Second Page

243 11 2
                                    

Angel POV

"Ang aga mo ngayon Friendship ah".

Sabi ni Annica sakin.

"Good Morning ^_^ ". Sagot ko habang hawak ko yung bag ko.

"Whatever".

"Hay nako, huwag mo na nga lang pansinin yan nagseselos lang yan dahil pinaiwan ka man ni Sir Ae kahapon". Sabi ni ashanti

"Ano yun? Pasok na kayo sa room". Sabi ni Sir Ae siya kasi 1st subj. Namin ngayon

"Oh Sir. Bakit parang namumutla ka?". Sabi ko

"Medyo pagod lang ako, sige na Good Morning Class, nakapag review na ba ang lahat?".

"Yes, Sir". Sagot namin

"Ang exam natin ngayon ay may set A and Set B hindi kayo magkaka pareho ng exam. Ahmm Angel paki pamigay na yung test paper.".

"Sige po Sir".

"After this exam maiwan ka muna Ms.  Rodrigo ha".

After 1hr and 30 minutes ay natapos na kami mag exam, nagtataka ako kung bakit ako pinaiiwan ni Sir.

"Ahmm Ms. Rodrigo, maaari ba na ikaw na ang magcheck nito? Medyo masama kasi pakiramdam ko uuwi nako after nito. Kahit dagdagan ko allowance mo.".

"Nako Sir. Kahit huwag na po marami na po kayo naitulong sakin nakakahiya naman po".

"Salamat, basta pag may question ka message o mas mabuti call mo nalang ako ha".

Sabi ni Sir AE,  to make it short nanligaw sakin si Sir. Ae 3 years din ang inintay niya hanggang sa sagutin ko na siya, taong 2020 nung ako ay grumaduate ng college. Education nga pala ang course ko. Pre-elem at Elementary hawak ko. Mag iisang taon narin ako nagtuturo after a year nag propose na sakin si Ae.(ey)

Ng isang araw may nareceived ako na call.

Calling Bebu Ae.

"Hello, bebu papunta ka na ba? Mag iingat ka ha".

"Ay Ma'am hindi po ako yung may ari nung phone".

"Ay nawala po ba yung phone nung bf ko?".

"Ma'am, kalma ka lang ha may sasabihin kami sayo pero kalma ka lang okay, Ma'am wala na po yung bf niyo naaksidente po siya sa motor".

Napaupo ako hindi ko alam yung gagawin ko, susunduin niya dapat ako eh. Dali dali nako tumakbo at nagtext don sa tumawag sakin kung saang hospital.

Di nako mapakali, hanggang sa jeep ay umiiyak ako. Di ko maipinta yung nararamdaman ko.

Hanggang sa makarating nako, sa hospital at pumunta sa counter.

"AE LOPEZ po saang room po?".

"Nasa ER po Ma'am".

Dali dali ako nagpunta sa ER.

At naupo ako don naghihintay, hanggang sa may nilabas sa ER.

"Time of death 7:00 pm". Pinaka masakit na narinig ko kahit di pako sigurado na si Bebu yun ramdam ko na yung sakit.

"Excuse po, magandang gabi po ano po pangalan ng pasyente?". Tanong ko

"Ahmm, sino po sila?".

"Hinahanap ko po si Ae Lopez, fiance po ako ni Ae Lopez".

"Ae Lopez po ang pangalan ng Pasyente".

Walang tigil na iyak ang nangyare sakin sumama ako hanggang sa morgue.

"Bebu, bakit mo naman ako iniwan? Kung alam ko lang namasahe nalang sana ako, hindi nako nagpasundo sayo".

Nag leaved muna ako ng 2 weeks, pinayagan ako ng school dahil alam nila yung nangyare kay Ae, walang kulang na araw para bantayan yung bebu ko sa kabaong na natutulog, don narin ako pinatutulog nung mama niya sa kanila, Di ko matanggap Ae apaka sakit Ae.

Hanggang sa ilibing si Ae ay andon ako. Ramdam ko na ayaw sakin ng ate ni Ae, sinisisi niya ako sa mga nangyare at kahit noon pa man ay ramdam ko na ayaw sakin ng ate niya.

"Makakaalis ka na, wala na si Ae kaya hindi ka na pwede pumunta dito naiintindihan mo yun? Dahil sayo nawala yung kapatid ko".

"Sofia, hindi gugustuhin yan ng kapatid mo pagpasensyahan mo na Angel ha".

"Pero Ma". Sabi ni ate Sofia

"Sofia!". Sigaw ni Mama

"Sige na po, Mama mauna na po ako".

Hanggang ngayon ay dala ko parin ang sakit.

Hindi nga niya ako niloko, iniwan naman niya ako habang buhay.

Binigay pala sakin ni tita yung phone ni Bebu, wala yung password kasi ang dahilan niya ay pag may nangyare sa kanya madali may macocontact, tinitignan ko yung gallery niya at napanuod ko yung video.

"Bebu, babalikan kita ga ". Sabay nawalan na ito ng malay. At nag sigawan na yung mga tao.

Hindi ko mapigilan na hindi maiyak.

"Anak, alam ko na masakit pero tatagan mo, andito lang si Mama ha anak".

Kinabukasan ay naisipan ko na dalawin ang puntod ni Ae.

"Bebu, dala ko yung favorite drinks mo oh at yung luto ni Mama na kakanin kainin mo to ha".

Nakaupo na ako non doon sa may puntod ni Bebu.
Hanggang sa.

May nabuwal na babae, maganda siya nag pipicture kasi sila di niya ako napansin na nakaupo dahil green yung suot ko kakulay ng damo.

"Aray hay". Sigaw ko

"Ay Ms. Sorry pasensya na Ms. Hindi ko nakita na may tao pala nakaupo".

"Okay lang". At tinayo ko na siya napaupo kasi siya sa damo

"Salamat ha, ahmm Redge nga pala". (Janella Salvador)

" Angel, sige na Ms. Aalis nako". Sabay abot ng kamay niya sakin


Lips Of Angel Where stories live. Discover now