"Don't lose hope, it's getting near," basa ko sa quote.

Ni-like ko na lang bago ulit magscroll hanggang sa mabored ako. Nagmessage ako kay Luther.

To: asul 💙
Dala ka milk tea, bayaran kita mamaya.

Nabasa naman niya agad.

From: asul 💙
Kahit 'wag na. Don't need to pay. I'll treat you instead.

Nuxs, ang pogi naman ng typing niya. May tama pang pag-gamit ng punctuations marks.

To: asul 💙
Okiiii. :>> Tysm. <33 Dala ka rin ng choco butternut na donut, fav ko yon. Hehe. Ty.

Favourite ko 'yon! Bata palang ako, iyon na ang lagi kong ipinabibili kay Mama.

From: asul 💙
That's all? Wala ka ng gusto?

Nagtipa ako ng reply.

To: asul 💙
Meron. Pero hindi 'ano', sino.

From: asul 💙
Okay... sino?

To: asul 💙
Ikaw.

Nabasa na niya ang message kaso hindi man lang nagreply. Luh? Bakit? Finlood ko siya ng message kaso hindi man lang nagreply.

Ibinaba ko na lang ang cellphone ko sa kama at saka tumayo.

Palabas na sana ako nang makita ang name ni Stephanie sa screen ng laptop ko. Nagdadalawang isip pa akong sagutin dahil facetime ang gusto niya.

"[Cyan!]" Malakas niyang bungad nang sagutin ko.

Napakunot ang noo ko nang makita kong nasa labas siya ng Palace. Nakita ko naman na walang tao sa paligid.

"Bakit ka pala tumawag?" Tanong ko.

"[Para balitaan ka about your Mom's closet. I opened it already!]" Natuwa siya pero agad rin nawala. "[Pero walang laman, but I saw this!]" Pakita niya sa isang kwintas na isang gold, halatang hinila ang kwintas.

May korteng puso doon na sakto lang.

"[It also has a picture kaso ikaw at si Tita Ciena 'to, e.]" Nag-angat siya ng tingin sa camera. "[At saka sira 'yong pendat. Pero sigurado ako, may partner 'to.]" Nilapit niya ang kwintas sa akin kaya nakita ko lalo.

Wala naman akong nakikita na ganyan na kwintas. Pero isa lang ang sigurado ko, kay Mama nga talaga 'yan. At talagang sinira ang isang heart kung saan may nakalagay na isa pang picture na maliit.

"May nakikita ka pa bang iba aside d'yan?" tanong ko.

Umiling siya. "[Wala na. Alam mo ba muntik akong mahuli no'ng kinuha ko 'to! Mabuti na lang talaga marunong ako mag-palusot! Kinabahan ako!]"

"Salamat, Stephanie. Sapat na muna siguro 'yang nakita mo sa ngayon. Magagamit ko rin 'yan. Pero habang nasa Pilipinas ako, hahanapin ko dito si Papa. Hindi ako titigil," ngumiti ako.

Nakita ko ang pag-ngiti niya pabalik. Nakita ko rin ang lungkot sa mata niya. "[Sana mahanap mo na siya. Huwag kang mag-alala tutulungan kita sa abot ng makakaya ko.]"

"Maraming salamat." Mas lalo akong ngumiti.

Hindi nagtagal ang pag-uusap naming dalawa ni Stephanie. Kinailangan ko nang magpaalaam dahil may kumakatok na mula sa labas ng unit.

Tinabi ko na ang laptop ko. Halos bilisan ko ang makalabas para lang silipin ang pinto. Sinilip ko muna at nakita kong nandoon na si Luther.

"Here's your order," binigay niya sa akin ang milk tea nang makapasok sa loob ng unit.

"Thank you!" ngiti ko bago kunin sa kamay niya.

May pinatong siya sa lamesa bago ibigay sa akin ang donut. Dumiretso naman ako sa sala habang nakasunod siya sa akin.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now