ISABELLA YOUNG (SIMULA)

Începe de la început
                                    

"Keep fooling yourself, sa paraan ng pagtingin na 'yan masasabi mo pa rin ba na hindi siya nagkagusto sa 'yo noon?"

"Stop it, Celes. I am a married woman." really, Isabella? No one would think that after how you described Hades.

"Fuck your husband." umiling na lamang ako nang umalis na si Celes sa gilid ko at habang naglalakad siya palayo ay naka middle finger siya, sa tingin ko rin ay kukuha siya ng ma-iinom. Sa pagbalik ng tingin ko kay Hades ay kausap niya na muli ang kaharap niyang lalaki, nakita ko ang pag-ngisi niya habang kausap ito.

Kahit isang beses ay wala kaming pag-uusap na dalawa at aaminin ko rin na sa kanilang magkakapatid, siya ang laging kumukuha ng atensyon ko. He's a trouble compared to his two brothers.

"Isabella." gumawi ang tingin ko sa lalaki na tumawag sa akin. Agad akong ngumiti nang makilala ko kung sino ito.

"Mayor?" the Soriano who tried to shoot his shot on me. "What are you doing here?"

"I am here to fetch Hades, he texted me telling me that he's a bit tipsy."

"Oh, he is? Good luck then." he smiled at me.

"I have to go to Hades already, it was nice seeing you here in San Soriano again. I hope you liked it better here now."

"You are doing a great job with the town, your daughter, and your wife."

"What? I don't have a wife."

"What? No way, Celes told me that you already have one? I think the name she mentioned is Sanya ata?" he then chuckled.

"Maybe I do have a wife then." yoon na ang kaniyang huling sinabi bago umalis.

"Here you go." ngumiti ako kay Celes at tinanggap ang binigay niyang inumin. "You know what? I always want to be a ninang na to your future child pero on second thought, 'wag na lang muna pala."

"Why so?"

"Your husband is a mess."

"Celes, stop it already. Let's just enjoy our night." saad ko sa kaniya. "But first, I have to use the restroom muna. Hold my drink please."

Nagmamadali akong maglakad papunta sa restroom kaya ngiti na lamang ang nagiging sagot ko sa mga taong tumatawag ng pangalan ko. Naka-hinga ako nang maluwag nang mapansin ko na wala masyadong tao sa restroom.

"Isabella." my hand immediately stopped after hearing someone call my name. The voice isn't familiar, but it gave me chills. "Why are you here?"

"Saan?

"Dito sa San Soriano." seryoso niyang tanong at ako naman ay napahawak nang mahigpit sa pinto.

"It's Jaida's birthday."

"Okay." I really find this conversation weird; this is really the first time that we talked. Hindi ko maintindihan kung bakit at para saan bakit nag-uusap kami na dalawa ngayon. Sebastian Hades Soriano, you're weird.

"May kailangan ka ba?"

"Wala." ramdam ko ang ilang sa bawat galaw ko ngayon, bahagya na lang ako na ngumiti at tumango. "Just always be safe."

"Thanks, ikaw din." tinuro ko ang pinto ng restroom bilang senyales na kailangan ko na pumasok at iwan ang usapan namin, tumango na lang siya.

Nang matapos ko na gumamit ng toilet ay agad ako na humarap sa salamin. Bumalik sa akin yung nangyari kagabi, yung galit ni Samuel nang umalis ako ng bahay namin na walang paalam.

Gustong-gusto ko yung idea na iwan siya at pumunta sa malayong lugar o tumakas na lang pero alam ko na imposibleng mangyari yoon, madali sa kaniyang ipahanap ako. Malaki ang atraso ng pamilya ko sa pamilya nila. Sinisisi ng pamilya niya ang pamilya ko sa pagkamatay ng nanay ni Samuel, eroplano na under sa airline namin ang sinakyan ng nanay ni Samuel at dahil sa kapabayaan ng mga tauhan ni Papa ay nagkaroon ng problema sa sinasakyang eroplano ni Mrs. Lim.

Memoirs of HarmonyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum