“Let’s go,” nilahad niya ang kamay kaya hinawakan ko siya.

Sabay kaming naglakad. Napapatingin pa ang iba sa akin at sa ayos ko.

Pumasok na kaming dalawa sa loob ng simbahan. Halos mapanganga ako dahil ang ganda ng ayos sa loob at puro bulaklak at may red carpet pa.

“Luther!”

Dalawa kaming lumingon ni Luther kahit siya lang ang tinatawag. Bumitaw ako nang makita si Eloisa.

Anong ginagawa nito dito?

“Hijo! You’re here, nice to meet you again! Long time no see, huh?” sambit ng babae na naka-puting dress, matangkad ito at halata ang pagiging maganda.

Nandito na silang lahat kung nasaan kaming dalawa. Pamilya 'to ni Eloisa… awit ang gaganda ng lahi nila.

“Long time no see, Mrs. Furrer,” bati ni Luther na ikinahalakhak ng mommy ni Eloisa.

“Come on, Luther! Drop the Mrs. Furrer, call me Tita Hera,” sabi ni Mrs. Furrer. “Nothing changed, bagay pa rin kayo ng anak ko.”

“Mommy naman… nakakahiya…” sambit ni Eloisa.

Gusto kong umirap. Nakakahiya pero gustong gusto naman.

Ang layo ng agwat ko kay Luther habang kausap niya ‘yong pamilya ni Eloisa kaso halatang napipilitan lang siya.

Nandoon silang lahat na nakaupo sa harap. Kasama kasi nila si Eloisa at ang pamilya niya. Halos i-ship silang dalawa at mahahalata naman na gustong-gusto ni Eloisa ang gano'n.

Nakita kong pilit na pinapahawak kay Luther ang kamay ni Eloisa.

Siguro legal si Luther sa pamilya ni Eloisa. Grabe, e, tuwang tuwa na nandito siya.

Ako naman, nasa dulo sa hulihan… malayo sa kanila. Nakaka-OP kasi tapos halata pa na hindi nila ako gustong kasama kaya ako na nag-adjust. I mean, iyong pamilya lang ni Eloisa.

Ako na ‘yong lumayo kahit sabi ni Luther do’n lang ako sa tabi niya. Pero umalis pa rin ako, nakaka-OP kasi talaga!

May family na nakaupo sa tabi ko.

Diretso lang ang tingin ko sa harap habang tahimik na nakaupo. Napatingin ako nang may batang baby na lumapit sa akin.

Mga nasa 2 years old siguro ‘to.

“Hi…” ngumiti siya at kumaway.

Ang cute naman nito. Ang puti niya tapos namumula-mula pa ang cheeks, chubby cheeks pa. Kulot din ang buhok tapos may clip siya sa magkabilang gilid ng buhok niya.

“Hello,” ngumiti ako.

Lumapit siya sa akin at nag-angat ng dalawang kamay. Binuhat ko siya at inupo sa lap ko.

“Nasaan mommy mo?” Tanong ko.

May tinuro siya sa likod kaya lumingon ako. Muntik na akong mapamura nang bigatin na tao ang nakita ko. Mga Mayor 'to, ha! May Artista rin!

Hala! Anong meron? Jusko!

Binalik ko ang tingin kay little girl. “Ano naman name mo?”

“Iya,” she giggled.

“Ako naman si Ciara,” ngumiti ako. “Nga pala… may gummy bear ako. Gusto mo?”

"O-Opo…" medyo nauutal siya.

“Sige,” kinuha ko clutch bag ko.

Binigyan ko siya ng gummy bear. Natuwa naman siya at pinakita sa akin ang dalawang gummy bear sa kamay. Kinain niya ‘yong isa saka ngumiti.

A Runaway Royalty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon