AMBNSN 2

32 1 0
                                    

Asan na ba kase ang Section Nueve na 'yon? Kanina pa ako paikot-ikot dito sa building ng senior high pero walang section nueve na nakalagay sa pintuan, hindi na ako natutuwa. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung malelate ka na, 'diba? Idagdag pa na unang araw ko 'to ngayon sa paaralang 'to.

Nandito nanaman ako sa hallway na pinanggalingan ko, sumasama na talaga ang loob ko. Ang sarap manuntok.

Napalingon ako sa isang pintuan dito dahil bigla na lang itong nagbukas. May lumabas na babae, may salamin siya at nakalugay ang curly niyang buhok at may hawak siyang mga folder, kung ano man ang laman ng hawak niya ay hindi ko alam at hindi na ako interesadong alamin pa iyon.

"Hi!" masigla niyang bati sa'kin dahilan para mapatalon ako sa gulat. Ang saya niya naman.

"Ay nagulat yata kita HAHA sorry.." natatawang sabi niya kaya napayuko ako sabay kamot sa siko ko, baka kinukuto na ang siko ko?

"Bago ka? Anong section mo? Dali baka kaklase kita." excited na tanong niya na akala mo naman ay kilala ko siya at close kami.

"Ah Section Nueve, kanina ko pa nga hinahanap ang punyetang section na 'yon eh.." ngiwing saad ko, nakita ko naman na unti-unting nawala ang ngiti niya at napalitan ito ng takot, napalayo din ako sa kanya dahil natakot din ako, baka mamaya ay lumabas na pala ang sungay ko tapos hindi ko lang pala alam.

"S-Sect-tion n-nuev-ve k-ka?" uutal-utal na sabi niya, napangiwi ako. Ano bang problema nito parang kanina lang ang saya-saya niya tapos ngayon eh bigla bigla na lang nauutal, weirdo pala 'to eh, akala ko ako lang ang weirdo rito, may iba pa pala.

"Oo, bakit? Alam mo ba kung asan 'yon?" pagsagot ko sa tanong niya at pagtatanong ko sa tanong na kanina ko pa hindi nasasabi.

"Oo, d-d-doon.." utal na sabi niya at parang may tinuturo pa kaya sinundan ko ng tingin ang kamay niya at nakita ang isang building na puros puti, itim, at light brown ang kulay, whoaa aesthetic.

Akmang magpapasalamat ako sa babae pero naramdaman ko na lamang ang hanging dulot ng mabilisan niyang pagtakbo. Napaano namankaya ang isang 'yon? Weird.

Binilisan ko na ang lakad papunta sa building na tinuro niya, at, at, at, at...

"WHAT THE EGG!!" sigaw ko dahil sa basura na nakatambak dito sa bungad ng building, maganda nga ang building pero puno naman ito ng mga kalat at basura, halatang bagong ayos ang building, bagong pintura, bagong mga bintana, tas yung pintuan gano'n din, basta mahahalatang bago ito 'yun nga lang ay napakaraming basura sa bungad nito.

Hindi ko na lamang pinansin ito dahil alangan namang magpakabayani ako at linisin itong lahat 'di ba, ano sila sinuswerte? Umakyat na lang ako sa pangalawang palapag ng building, bukas kase ang pintuan doon at may naririnig akong mga boses kaya malamang doon ang section nueve.

Nakarating ako sa pangalawang palapag kaya tumigil na din ako sa pagtakbo, huminga muna ako ng malalim-lalim habang napapatingin sa relo na suot-suot ko, dalawang minuto na lang ang meron ako, buti naman at hindi ako malelate.

"Hoooo, punyawa!!" bigay todo kong hinga grabe ang haba-haba naman kase ng hagdanan nila. Wala bang elevator dito?

"Uhh Miss?" may lalaking nagsalita sa likuran ko kaya lumingon ako dito, nakataas ang kilay niya sa'kin na para bang narinig niya ang sigaw na mura ko. Tinignan ko naman siya mula baba paakyat sa ulo niya at shit lang, mukhang teacher siya, nakakahiya, waaaahh lamunin na ako ng lupa, now na!

"Ah hehe.." tanging naisagot ko, iiling-iling naman ito na para bang disappointed, don't worry ako rin disappointed.

"Why are you here?" maotoridad na tanong niya.

"Obviously para mag-aral." pagak na sagot ko.

"Section Nueve ka?" tanong niya.

"Oo—este opo." ngiwing sagot ko, nagulat siya dahil doon pero hindi na din nagtagal at nauna na siyang maglakad sa'kin kaya sumunod na ako.

"Everyone, your new classmate is here." pabungad niya sa mga kaklase ko pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan.

"Whoaa anjan na yung Sam, tss dapat mahilig din siya sa suntukan para astig HAHAHAHA."

"Oo tama, sparing kami sa likod nitong building."

Rinig kong comment ng mga nasa loob, at ano raw? Sparing? Sa likod nitong building? Tarantado!

"Quiet." si Sir kaya natahimik na sila, nasa likuran lang ako ni Sir, pumasok na siya kaya pumasok na rin ako.

Rinig ko ang pagsinghap ng lahat, gulat na gulat, tss ngayon lang ba sila nakakita ng magandang dyosa?

"Introduce yourself, ija."

"Ehem ehem.." ubo ko muna atsaka nag-angat ng tingin.

"HEH?!" singhal ko na ikinagulat nila, hindi nila inaasahan ang sinabi ko at mas lalong hindi ko inaasahan ang madadatnan ko.

"Ija, may problema ba?" napatingin ako sa kanya, nakakunot din ang noo niya katulad ko.

"Sir, ito ba talaga section nueve?" seryoso kong tanong sa kanya, tinaasan niya muna ako ng kilay bago sumagot.

"Yes." pinal na sagot niya.

"Now introduce yourself." dugtong niya pa kaya napabuntong hininga na lamang ako at diretsong tumingin sa mga kaklase ko, kaklase kong puro lalaki.

"Samantha Ivy Nicolai, 17." saad ko na lamang.

"What the fvck!! Bakit babae 'yan??"

"Shit!! Bakit nandito 'yan??"

"What the heck!! Akala ko naman lalaki, Sam kase eh.."

Rinig kong pag angal pa nila, and what? Lalaki? Sino, ako? Mukha ba akong may itlog?

"Go take your sit." utos ni Sir kaya kahit labag sa kalooban ko ay nilibot ko na lang ang paningin ko at napako sa upuan sa gitna ang paningin ko

"By the way, I'm Sir Warren, Warren Gonzalez." pakilala ni Sir sa sarili niya kaya napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya katapos ay pataas ang ulo kong tumango sa kanya, alangan naman pababa, ano siya nakatataas? 

Nakalapit na ako sa upuang nagiisa sa gitna at katulad kanina ay nagsinghapan nanaman sila na para bang gulat na gulat nanaman sa ginagawa ko, ano bang nakakagulat? Mga baliw!

Nilagay ko na ang bag ko at pabagsak na umupo sa upuan, sinadya ko talaga 'yon para magising sila, pa'no ba naman kasi ay nakatitig lang sila sa'kin.

May iilan pa akong narinig na umubo-ubo bago ko naramdaman na umayos na sila ulit ng tingin sa harapan, nilingon ko silang lahat. Ang mga kaklase kong lalaki, pinakatitigan ko ang bawat isa sa kanila, ang iba ay naiilang habang ang iba ay umiiwas ng tingin habang nakakunot ang mga noo.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu, labing isa, labing dalawa..

Labing dalawa lang silang mga nasa likuran ko, may dalawang bakanteng upuan pa doon sa bintana magkatapat ito, kaya't malamang ay may nagmamay-ari sa mga iyon at kung tama nga na may nagmamay-ari ng mga upuan na iyon, ibig sabihin ay labing lima lang kaming lahat sa klase na 'to. At kung pagbabasehan ang mga reaksyon nila kanina ay isa lang ang pupwedeng maging dahilan no'n, ibig lang sabihin ay lahat sila lalaki at ako, AKO LANG ANG NAGIISANG BABAE SA KANILA!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Misteryosang Babae ng Section Nueve [ON-GOING]Where stories live. Discover now