1. At The End Of The Day

7 1 0
                                    

September 26, 2023

Andami ng nasa isip ko, pero hindi ko magawang maibulalas lahat.

Maghapon ako sa trabaho.

Maagang-maaga pa lang ay nasa byahe na ako para sa halos dalawang oras na paglalakbay para lang makarating sa opisina.

Tulog lang ako sa byahe.

Sa tricycle.

Atsa dalawang jeep na sinakyan ko papasok sa opisina.

Kulang sa tulog?

Siguro.

Isipin ko lang kasi na matutulog ako at gigising para pumasok ay nakakapagod na agad.

Binuksan ko ang office. Sinimulan mag-ayos ng mga bagay bagay bago ko simulan ang trabaho.

Inayos ko ang mga dokumento na dapat kong dalhin sa bangko. Habang nagtatrabaho ay kumakain ako ng tinapay at kape.

Kape.

Ito na lang siguro ang nagpapasaya sa akin sa office.

Nagpaalam ako sa OIC ng unit namin at umalis na ako papunta sa City Hall bago naman sa bangko.

Wala akong sasakyan.

Bawal gamitin ang Company vehicle na provided at issue ng government at donated ng city hall.

Sayang daw sa gas. Kaya magbyahe na lang daw ako.

Bitbit ang ilang lilibuhin, mga cheke at dokumento, lumakad na ako.

Pumara ako ng tricycle.

Nakipag-transaksyon sa mga staff sa city hall. Kahit bakas sa mukha ng ilan sa kanila ang iritasyon, kasi naabala ko ang iba nilang tinatrabaho, ay pilit pa din ako ngumiti.

Ako ang may kailangan sa kanila. Kaya dapat lumugar ako sa tama. Bawal na simangutan ko sila. Sa kabila ng lahat, nagpasalamat pa din ako. Act professionally.

Professional dapat.

Matapos ang halos isang oras, nagbyahe naman ako papuntang bangko.

Mainit.

Nakarating ako sa bangko.

Kumpara sa city hall na nakasimangot ang staff. Gwardya pa lang ay binungaran na agad ako ng ngiti.

Kahit papaano ay sumaya naman ako at nawala ang pagod ko sa byahe dahil sa ngiti ng guard at bank staff.

Natapos ko agad ang transaksyon ko. Di nagtagal ay sa kabilang bangko naman ako nagpunta.

May mga bills ako na kailangan bayaran.

Mga bills ng pinagtatrabahuhan ko.

Halos dalawang oras ang transaksyon ko sa dalawang bangko.

Dumaan muna ako sa isang convenience store bago sumakay ng jeep.

Mabuti na lang hindi pa ako bumalik agad ng opisina, kasi nagmessage sa akin ang bangko. May kailangan akong i-counter sign sa deposit slip.

Bumalik ako ng bangko. Saglit na pumirma at pauwi na din.

Agad naman ako nakasakay ng jeep.

Halos kalahating araw ako na nasa labas ng kompanya.

Ala una na ako nakapagtanghalian.

Nagbabaon lang ako ng tanghalian. Sayang kasi sa pera kung bibili pa ako.

Sinimulan ko agad ang trabaho pagkatapos ko hugasan ang pinagkainan ko.

Sa totoo lang.

Ang dami kong trabaho.

Tatlo kaming bumubuo ng unit kung saan ako nagtatrabaho.

Isang Unit Head.

Dalawang staff.

Isa ako sa staff.

Yung unit head ko, naka sick leave.

May lung cancer kasi sya, kaya hindi ko alam kung kailan ang balik nya.

Yung isang staff na kasama ko, nilipat sa ibang workplace.

Kaya mag isa lang ako.

Yung trabaho ko.

Trabaho ng unit head.

At trabaho ng kasama kong staff.

Ako lahat gumagawa.

Minsan.

Natututulala na lang ako.

Nakakapagod kasi.

Tapos kapag natapos or may mga na-accomplish ako na trabaho. Masaya naman, pero ako lang nakakaalam. Parang wala naman epekto sa iba.

Pero kapag may pagkakamali akong nagawa, nalalaman ng lahat. Tapos parang lahat ng nagawa kong tama at para sa opisina nababalewala na.

Recognition ba hanap ko?

Hindi ko din alam.

Siguro ay pagod lang ako.

Minsan napapaiyak na nga lang ako.

Hindi ko din alam kung bakit.

Basta naiiyak na lang ako.

Awa sa sarili?

Siguro.

Pinupuri ko na nga lang sarili ko.

"Ang galing mo. Ikaw ang nagpapatakbo ng unit nyo. Pano na lang kung wala ka? Edi shut down na din ang mga bayarin nyo?"

Feeling ko nga ang yabang ko kapag pinupuri ko sarili ko. Kaso yun lang ang nagpapagaan ng pakiramdam ko.

Natapos ang araw ko sa trabaho na may mga problema. Mga sermon from higher ups. Kasi naapektuhan ang trabaho nila dahil sa ilan kong pagkakamali, kaya napansin nila ako at nasabihan.

Ganun naman talaga. Hangga't hindi sila involve sayo, wala kang maririnig sa kanila. Pero once na naapektuhan ang trabaho nila dahil sayo, asahan mo na mapapansin ka nila at humanda ka na.

Ang dami kong negatibong sinasabi.

Sa huli, appreciate ko na lang sarili ko.

"You did well today."

TalaarawanWhere stories live. Discover now