"May kasama pala kayo. Anong pangalan mo iho?"





"Chris po, lola."




Matapos kong sabihin ang pangalan ko ay napansin ko ang dagliang pagkawala ng ngiti ni lola. Anong meron? Napansin ko din biglang pag ilap nito at parang aligaga na lingon ng lingon sa kambal na nag -uusap. Naguguluhan ako.





"Mga apo. Mauna na kayong umuwi. Kakausapin ko lang si kuya Chris nyo."












"Paano mo natunton ang mga bata? paano mo sila nakilala?"




Matagal akong napatitig sa mukha ni lola. Kinakabahan ako na ewan. Hindi ko sya maintindihan. Sa di ko mawaring dahilan, mataman syang nakatitig sakin na para bang sinusuri nya kung may balak akong magsinungaling.







"Lola ano pong sinasabi nyo? Di ko kayo maintindihan."





Kababakasan ng pagkagulat ang kanyang mukha. Mukhang hindi nya inaasahan ang isasagot ko. Ngunit saglit lamang yon dahil bumalik ang matigas na ekspresyon ng mukha ni lola.




"Lola! Saan-"






Di ko na natuloy ang sinasabi ko nang walang habas na hinila ni lola ang kamay ko patungo sa direksyon na tinahak ng kambal. Ang kaninang kabang naramdaman ko ay naging triple.




Ilang saglit pa ay natanaw ko ang isang maliit na kubo. Sa palagay ko ay dito nakatira si lola at ang kambal. Kung ganon, posibleng dito din nakatira ang mga magulang nila. Ngunit bakit wala sila sa bukid kasama ni lola?



Habang sinisipat sipat ko ang kubo ay hindi ko maiwasang maawa sa kambal. Bakit sa ganitong klaseng bahay sila nag aaral? Hindi ba sila kayang buhayin ng kanyang magulang sa maayos na estado? na maging si lola nagtratrabaho pa rin sa bukid?






"Mamang. andito na po kami"





Hindi ko alam kung anong meron, pero nang marinig ko ang boses ng batang babae na tumatawag sa kanyang ina, bigla ko nalang iniwan si lola at naunang pumasok sa bahay kasabay ng mga bata.



Dahil sa maliit lang ang bahay, makikita na ang kabuuan nito kahit kakapasok mo lang. natigil ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang isang babaeng nakahiga sa papag.




Halos buto't balat na ito at kababakasan ng kahinaan. Tila ba may sakit sya at di na nya makakayang tumayo, para bang kada galaw na gagawin niya'y magkakalas kalas ang kanyang mga buto.




Kahit hirap na hirap, sinubukang lumingon sa direksyon ng kambal ang tinawag nilang "mamang".








Hindi ko alam kung paano ko napanatili ang postura ko. Ang kanyang mata, ilong, labi. Ang kanyang ngiti na kababakasan lagi ng kasiyahan. ang kanyang bilugang mga mata na tumatagos sa aking kaibuturan. Hindi ko napigilan ang pag-alpas ng mahinang hikbi. After so many years.












"Sh-Shane."









*A/N


hello po :) ayun, i decided na dagdagan sya. pero atlest 2 or 3 chapters lang. Thank you po sa lahat ng reads, votes, at comments. thank you very muuuuch. di ko na sana iuupdate ang story na to kung hindi dahil sa inyo. Thank you po. i love youu :*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Wife's SufferingWhere stories live. Discover now