"I'll tell everything later sa dinner," saka pa lang natauhan si Nisha. "Nandiyan ang parents ni Aesira? Pati sila Mama?"

Tumango si Nisha sa kapatid, nginitian na rin nito si Haven na kanina pa nakatingin sa kaniya, ngumiti pabalik ang anak ko na siyang ikinatawa ni Nisha.

Bumaba kami sa pavilion, tapos na ang worship service kaya ang naroon na lang ay ang mga church committee, sina Pastor at ilang mga youths, may mga bagong mukha akong nakita pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin dahil nagpakarga na si Ethan. Hindi na namin kailangan pa gumawa ng ingay para i-announce ang pagdating namin dahil agad kaming nakita nila Tito Efren at Tita Trina.

Seeing them makes my whole body tremble, naalala ko pa rin ang sinabi nila noong nalaman nila ang mga ginagawa namin ni Chaste, they cancelled me.

"Aesira, anak!" agad na tumayo si Mama mula sa pagkaka-upo niya at tumakbo sa akin, ganon din si Papa, habang sila Chaste ay kausap ang pamilya n'ya si Mama naman ay abal sa pagyakap sa akin at pagtingin sa buong katawan ko.

"Who are you po?" magalang na tanong ni Ethan sa Lola niya.

"She's Lola, anak. She's my mother. C'mon bless to your grandma," mas lalong naiyak si Mama nang mag bless sa kaniya si Ethan.

"Bless din po ako Lola," hindi pa nakakabawi si Mama sa gulat kay Ethan ay kinalabit na siya ni Haven para mag bless. Sunod na nagmamo si Haven kay Papa bago ito tumakbo sa Tatay nila.

"Nanay, put me down po gusto ko pumunta kay Tatay," ibinaba ko si Ethan, at sinundan sila ng tingin ni Haven papunta sa Tatay nila.

"They are your child, anak?" asked Mama. Tumango ako sa kanila ng nakayuko, nahihiya pa rin ako dahil alam ko na hindi biro ang disappointment nila sa akin.

"And Chaste is the father," Papa said. Sinabi niya iyon na para bang siguradong-sigurado siya kaya naman tango na lang din ang naging sagot ko.

"I'm sorry Ma, Pa," lahat labi kong sabi para pigilin ang luha. "I know I disappointed you, I'm really sorry that I did not turn out to be someone that you wished me to be. I'm so sorry I failed you both."

Instead of saying anything Mama pull me into a tight hug. Pinunasan nito ang luha sa aking pisngi saka ako nginitian ng matamis. I miss those smiles, iyong ngiti na para bang nagsasabi na kahit gaano man kabigat ang dinadala ko ay magiging okay rin ang lahat.

"You did not fail us anak, you raised a two beautiful child on your own and that is something that we should be proud of, aren't we Alex?" tanong ni Mama kay Papa, inabangan ko ang sagot ni Papa kaya naman nang tumango ito ay hindi ko na napigilan na yakapin ito ng mahigpit at umiyak sa balikat niya. I'm a Papa's girl kaya naman ang malaman na proud pa rin sa akin si Papa despite of all the failures I had in the past makes my heart hurt in a good and satisfying way.

"We missed you anak," Papa whispered na siyang ikinatawa namin ni Mama.

After the meeting Tita Trina invited us to have brunch together, much to my surprise but I don't have the heart to decline dahil alam kong gusto lang nilang makasama ang mga bata.

"How did you find out that Aesira got pregny?" tanong ng Papa ni Chaste habang kumakain kami, ang dalawang bata ay nasa kwarto at kasama ni Nisha.

"I don't know about her being pregnant, ang akala ko ay kaya siya tumakas ay ayaw niya akong pakasalan. Nalaman ko lang ang tungkol sa mga bata lately," Chaste answered kahit ang atensyon nito ay nasa kinakain, abala ito sa paghahati ng liempo tapos ay tinatambak sa sa pinggan ko kaya pasimple kong nilayo ang aking plato.

"So how did you find out?" Tita Trina asked her son.

"She enrolled the kids at Davidson and Dianne is their teacher, I accidentally saw the kids papers."

So it's Mrs. Dianne's fault kaya napaaga ang pagkikita namin.

"You two, what is your relationship now?" dejavú, ito rin ang tanong noon ni Mama sa akin when they got home from Bicol.

"We're, frien-"

"We're family Tita," putol ni Chaste sa sagot ko. "She's my wife."

"You two are married already I thought recently lang kayo nagkita mg mga bata? Did you hide the kids to Chaste while having a relationship with him" tanong sa akin ni Tita Trina.

"We're not married Ma," kontra ni Chaste sa Ina. "But I'll marry her."

Naibuga ko ang tubig na iniinom ko pero bago pa man ako makareklamo ay umalis na si Chaste sa tabi ko at pumunta sa kusina nila. Wala akong nagawa kundi humingi ng sorry kay Papa na nabugahan ko ng tubig.

Marry my ass! Akala ko ba he hates me?! Tsaka may asawa na s'ya balak n'ya ba akong gawing kabit?!

Naiinis kong sinaksak ang porkchop na nasa aking plato habang nakatingin sa likod ni Chaste na ngayon ay nasa may lababo at nagtitimpla ng kape.

To be continued....

Haven in your Arms (AOTS)  COMPLETED. SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP. Where stories live. Discover now