Chapter 41

18.9K 516 194
                                    

Warning: Violence

ISANG ARAW nang nawawala si Marilyn at labis ang takot at pag-aalala ng magkakapatid na Monroe, ni Genesis at ng mga magulang nito dahil sa nangyari.

Nagpaalam lang si Marilyn na dadalaw ito sa matalik na kaibigan na si Euzon sa bahay nito ngunit pagkatapos nun ay naglaho nalang ito na parang bula ganoon rin si Euzon na isang araw na ring nawawala.

Hindi kaya ay tinanan ni Euzon si Marilyn para mapunta ito sa kanya?

Na hindi talaga nito matanggap ang klase ng relasyon na mayroon silang magkakapatid kay Marilyn?

Bigla bang nagbago ang ihip ng hangin na nagawa rin noon ni Gabriel at napagtanto ni Euzon na hindi niya kayang mawala sa kanya si Marilyn na minamahal nito?

"Kapag si Euzon talaga ang may pakana kung bakit nawawala ngayon si Marilyn ay hinding-hindi ko siya palalampasin." madiing saad ni Genesis habang naka-alalay rito ang nobyang si Katelyn na labis rin ang pag-aalala para kay Marilyn.

"Sana pala ay hindi nalang namin hinayaan si Marilyn na pumuntang mag-isa sa bahay ng lalakeng 'yon. Hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko kung bakit nawawala siya ngayon," tila nanghihina namang sabi ni Abraham na huling nakausap ni Marilyn sa telepono.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari, Kuya Abraham. Mahahanap din natin si Marilyn sa tulong na rin ng mga pulis." sabi ni Diego na marahang hinaplos ang balikat ng nakatatandang kapatid.

"Wala ba talagang ideya 'yung mga katulong at guard sa bahay nila Euzon kung saan sila nagpunta ni Marilyn?" tanong ni Exodus kay Levi na siyang nag-iimbestiga ngayon sa bahay nila Euzon.

Kumuyom naman ang kamao ni Levi at umiling ito. "Hindi talaga nila alam. Nung umalis raw sina Marilyn at Euzon ay mukha namang masaya si Marilyn at hindi nila nakitaan ng pag-aalinlangan na sumama kay Euzon. Wala silang dalang kahit anong gamit at nakita ko 'yon sa CCTV footage sa bahay ng mga Romero." sagot nito.

Mababaliw na talaga sila hangga't hindi pa nila nakikita si Marilyn. Nalibot na nila halos ang buong area ng Metro Manila sa paghahanap sa babae at halos wala pa silang kain at tulog sa ginagawa nila.

Hindi nila kayang magpahinga hangga't hindi nila muling makikita at makakasamang magkakapatid ang kanilang pinakamamahal na nobya.

"Mom and Dad hired some high-ranking officials to find Marilyn. I hope they do a good job." ani Genesis na may tinatawagan sa hawak nitong cellphone.

Natigil lang silang lahat nang biglang may isang babaeng pumasok sa loob ng mansyon nila Genesis at nagulat sila nang si Pearl ito na kaagad tumakbo sa kinaroroonan nila.

Umiiyak ang babae at mukhang wala pa itong tulog dahil sa nangingitim nitong eye bags.

"Pearl? Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Genesis na binaba na ang hawak na cellphone at hinarap nito si Pearl.

Bigla nalang lumuhod si Pearl sa harapan nila at humagulgol na ito ng iyak.

"S-Si Kuya K-Kobe... He abducted Marilyn. Last night, I overheard him conversing with his other college alumni friends. They kidnapped her alongside Euzon and Gabriel." Pearl said.

Sa sinabi ni Pearl ay hindi na nakapag-isip pa ng matino si Abraham dahil bigla nalang niyang hinila patayo si Pearl mula sa pagkakaluhod nito sa sahig at hinawakan nang mahigpit ang magkabilang balikat ng babae dahil sa labis na galit na nararamdaman niya.

Sobrang talim ng mga tingin nito kay Pearl at wala na rin siyang pakialam kung babae man ang kaharap niya ngayon.

"Wala na talagang ginawang mabuti 'yang kapatid mo! Pagkatapos niyang balak pagsamantalahan si Marilyn ay dudukutin niya pagkatapos? At anong ginawa mo? Hinayaan mong gawin ng kapatid mo 'yon sa kanya?!" galit na singhal ni Abraham at akmang sasampalin na sana si Pearl nang napigilan ito ng kambal na sina Israel at Gael.

Marilyn and the Seven MonroeKde žijí příběhy. Začni objevovat