Last Destination

201 18 4
                                    

Ilang araw, linggo na ang nakalipas simula nung bumalik si Boss Nico at wala na si Kier. Ilang araw at linggo ko na rin namimiss na nakikita ko agad siya pagkasakay na pagkasakay ko pa lang ng tren. Ilang araw at linggo na rin na hindi niya ako nirereplyan sa mga text ko, at halos isang buwan na ang nakakalipas simula nung araw na sabihin niya "Ok. Sa susunod na araw, you'll meet her" , kinalimutan niya na ata at nakipagkilala na siguro siya dun sa girl. Siguro masaya ngayon si Kier sa piling nung girl. Buti pa siya may lovelife, ako eto nganga. Umaasa parin na kahit may iba na siya ay makikita ko prin siya. Pero sabi nga "Ang love parang LRT, kapag iniwan ka na, wag mo ng subukang habulin, dahil masasaktan ka lang" at totoo, nasasaktan ako.

Nandito ako ngayon sa LRT, magbabayad ng pasahe sa cashier. At sa hindi inaasahan..

"Ate, Monumento po"

Parang biglang tumigil yung mundo ko ng makita ang taong nakatayo sa gilid ko, ang taong hinihintay ko, bigla akong nakaramdam ng may parang nagpatugtog ng tambol sa puso ko, na parang may maracas sa tyan ko tila baga kinikiliti ito, at parang may pugon sa magkabilang pisngi ko na ramdam ko ang init sa mukha ko. Oh....my.....Ghad!

"Kier?" mahinang sabi ko pero alam kong narinig niya yun. Lumingon siyang mabuti at yung tingin niya parang sinusuri ako.

"Den?" tanong nito.

Dahil sa pagkasabik ko ay di ko na napigilan ang sarili ko kaya niyakap ko sya agad at para akong batang tuwang tuwa. Naiiyak na ako, tears of joy ika nga. Eto lang ang gusto kong gawin ngayon, ang yakapin siya. Naririnig ko na tumatawa siya at tinugon yung yakap ko. Paulit ulit kong sinasabi yung pangalan ni Kier habang nakaakap kami sa isa't isa. Pansin ko rin yung mga tao na nakatingin na samin na may pagtataka. Maya maya ay kumalas na ako at hinarap ulit siya ng may buong ngiti tapos hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Ngumiti rin siya habang ang mga kamay niya ay nasa baywang ko.

"Kier, bakit hindi kana nagpakita since bumalik na kuya mo?" tanong ko

"Kasi pinaasikaso sakin ni kuya yung itatayong bagong branch ng resto sa may Blumentritt"

"Malapit lang naman pala yung bagong branch, bakit di ka man lang nadalaw sa resto? May kotse ka naman"

"Nadalaw ako nu! Kaso pagdating ko wala kana" biglang lumungkot yung boses niya.

"Ha? Bakit ako?" pagtataka kong sagot

"Eh ikaw lang naman yung dahilan kung bakit ako dumadalaw dun" alam niyo pakiramdam na kinikilig ako pero hindi dapat ako pahalata

"Hoy! Wag kang ano Kier! Baka magselos yung girlfriend mo! Ipapatay pa ako nun!" tapos medyo tumawa ako ng slight kahit na labag na labag sa kalooban ko yung pagsabi ng Girlfriend niya

"Ha? Ano? Girlfriend ko?" may pagtataka niyang tanong

"Oo, GF mo! For sure naman sa ilang araw at linggo ay nakipagkilala kana sa babaeng gusto mo palaging makita dyan sa tren" then tinuro ko yung tren "Di ba?" then sumeryoso siya

"Actually, nakilala ko na siya. Matagal ko na siyang kilala. Kaya nga lang ilang araw at linggo ko na siyang di nakikita kasi busy ako at di na ako nakakapagtren kasi wala lang. Trip ko lang. Hahaha" ay abno to.

"Eh nakilala mo naman na pala e! May pangako ka pa sakin na ipapakilala mo siya sa akin! Tara na! Baka nandun siya sa tren! Daliiiii!" hinila hila ko siya papunta sa tren habang pinipigilan ko yung mga luha kong pumatak. Fake smile lang ako sa kanya.

"T-teka nga! Den!" sabi nito kaya napabitaw ako sa paghila ko sa kanya tapos lumingon ako sa kanya, nakangiti siya?

"Huy! Ano bang nginingiti ngiti mo dyan?" tapos narinig kong umalis na yung tren "Ayan! Iniwan na tayo ng tren! Pano kung nandun yung girl?! Wala na hi-----" napahinto ako sa pagsasalita ko kasi tinakpan ni Kier yung bibig ko gamit ang kamay niya

"Den-den, listen to me. Wala dun sa tren yung girl"

Nagtaka ako sa sinabi niya kaya tinanggal ko yung kamay niya na nakaharang sa bibig ko

"Paano mo naman nasigurado na wala dun yung girl?" then tinaasan ko soiya ng kilay

"Kasi nandito siya"

Nagpalinga linga ako sa paligid pero wala akong makitang ibang tao at saka ko lang napansin na kami na lang yung tao sa paligid. Hinawakan niya yung kamay ko na nagresulta para tumingin ulit ako sa kanya.

"Akala ko ba nandito siya?" then nginitian niya lang ulit ako. Ano ba to? Ngiti pa lang natutunaw na ako.

"Nandito nga siya"

"Eh nasaan?"

Tapos kumuha siya ng kung anong bagay sa bag niya, maya maya ay naglabas ito ng maliit na mirror at tinapat sa mukha ko

"Ayan siya oh" sambit nito habang nakangiti

"Ha? Anong meron dyan? Ano ngayon kung ako yung nasa mirror na yan?"

"AYS! JUSKO NAMAN DEN! HINDI MO PA RIN GETS?" nagsisigaw niyang sabi na ikinagulat ko. Buti na lang at walang gaanong tao sa station.

"Ha? Ano ba ang dapat kong magets?" sorry, slow po ako.

"DENIELLE GRACE MERCADO! IKAW YUNG GIRL NA TINUTUKOY KO. IKAW YUNG GIRL NA DAHILAN WHY I PREFERRED NOT TO USED MY CAR, NA GINUSTO KONG SUMAKAY NG TREN EVERYDAY KASI GUSTONG GUSTO KITANG MAKITA! NANG DAHIL SA TREN NA YAN, MAS NAGING CLOSE AKO SAYO AND HAD THE CHANCE NA MAKASAMA KA! IKAW YUNG GIRL DEN-DEN! IKAW YUNG GIRL! IKAW YUNG GIRL NA CRUSH KO AND NOW, HINDI LANG CRUSH OR INFATUATION YUNG NARRAMDAMAN KO...dahil nung time na nagkatrabaho tayo sa resto ni Kuya, dun ko napatunayan na...." nagstop siya saglit at huminga ng malalim. Nagsalita siya ulit na talagang nagpabilis ng tibok ng puso ko

"I love you Den-den...Mahal na mahal kita..Pero hindi naman the same yung nararamdaman natin kasi di ba may crush ka"

Yung luhang pinipigilan ko kanina na dulot ng selos ay napalitan ng saya at kusa na itong bumagsak. Natawa ako sa sinabi niya kaya niyakap ko ulit siya,this time sobrang higpit na.

"Kier? Kung mahal mo na pala ako noon, bakit di mo sakin inamin? Halos pagtarayan mo pa ako"

"Eh kasi nga di ba? Ano pang dahilan na magtapat ako kung iba naman yang gusto mo"

"Mr. Kier Manansala, gusto mo bang makilala yung crush ko, ay mali! Nag evolve na kasi yung feelings ko for him kaya mahal ko na siya." nakayakap padin ako sa kanya

"Kahit labag sa kalooban, Oo. I want to meet him" tapos kumalas ako sa pagkakayakap namin then kinuha ko yung mini mirror na kanina hawak niya at hinarap ito sa kanya.

"Mr. Kier Manansala, meet my Love of my life and Love of my Life meet my boyfriend slash future husband" then nginitian ko siya tapos nakita ko sa kaniya yung pagkabigla pero unti unting napalitan ng saya. Niyakap niya ako ulit.

"Den? Boyfriend agad? Di pa nga kita nililigawan e"

Kumalas ulit ako at tinignan ko siya habang nakataas ang kaliwang kilay ko "Ayaw mo pa Kier? Sige, ayos lang akin. Manligaw ka na, 5years kang mag-antay" then tinalikuran ko siya at nagcross arms ako.

"Uy joke lang!" then niyakap niya mula sa likod ko "Eto naman, di mabiro. Syempre gusto ko. Official na Girlfriend na kita ha. Mwa mwa mwa mwa" then tinadtad ako ng halik sa pisngi ko, ngumiti na lang ako at humarap sa kanya.

"I love you Loves"

"I love you too Loves"

*sound of a train* (A/N: Pasinsya na ha. Hahaha. Di ko knows yung sound ng tren ng LRT. Hahahaha)

Narinig na namin na dumating na yung tren, hinawakan ni Kier yung kamay ko ng mahigpit at tinignan ako "Let's go?" then I nodded and before we go inside, a peck of kiss he gave me. This day opens a new chapter in my life with him :)

Masasabi kong "Ang love parang tren, kahit anong iwan sayo, babalik at babalik yan para sunduin ka and this time, magkasama niyo ng tatahakin ang daan patungo sa inyong destinasyon"

--The End--

@The Train (one-shot)Where stories live. Discover now