2nd Destination

213 13 1
                                    

Isang linggo na din ang nakakalipas simula ng maging Boss si Kier. Okay naman yung relasyon namin. May times nga lang na para siyang bata na ikinaiirita ko. Yung totoo? Sino ang mukang highschool student sa aming dalawa? Lagi niya akong kinukulit, minsan hihigitin na lang ako bigla at magpapasama na kumain, pero siya lang ang nakain at hindi ako. Kuripot nga. Napapansin na rin nila Phoebe at Zoe na parang sakin lang ganun si Kier samantalang sa kanila, Boss and Employee relationship pero kami parang magtropa. Minsan napagkamalan nga na kami ni Kier. Yuck! Ew! Kadirdir! Nakakasuka! Oo, kahit siya pa ang pinakagwapong lalaki sa mundo, never and ever akong magkakagusto sa kaniya. Taga niyo pa yan sa stonehendge! Pangako! Peksman! Mamatay man si Superman, Batman at lahat ng gentleman! Nandito ako ngayon sa bahay, restday ko.

*knock.knock*

"Nak! May bisita ka"

Bisita o Bwisita? Anobayan, kay aga aga naman mang istorbo e. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at sinuot ang pambahay kong tsinelas. Pagkabukas ko pa lang pinto, naririnig ko na yung boses ng nanay ko. Pero may iba e, malumanay ang pananalita niya.

"Oh iho, eto muna kape"

"Salamat po"

Yung boses na yun. Pamilyar yung boses. Humakbang pa ako ng konti at sinilip kung sino yung nasa salas at kausap ng nanay ko.

"Kier?" bulong ko habang nakatago ako sa may dingding pero ang isang mata ko ay nakasilip "Bat siya nandito?"

"Den-den! Ano ba ?! Bumaba ka na nga dyan bata ka! Nakakahiya sa bisita mo!" pasigaw na tawag sakin ni mama na ikinagulat ni Kier. Napatawa ako ng mahina.

"Opo ma! Eto na!" at bumaba na ako, umaarte ako na parang bagong gising "Oh Kier, ay este Boss Kier, napadito kayo? Ano hong kailangan niyo?" *yawn*

"I just wanna invite you to go outside?" sabi nito. Papormal masyado

"Outside? Oh tara! Dun tayo sa labas ng bahay" at derederecho akong pumunta malapit sa pinto.

"No Den, that's not what I meant" tapos tumawa siya saglit. May sapi din tong isang to e "What I mean is, go out on a date. Is it okay with you?" then he smiled. Bat ba kasi ang gwapo nito kapag nangiti. Iba siya ngayon, hindi siya mukang repeater sa itsura at suot niya. Kagalang galang siya at malamang, kapag nakalabas to ng bahay, malalaglag panty ng mga babaeng tambay sa labas.

"Nak! Patusin mo na yan! Sayang oh. Date yan!" Wow ha. Supportive mother. Palibhasa mayaman tong si Kier.

"Ayaw ko!" then pumunta ako ng kusina at uminom.

"Nak naman! Ngayon ka na nga lang makakaranas ng date, ayaw mo pa? Gusto mo bang tumandang dalaga ha?!" pasigaw na sabi ni mama. Nilapag ko yung baso ko at nagsimulang magsalita.

"Eh mukang ikaw naman tong gusto ng date?! Edi ikaw na lang makipagdate?! Restday ko ngayon tapos gagala pa ako?! Kailan pa naging Restday to kung hindi rin ako makakapagpahinga! Bahala kayo dyan!" at umakyat na ako sa kwarto, sinara ko yung pinto ko ng malakas. Restday tapos date? Hilo ba siya. Ganyan ba sya trumato ng employee niya. Tsk.

*Bzzt.bzzt*

From: 09123456789

Sorry.

At sino naman to?

To: 09123456789

Sorry? Para saan? At sino ka? Pano mo nalaman number ko? Sino nagbigay? Stalker ka? O trip mo lang?

From: 09123456789

Ang daming tanong. Sorry for disturbing your restday. Hindi kasi ako nag-iisip. Kier pala to

@The Train (one-shot)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant