PROLOGUE

259 0 0
                                    


2004

HINDI na bago para kay Kane na makitang inaatake ang nakababatang kapatid na si Kyla. Pero sa tuwina ay natutulala pa rin siya dahil sa takot. Ilang beses pa ba niyang makikitang ganoon si Kyla? Nang mahimasmasan ay nilapitan niya ang kapatid at niluwagan ang collar ng damit na nagpapahirap sa paghinga nito. Dahan-dahan din niyang inalis ang mga gamit na puwedeng mabangga kapag inaatake ito.

Ayon sa doktor ay ganoon ang mga dapat gawin habang inaatake ng sakit si Kyla. Ilang minuto ang nakalipas ay natapos ang seizure nito. He made her lay sideways to maintain an open airway and prevent her from inhaling any secretions. Hindi rin niya iniwan ang kapatid habang hindi pa nagiging pantay ang paghinga nito.

          "Kuya, gutom na ako," wika ni Kyla na parang balewala lang ang nangyari pagkatapos atakihin.

Napakunot-noo si Kane nang marinig ang sinabi ng kapatid. Late siyang nakauwi dahil sa practice ng banda niya sa school. Sasali kasi sila sa battle of the bands at bilang vocalist ay kailangan niya ng matinding practice para sa ikakaayos ng show nila. Alas-nuwebe na ng gabi nang makauwi siya at hindi pa rin nakakain ang kapatid niya?

Napatiim-bagang siya nang makita ang kanyang ina na nakaupo sa harap ng TV. Kahit nang atakihin si Kyla ay hindi nito nilapitan ang kapatid.

          Naiintindihan ni Kane ang pinagdaraanan ng kanyang ina. Hindi na bago sa kanya ang hindi nito pagpansin kay Kyla. For years now, her mom was suffering from depression. Mula kasi nang iwan sila ng kanyang ama ay nagbago na ito. Mula sa pagiging masayahin ay naging malungkutin na. Dinamdam ng kanyang ina ang pag-alis ng kanyang ama kahit hindi naman sila tunay na pinabayaan. Buwan-buwan ay nagpapadala ng sustento ang kanyang ama. Pero hindi iyon naging sapat para sa kanyang ina. Ang kailangan nito ay ang kanyang ama.

          Binuhat ni Kane si Kyla at dinala sa kusina. Hindi na niya pinansin ang kanyang ina. Sanay na siya rito.

"Ano'ng gusto mong lutuin ni Kuya, baby?" tanong niya kapagkuwan.

          "Lugaw!" sigaw naman agad ni Kyla.

          "Lugaw? 'Di ba puwedeng bukas na lang ng umaga 'yon? Pang-breakfast na food 'yon, baby," paliwanag niya sa kapatid.

          Napasimangot ito. "Pero, Kuya, gusto ko lugaw. Peyborit ko 'yon,"

          Napakamot si Kane sa ulo. Paborito nga ni Kyla ang lugaw, lalo na kapag luto niya. Kahit pagod ay nagsimula na siyang magluto. Taimtim naman na nag-antay ang kanyang kapatid hanggang sa matapos siya. Nang makita ang kasiyahan sa mukha nito habang kumakain ay nawala ang lahat ng pagod niya at napalitan ng kaaliwan.

          "Ang tsarap, Kuya! The best ka talaga!" wika nito habang kumakain at hinalikan pa siya sa pisngi.

          Ngumiti siya at ginulo ang buhok ni Kyla. Bagaman may sakit ang kapatid ay nananatili pa rin itong normal. Napaka-sweet din nito. Pero sa kabila ng magandang ugali ni Kyla ay hindi pa rin niya maitatanggi na ito ang dahilan kung bakit nasira ang kanilang pamilya.

          Ang akala ni Kane ay mas magiging masaya ang buhay niya nang maipanganak si Kyla. Excited siyang magkaroon ng sariling kapatid. Ganoon din ang kanyang mga magulang. Pero nang madiskubre nila ang sakit ni Kyla ay nawala ang lahat ng saya na dulot sana ng pagdating nito. Bagkus ay nasira pa ang samahan nila dahilan para lumayo ang kanyang ama. Naging mahirap para dito na tanggapin ang kapatid niya.

          Kahit sa kanya ay naging mahirap ang nangyari kay Kyla, lalo na at madalas niya itong nakikitang inaatake. Mahirap para sa kanya na malamang may sakit si Kyla at naging mahina ang kanyang ina dahil doon. Halos siya ang umiintindi sa kapatid dahilan para lalo niyang makita ang paghihirap nito. Palagi siyang nasasaktan sa nakikitang anyo ni Kyla. Isama pa ang takot na maaaring maulit uli iyon sa kanya pagdating ng panahon... na kapag gugustuhin na niyang magkapamilya. Kyla gave him fear for the future.

          "It was a hereditary disease..." Tandang-tanda pa ni Kane ang sinabi ng doktor nang i-explain sa kanila ang tungkol sa sakit ni Kyla. May epilepsy si Kyla at ganoon din noon ang kanyang ina. Doon namana ni Kyla ang sakit nito. Pero sa awa ng Diyos ay nagamot ang kanyang ina. Pero hindi ang kay Kyla.

          Napatingin siya sa kanyang kapatid. Maaaring bata pa siya pero naisip na niya agad ang puwedeng mangyari sa hinaharap. Paano kung mangyari din sa anak niya ang nangyari kay Kyla? Maaatim ba niyang mangyari uli iyon?

          Nasa ganoong katayuan si Kane nang mapansing hinahawakan ni Kyla ang ulo nito. Nanlaki ang mata niya nang magkaroon ito ng second seizure. Naging malakas ang seizure ng kanyang kapatid dahilan para umalog ang upuang kahoy na inuupuan nito. At bago pa niya ma-rescue si Kyla ay natumba na ang upuan. Dahilan para matumba rin ito at bumagsak sa sahig.

          Tumigil ang seizure ni Kyla. But to his horror, he saw blood running through her head.

Umalingawngaw ang sigaw ni Kane sa buong kabahayan.

The Kiss  (Soon To Be Published)Onde histórias criam vida. Descubra agora