A Coffee for Two

38 2 2
                                    

 A Coffee for Two

 

 

            Isang ma-ulan na hapon ang bumungad sa akin nang makapunta na ako sa trabaho ko sa isang café. Kagagaling ko lang kasi sa university para mag-aral ng 7AM hanggang 12PM shift ko at ngayon nandito naman ako para mag-trabaho ng 1PM hanggang 6PM bilang part-time waiter-slash-barista dito sa Café Blend.


            Tumigin ako sa orasan ng smartphone ko. May 08, 2015, 1:00pm.


  Sakto!

           

  "Chris, mag-palit ka na ng uniform mo dun sa locker room at marami pa tayong trabahong aasikasuhin." Utos sa akin ng manager ko dito sa café. At dali-dali naman akong pumasok sa locker room para magpalit ng working attire ko. May nakapa pa akong basa sa likod ng polo shirt ko pang-school nang maihubad ko na ito. Sayang, gagamitin ko pa sana yun bukas. Tsk.

           

Lumabas na ako ng locker room habang sinusuot ko ang kulay-navy blue na apron, sabay ngiting humarap sa mga customers at kinuha ko ang mga order nila.

           

Ilang oras din akong nag-se-serve ng mga order, karamihan doon ay kape dahil na rin siguro nagpapainit yata dahil sa lamig na panahon na dulot ng ulan sa labas.

            

 

            Cling...


 

            Tumunog ang bell sa may pintuan. Ibig lang sabihin nun ay may pumasok na customer sa café.


            Napasulyap ako sa bagong dating na customer habang may dala akong spray at basahan para punasan ang mga bakanteng mesa.


            Isang naka-kulay puting bestidang babae ang dumating at umupo sa may bandang dulo ng café. Ngayon ko lang siya nakita dito sa café. O ngayon lang siya dumayo dito dahil medyo bagong bukas pa itong café.

           

    Agad ko naman siyang nilapitan para kunin ang order niya.


  "Hi. Welcome to Café Blend, what is your order, miss?" Nakangiting tanong ko sa babae. Hindi dahil kailangan sa trabaho ang lagging naka-ngiti. Feel ko lang na ngitian siya. Iba kasi ang aura niya. Sobrang kakaiba.

           

  Humarap sa'kin ang babae at...

            

  Natulala ako sa kanya. Nagandahan ako sa kanya, buti na lang nakangiti ako. Plus pogi points 'to kung nagkataon.

           

  Ngumiti din siya sa'kin, "May Cappuccino ba kayo dito?"

           

  "Meron, Miss." Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya. Pati na rin ang ngiti ko.

           

  Tumango-tango ito, "I'll order two cups of it."

           

A Coffee for TwoWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu