Akala ko walking distance lang ang pupuntahan namin pero ng makalabas kami sa subdivision ay pumara siya ng taxi.

Napansin kong palabas na kami ng Maynila. Saan ba ako dadalhin ni MJ? Wala akong kaide ideya.

Tahimik lang ako kasi wala ako sa mood na magtanong. I am broke physically at emotionally. Nakakainis kasi! Sana pala pumayag nalang akong sumama kay MJ sa show na pupuntahan niya ng hindi ako na inip at ng hindi ako nanood ng TV.

"Nandito na tayo."

Tumingin ako sa paligid. "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya.

"Magpapakasaya. Ang drama mo kasi kanina."

Dinala niya ako sa Enchanted Kingdom. Bakit sa dinami rami pa ng lugar ay dito pa niya naisipang pumunta. Naalala ko na naman iyong araw na pumunta kami sa perya ni Niel.

Halos nasakyan na naming lahat ng rides. Ang kulit kulit ni MJ, akala ko hindi ko ma eenjoy itong pagpunta naming dito pero masaya rin pala kasi kahit papaano ay nabawasbawasan ang sakit na nararamdaman ko.

"Wow ang saya!" sigaw ko sabay taas pa ng kamay ko.

Naramdaman kong pagyakap niya sa akin mula sa likod. Nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya. Para kaming si Jack at Rose sa titanic.

"MJ," mahinang sabi ko pero hindi niya tinanggal ang pagkayakap sa akin. Naramdaman ko pang ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Uwi na tayo," bulong niya rin sa akin.

Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at hinila ako ulit. Hindi ko lubos maisip ang nangyayari. Sweet siya sa akin pero bakit hindi ko ma appreciate iyon. Parang gusto ko siyang itulak kanina.

Tumigil ako sa paglalakad. "Sandali!"

Napalingon naman siya sa akin. "Bakit?" tanong niya.

"Last na MJ, haunted house tayo."

"Hindi ka ba natatakot?"

"Magyayaya ba ako kung natatakot ako?"

"Umuwi na tayo kasi mahaba haba pa ang byahe natin."

"Please," pagmamakaawa ko.

Wala naman siyang nagawa kasi hinila ko na siya papunta sa haunted house. Mabuti nalang at kakaunti ang nakapila kaya napakapasok kami kaagad.

Habang naglalakad ay magkahawak kami ng kamay. Kahit na madilim sa loob ay nakikita ko na wala man lang siyang reaksyon sa mga lumalabas na kung ano ano. Maski ako ay hindi ko pinapansin ang mga taong humahawak at nananakot sa amin. Okyupado ang isipan ko. Kasama ko si MJ na idol ko na ngayon ay boyfriend ko na pero si Niel ang iniisip ko.

Napahinto ako sa paglalakad. Hindi ko na kaya.

"Kaycee," sabi ni MJ at pilit niyang inaaninag ang mukha ko. Alam kong hindi niya ako masiyadong makita dahil sa madilim ang lugar.

Nagsimula na akong umiyak. Nailabas ko na ang kanina ko pang pinipigilang luha. Ang lakas ng hikbi ko at alam kong rinig na rinig ni MJ iyon. Ayaw kong umiyak pero hindi ko mapigilan kasi sa tuwing pinipigilan ko parang nadudurog ang puso ko.

Umasa na naman ako sa kanya.

Minsan pag-ibig din lang ang dahilan kung bakit tayo umaasa pero sa huli pag-ibig din ang mananakit sa atin. Dudurugin ang puso natin.

I fell in love with the most unexpected person and I realized that love comes unexpectedly. Love hurts. Love breaks my heart. Love turns me the weakest person. Love betrays me. Palagi nalang akong nasasaktan sa tuwing nagmamahal ako. kailan ba ako sasaya?

"Tara na labas na tayo Kaycee," hinila niya ako pero nagpumigil ako.

"Ayoko! Ayaw ko! dito lang ako MJ. Ayaw kong makita mong umiiyak ako."

"Umiiyak ka dahil sa napanood mo. Umiiyak ka kasi dahil sa nalaman mo. Pareho lang tayo ng nararamdaman Kaycee, pareho tayong nasasaktan pero ako kaya kong pigilan ang luha ko. alam kong kanina mo pa pinipigilan ang mga luha mo at kaya mo ako niyaya dito para hindi ko makitang umiiyak ka."

Napayuko ako. "MJ, mahal na mahal ko siya," alam kong hindi ko dapat ito sinasabi pero sinasabi ko hindi para saktan siya kundi para maging totoo.

"Kaycee, mahal na mahal ko rin si Lady," napatigil siya at lumapit sa akin at niyakap ako. "Nakikiusap akong huwag mo na muna akong masiyadong mahalin. Kaycee susubukan kong mahalin ka. Susubukan kong mahulog sa iyo pero sa ngayon huwag muna. Ayaw kong ako ang maging dahilan ng pag-iyak mo."

***

Natapos ang musical nila Niel at nasaksihan ko ang bagay na ayaw kong makita. Sa huling part ay hinalikan niya si Lady sa labi. Bagay talaga sila. Siguro nga sila ang para sa isa't isa at hindi kami.

Mula ng manggaling kami ni MJ sa EK ay hindi na kami masiyadong nag-uusap at kung mag-uusap man kami ay sandal lang. Pinipilit ko rin siyang mahalin at sinabi niya sa aking pinipilit niya rin ang sarili niya. mas mabuti na ito kaysa pareho kaming umasa sa wala.

"Malelate na tayo sa set bilisan ninyo."

Huling araw na ng taping namin para sa movie at ngayong araw na ito rin darating sila Niel at Lady mula sa Korea. Ihahatid kami ni mama sa set at tsaka siya didiretso sa airport.

Handa na ba akong makita siya ulit?

Hindi ko alam pero isa lang ang dapat kong gawin. Ang pigilan ang sarili ko.

"Bagay talaga sa iyo iyang bago mong gupit," puri ni MJ sa akin at hinawakan pa ang buhok ko tsaka ito ginulo.

"Pinuri mo nga ginulo mo naman kainis!"

Ibang iba na ako. Maliban sa pantay baba nalang ang buhok ko ay naging mas malapit na ako sa mga staff. Hindi na ako mahiyain at nagiging hyper narin ako sa tuwing kasama ko sila. Itinuturing ko silang kapamilya kaya sa tuwing magkakasama kami ay sobrang saya. Pero minsan hindi ko parin maiwasang umupo sa tabi at mag-isip hanggang sa hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako.

Sumakay kaming tatlo sa van. Inaantok ako kaya isinandal ko ang ulo ko sa bintana. Nauuntog tuloy ako.

"Sumandal ka nalang sa balikat ko," hinawakan ni MJ ang ulo ko at ipinatong ito sa balikat niya.

Nakatingin parin ako sa labas. Nakakahilo ang mga sasakyang nalalampasan namin.

"Miss mukhang mali ata ang nadaanan natin?" tanong ni MJ pero hindi ko na pinansin.

"Susunduin muna natin sila Niel bago tayo pumunta sa set ninyo."

Matamlay akong ngumiti. Hindi ko na naman alam ang gagawin ko at kung anong magiging reaksyon ko. ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Sinusubukan kong matulog pero hindi ko magawa. Nakapikit lang ako kaya ang akala nila ay tulog ako.

"Kaycee himbingan mo lang ang tulog mo," bulong ni MJ.

Rinig na rinig ko ito. Alam kong ibig niyang sabihin. Na huwag akong magising kasi kapag gising ako ay makikita ko siya. Nagdesisyon akong ipikit nalang ang mga mata ko kahit na hindi ako makatulog hanggang sa tumigil nalang ang sasakyan at narinig kong bumukas ang pinto ng van.

Nandirito na sila.

"Welcome back."

My Prince is a Celebrity [COMPLETED with SPECIAL CHAPTERS]Where stories live. Discover now