One

18.4K 334 2
                                    

"Rad, tingnan mo sila? Bakit ba tingin sila ng tingin sa atin?" Nakapatong ang ulo ko sa aking kanang kamay na nakatukod sa mesa. Habang hinahalo ko ang aking kape gamit naman ang kaliwa kong kamay. Nasa labas kami ng isang coffee shop kung saan kami nagmemeryenda. Hindi naman kasi mainit kaya dito na lang kami nakapwesto. "Alam kong sobrang ganda mo, Rad, pero bakit pati ako tinitingnan nila ng ganyan?"

"Grabe, Aly! Ang laki ng problema mo!" Sarcastic na sabi ni Rad habang nakangiti ng sarkasmo at umiiling-iling.

"Hindi nga! Palagi na lang silang ganyan! Malimit tingin ng tingin!" Seryoso kong sabi. Pinipigilan ko ang hindi matawa dahil gusto ko talagang inisin si Rad.

"Eh paano, alien sa kanila ang naririnig nilang pag-uusap natin!" Sabi nito tuloy inom sa banana shake nya.

"Huh? Bakit naman naging alien?!" Inosente kong tanong. Gusto ko ng matawa dahil nanlalaki na ang mga mata ni Rad na parang hindi makapaniwala na tinatanong ko siya ng mga ganong bagay!

"Seriously?!" Nakataas na ang kilay nya. "Aly, baka nakakalimutan mo! Nasa New York ka! At sa tagalog tayo nag-uusap!"

Hindi ko na napigilan ang matawa. Ang epic ng reaksyon ni Rad. Nakanguso pa. Natigil ako sa pagtawa nang bigla nya akong batuhin ng tissue na sumapol sa aking mata. "Bakit ginawa mo yon?"

"Nangtitrip ka na naman eh!" Nakaingos nitong sabi.

I smiled at this. Eversince na nakilala ko si Rad, sobrang gaan na agad ng loob ko sa kanya. Kaya siguro mabilis din akong napalapit sa kanya. Kahit ilang taon ang tanda nya sa akin, nasasakyan naman namin ang trip ng isa't-isa. I looked at her and smiled sweetly.

"Ano na naman yan Aly?!" Nakakunot ang noo nitong tanong habang nakanguso.

"I will miss you, you know?" Tinitigan ko siya at muling ngumiti. Magbabakasyon kasi sa Pilipinas si Rad. At dahil siya lang naman talaga ang malapit kong kaibigan dito sa New York, sobra ko talaga siyang mamimiss. Lalo pa nga at six months ang bakasyon nya.

She raised her brows and looked at me in disbelief. "Bakit kapag ganyan ang reaksyon ng mukha mo, parang ayaw kong maniwala?!"

Sumimsim ako sa aking kape. Amuse ko siyang tiningnan. "Ganyan ka naman parati eh. Kapag seryoso na ako ayaw mong maniwala."

"Eh paano naman kasi ganyan ang mukha mo!"

"Bakit ano bang meron sa mukha ko?" Nakakunot kong tanong.

"Parang parating nakakaloko!" Nakaingos nitong sabi bago binalingan ang chocolate cake nya na nasa isang platito.

I smirked. "So what reaction do you want me to portray, para lang maniwala ka na nagsasabi ako ng totoo?"

"Kailangan mong umiyak at lumuhod sa harapan ko!" Nakakaloko siyang ngumisi.

"Haha! So I will not convince you anymore to believe me!" I said as I chuckled.

She shrugged and looked at me intently. "Why don't you just come with me Aly?"

Natigil ang paghigop ko sa aking kape at nabura ang ngiti sa aking labi dahil sa tanong nyang iyon. Parang nalulon ko ang dila ko dahil wala akong maapuhap na sasabihin.

"C'mon Aly, mabilis lang naman ang six months. Saka its been how many years na rin." Sinamantala ni Rad ang pananahimik ko kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Ano bang ikinakatakot mo?"

Hindi ko na itinuloy ang paghigop ko ng kape. Tumingin ako sa kanya ng mataman. "You're kidding me, right?"

Ito ang topic na ayaw kong pag-usapan namin ni Rad or kahit ng pamilya ko. Ang pag-uwi ko ng Pilipinas. Iniisip ko kasi na wala na rin namang dahilan pa para umuwi ako. Narito na ang buo kong pamilya. At okay na rin naman ako rito, so bakit ko pa kailangang umuwi?

Make It Right! (The Second Time Around)Where stories live. Discover now