MPC - 31

9.8K 155 13
                                    

Chapter 31

Kaycee

"Hindi ka ba talaga sasama?" and for the nth times umiling ako.

Aattend siya ng isang show or whatsoever kaya niyayaya niya akong sumama. Wala parin si mama kaya staff lang ang sasama sa kanya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit wala ako sa mood ngayon. Para bang anytime mahihimatay ako sa sobrang boring dito.

"Wala talaga ako sa mood. Sorry."

"Sige basta kapag may kailangan ka ay tawagan mo lang ako. Aalis na ako."

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makalabas na siya ng bahay. Napahawak ako sa pisngi ko. Sweet naman si MJ e kaya nga idol ko siya pero bakit kahit na gustong gusto kong turuan ang puso kong mahalin siya ay si Niel parin ang sinisigaw nito at si Niel padin ang huling sinasabi ng puso ko.

"Ah!" sigaw ko.

Sana pala sumama nalang ako kaysa naman sa naiinip ako dito. Wala akong makausap, wala akong magawa. Nakakainis! Sa tuwing natutunga nga ako ay bigla ko nalang siyang nakikita sa isipan ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Carmy pero hindi niya sinasagot. Sinubukan ko ulit pero hindi parin niya sinasagot. Baka busy siya. Hindi ko rin naman matawagan si Ced kasi alam kong busy rin sa pag-aaral iyon. Ayakong tawagan si MJ kasi baka maistorbo ko siya.

Naalala ko na ngayon pala ang presscon ng musical kaya pumunta s mama sa Korea.

Kinuha ko ang remote at nanood sa isang Korean channel. Mabuti nalang at merong ganito sa pilipinas.

Mukhang nahuli na ako kasi iba na ang ekspresyon nilang lahat. Nakafocus kay Lady ang camera pero nakayuko siya at nasa tabi naman niya si Niel.

"Lady is my girlfriend."

Bigla akong napahawak sa puso ko na parang anytime ay titigil na ito sa pagtibok. Parang anytime na rin ay mahuhulog na ang luhang nasa mga mata ko. Nanginginig ako sa narinig ko.

Totoo ba iyon?

Sila na ba?

Akala ko ba ako ang mahal niya?

Pinilit kong ngumiti. Tama lang pala ang naging desisyon kong sagutin si MJ kasi hindi naman niya talaga ako mahal. Siguro mali lang ang narinig ko. Siguro sa sobrang pag-iisip ko sa kanya ay nabuo nalang sa isipan kong sinabi niyang mahal niya pero ang totoo ay wala naman siyang sinabi.

Bigla kong narinig na bumukas ang pinto kaya agad kong pinunas ang mga luha ko. sinong dumating? Kakaalis lang ni MJ e.

"Kaycee."

Napalingon ako kasi si MJ ang pumasok.

"Akala ko ba may pupuntahan ka?"

"Nawalan na ako ng ganang pumunta."

Umupo siya sa tabi ko.

"Bakit ka umiiyak?"

"Ah-eh, ano! Nakakaiyak kasi iyong pinapanood kong drama," pagsisinungaling ko.

"Korean?"

"Ha?!"

"Kasi nasa Korean channel ka," itinuro niya ang TV.

Tumango tango ako.

Hinila niya ako patayo. "Tara mamasyal tayo!"

Kumuha siya ng mga bagay na pantago sa mukha naming at tsaka kami umalis. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta hila hila niya lang ako at hinihintay na tumigil siya kung saan man ang destinasyon namin.

My Prince is a Celebrity [COMPLETED with SPECIAL CHAPTERS]Where stories live. Discover now