Chapter 88

121 5 3
                                    

ALEXANDRIA POV:

Wala akong buhay na pumasok sa classroom naming puro kaplastikan, kinuha ko ang upuan na nasa tabi ni Ceejay at nilagay yun sa pinakalikod na katabi ng bintana. Ang mga mata nila ay nakamasid lang saakin at tahimik

Ni pagsulyap sa kanila ay hindi ko ginawa at baka mag wala ako bigla. Pashnea sila!

Na tumunog ang bell para sa break time ay nakahinga ako ng maluwag dahil ilang oras din ako nagtiis na hintayin ang bell. Lumabas kaagad ako para hanapin si sir Alvin

Pumunta ako sa library at natagpuan roon si sir na kumakain,

"Sir... Mag a-ask lang ho ako" saad ko kaagad na malapitan si sir, natigil siya sa ginagawa at tumingin saakin

"Ano yun?"

"Pwede po ba ako lumipat sa ibang section?" Kung siguro nalamon parin si sir ay nabilaokan na ito dahil sa sinabi ko

"Ano?! Pakiulit baka iba lang pagkakarinig ko" Parang gustong sabihin ni sir na mali ang pagkakarinig niya saakin

"Gusto ko ho lumipat—"

"Bakit? May problema ba kayong magk-klase? May ginagawa ba silang karantaduhan sayo?" pag papaulan ng tanong niya saakin pero umiling lang ako

"Teka kakausapin ko sila—"

"Hindi po sir, gusto ko lang talagang lumipat. Wag mo nalang ho sabihin sakanila" Pag pigil ko rito para nga syang naistock sa pagkakaupo, nakita niyang seryoso ako sa mga sinasabi kaya napabuntong hininga ito.

"Sige kung iyan ang gusto mo, pwede kana lumipat sa Section Light ako na bahalang mag ayos." tumango ako at lumabas na sa library, nagulat pa ako na makita sila na padaan saakin

Hindi ko nalang pinansin at naglakad na patungo sa room ng S.L, mas okay na doon dahil matitiisan kopa kahit warfreak sila. Wag lang talaga ako mabugbog

Natigil ang Section Light sa pag iingay pagkatapos ko sipain ang pintoan nila, yung mga nakaupo sa desk habang ngumungunya ng bubble gum at naghaharotan ay napatigil,

Deja vu?

"Hi mga classmates..." Kumaway ako sakanila na may pang aasar, kanya-kanya naman silang mura.

Napatingin naman ako sa likod ko na nandoon ang adviser nila na si Mr. Santos, ngumiti ito saakin at pumunta na kami sa gitna ng white board.

"This is Ms. Wilson, known as Alexandria" Saad niya habang sila ay masama ang mata saakin

Alam ko naman yun syempre kaaway nila ako, magkaaway ang section namin.

"Ano ginagawa ng babaeng 'yan dito?!" Kunot noong tanong nila

Mag sasayaw siguro?

"Wag na maraming reklamo dito na siya magc-classroom at magiging kaklase niyo. Wala na kayo magagawa roon" Pinal na saad ni sir syaka ako pinaupo sa unahan sa tabi ng bintana.

Natapos ang klase na hindi ako nagsasalita, lumabas na si Mr. Santos kaya taas noo sila lumapit saakin.

"May binabalak ka? Siguro may binabalak nanaman kayo ng section niyo?" Tinignan ko lang ang mata nito at pinakita sakanya na wala akong pakealam sa binibintang niya saakin

Natawa sila ng sarcastic saakin dahil hindi ko pagsasalita at nakikipag eye to eye lang sakanya,

"Wala akong panahon makipag away sainyo kaya ilayo mo yang mukha mo saakin" Saad ko syaka nilagay ang hintuturo ko sa noo nung pinuno ng Section Light at bahagyang tinulak yun papalayo sa harapan ko

Heart VS. Mind (TOGITBS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon