminate ng mga torch, senyales na palapit na nga siya. Isang liko na lang at pinto na ng throne room ni Lord Hades.

Lahat ng pagaayos na ginawa niya ay nasira. Bago pa man kasi siya makita ni Lord Hades, sinalubong muna siya ng alaga ni Hades na si Cerberus—ang three-headed dog na nagbabantay sa pintuan papuntang throne room ni Hades. Paminsan-minsan, dun siya tumatambay sa mismong gate ng Underworld pero sobrang swerte ni Cato, dahil na-tyempuhan niyang doon nakabantay si Cerberus.

Dali-dali siyang dinagma nito. Nang dahil sa gulat ay na-out of balance si Cato at napahiga. Tinuntunan siya ni Cerberus. Ramdam ni Cato ang bigat at lakas nito. Hindi na siya nakapagisip, pilit niyang inaalis ang gitnang ulo nito na nakatapat sa kanya, na nanggagalaiting kainin ang buong pagmumukha niya. Halos kasing-laki na ng leon si Cerberus kaya't hirap na hirap si Cato sa kanya. Patuloy naman sa pag-angil sa kanya ang alaga nilang iyon. Kitang-kita niya ang matatalim nitong mga ngipin at naglalaway nitong mga dila. Hirap na hirap si Cato pero kung hindi siya iisip ng ibang paraan para mailayo ang creature na 'yun sa kanya, tyak na gagawin siya nitong buto-buto. Mahirap magisip, lalo na kapag tatlo-tatlong ulo ang sumisinghal sa'yo sabay-sabay habang halos bumaon na patungo sa mga buto mo ang mga mala-kutsilyong kuko ng Cerberus.

Ayon kay Yda, mabait at 'cuddly' si Cerberus. Gustong-gusto nga raw nitong magpahipo sa mga leeg nito. Kumbinsido si Cato na kay Yda lang ganon ang asong 'to dahil kitang-kita sa mga mata ng tatlong ulo nito ang gutom at ang kagustuhang paghati-hatian siya.

Demigoddess - Daughter of HadesWhere stories live. Discover now