Estranghero: Sampung Segundo, Apatnapu

12 0 0
                                    

Hindi ko alam kung matatawag ba akong suwerte o malas. Nilahadan nila ako ng tulong pero kapalit nitoy kalayaan ko. Puno ako ng pagdududa dahil nang minsang nagtiwala ako ay pinagsamantalahan nila ako. Tila isang multong walang kulay, pumupusyaw sa paglipas ng panahon. Nakakatakot. Ang dating masigla at makulay ay naging puti at itim. Lamang ang itim sa puti. Kasakiman, kalayaan. Naging estranghero sa sariling katawan sapagkat ang kaluluway hinihigop ng kadiliman.

Kaarawan ko noong araw na iyon. Inimbita ko lahat ng tao sa amin, ngunit ipinagtaka ko nang walang sinuman ang dumating at pinaunlakan man lang aking imbitasyon. Kilala ako sa amin at lahat ng tungkol sa aking pagkatao ay alam nilang lahat, maski mga nunal ko sa mukha'y bilang. Kaya naman kataka-taka nang walang sinuman ang dumating o dumaan man lang upang ako'y batiin. Naghintay ako hanggang inabot ako ng dilim kahihintay, malamig na ang mga hinanda kong pagkain kaya nagpasya akong magligpit na at mahiga na sa kama. Hindi ako nakatulog sa gabing iyon, nanatiling buhay ang diwa at kada makarinig ako ng kaluskos ay tumatayo, umaasang sa pagsilip sa bintana'y may nakaabang at babatiin ako ng 'Maligayang kaarawan, Poleng'. Ngunit wala, mga baboy ramo lang na naggagala sa kagubatan at naghahanap ng pagkain. Sumilip ang sinag ng bukang liwayway, nagsasabing umaga na at lumipas na ang aking kaarawan na walang nakakaalala. Malungkot ako, pero hindi ko puwedeng ipagpaliban ang pagpasok sa trabaho dahil hindi ako mabubuhay 'pag nagkataon.

Dumating ako sa kainan ni Aling Salbe isang negosyanteng Kastila, nagtatrabaho ako sa kaniya bilang serbidora. Pansin ko ang pag-iwas sa akin ng mga kasama ko, tila ba may karatolang nakadikit sa aking noo at nagsasabing 'Huwag lumapit, nakamamatay'. Walang masyadong bumibili, nagkukumpulan sila sa sulok at tila nag-uusap. Nilapitan ko sila ngunit bigla silang nagsialisan at nagsimulang maglinis kahit na malinis naman talaga ang kainan. Nagtaka ako, bakit ganoon ang trato nila sa akin? Ano'ng ginawa ko? May nagawa ba akong masama? Tanggap ko naman ang hindi nila pagpunta sa aking kaarawan, baka may ginawa silang importante pero bakit hanggang ngayon hindi nila ako pinapansin? Hindi ko na nakayanan ang bugso ng aking damdamin, tumakbo ako papuntang kung saan, hindi alintana ang mga luhang sabay-sabay at walang humpay ang bagsak, hanggang sa napagtanto kong dinala ako ng aking mga paa sa isang lupaing maraming puno ngunit may isang natatanging puno ng mangga ang natanaw ko mula sa malayo, mag-isa at walang katabi. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating mismo sa puno ng mangga, naupo ako sa malaking ugat nito at nagpatuloy ang aking pag-iisip sa kung anong ginawa ko at binabale-wala nila ako.

Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko ang kulay ng mga dahon sa puno, ramdam ko naman ang malamig na simoy ng hangin. Maaliwalas na bahaghari ang makikita sa kalangitan, kalungkutan naman sa oras na mapalitan ng madilim na kalangitan. Huni ng mga ibon ang pangunahing naririnig, tikom ang bibig upang walang makadinig, nagtatago, naduduwag na.

Naputol ang aking pagmumunimuni nang isang estranghero ang biglang lumapit sa akin. "Ako nga pala si Fidel. Sumama ka sa akin, binibini." diretsong aniya nang tuluyan na akong nalapitan, nakalahad ang mga kamay, siguro'y para matulungan akong tumayo. "Paumanhin, ginoo pero bakit naman ako sasama sa iyo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya ngunit tila ako'y nagayuma sa kaniyang ngiti, matamis at maamo, kaya wala nang pag-aatubiling tinanggap ko ang kaniyang palad at tumayo. Dinala niya ako sa isang magarbong bahay, pinaupo ako sa kahoy na upuan sa may sala, ang sabi ay hintayin ko raw siya at may kukunin lang sa kaniyang silid. Sinuyod ko ng tingin ang buong bahay, napakaganda, maraming mga muwebles na siguro galing pa sa kanilang bansa, malinis rin at maaliwalas ang buong bahay tila ba araw-araw nililinis at hindi hinahayaan ang kahit isang alikabok na dumapo sa kahit anong sulok. Nagulat ako nang biglang nagsipasok ang mga armadong lalaki, tinawag ko ang lalaki kanina ngunit bigla nilang itinutok sa akin ang mga dalang baril. Lumabas sa silid si Fidel, agad akong tumakbo papalapit sa kaniya umaasang ipagtatanggol ako sa mga lalaki ngunit kabaligtaran ang nangyari, nilabas niya ang kaniyang baril at itinutok sa akin. Nagulat ako ngunit kalauna'y napagtanto na napakakitid ng aking isipan at ako'y nagtiwala agad sa isang taong hindi ko lubos na kakilala. Nagmakaawa ako, lumuhod ngunit hindi ako umiyak hindi ko alam siguro ay naubos na ang luha ko sa dami ng iniyak ko mula pa kanina.

Sinampal, binugbog, pinagsalitaan ng masama, inutil daw ako, paniwalain at higit sa lahat pinagpasapasahan ako ng lahat, ginahasa nila ako, binaboy at noong nagsawa'y ikinulong sa isang silid, walang kama, pagkain at kahit inumin man lang. Patuloy ang agos ng aking luha, sising-sisi sa mga naging desisyon ko na kung sana hindi ako tumakbo kanina ay sana hindi ko makikita si Fidel. Tama nga sila nasa huli ang pagsisisi at wala na kong magagawa kundi tanggapin na lamang ang lahat, wala ng posibilidad na makakalabas pa ako ng buhay mula rito. Wala na akong silbi, iniiwasan na ako ng mga kababayan ko, sirang-sira na ko, kaya aanhin pa ang pagsubok kong tumakas kung mamatay rin naman ako sa pag-iisa? Nakapagdesisyon na'ko, itinakip ko ang dalawang kamay ko sa aking bibig, pinigilan ang aking paghinga, desididong kitilin ang sariling buhay, sampung segundo, apatnapu, nagdidilim na ang aking paningin isang minuto, tuluyan nang nawala ang aking pulso.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Sep 22, 2022 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Estranghero: Sampung Segundo, ApatnapuOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz