KABANATA 11

1.4K 37 3
                                    

KABANATA 11: Upper Deck

NALA

Pinabayaan ko lang ang natural kong kulay brown na buhok na liparin ng hangin habang nakahawak ang kamay ko sa glass railing ng yate dito sa front deck. Ang asul na kulay ng dagat lang ang aking nakikita. Wala man lang akong natatanaw kahit isla na pwede naming tigilan.

Alas syete pa lang pero gising na gising na kaagad ang diwa ko. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako ng mahimbing kagabi pagkatapos ng mga nalaman ko. Basta nagising na lang ako wala na si Hugo sa cabin kung saan kami nag-usap pati ang mga gamit niya ay wala na rin roon. Hindi ko alam kung saan siya natulog pero sigurado naman ako na hindi niya ako iiwan dito mag-isa lalo na't may sugat pa siya. 

Natulog siguro siya sa kabilang cabin.

Huminga ako ng malalim nang pumasok na naman sa isip ko ang pinag-usapan namin kagabi. Marami pa akong tinanong sa kaniya pero lahat 'yon ay tinanggihan niya nang sagutin kaya wala rin lang naman akong napala.

Dumako ang paningin ko sa floral maxi dress na suot ko na sumasabay din sa pag-ihip ng hangin ang laylayan. Wala akong ibang damit dahil lahat ng maaayos na damit ko ay naiwan ko sa hotel kung saan dapat kami tutuloy ng tatlong araw pero dahil sa nangyaring gulo ay hindi na natuloy.

Nang dumating kagabi ang mga damit ni Hugo ay binigyan niya ako ng maraming paper bag na may lamang mamahaling damit kagaya nitong suot ko. Ayaw ko sanang suotin dahil hindi ako nagsusuot ng mga ganitong damit pero wala naman akong iba pang pagpipilian. Alangan naman maghubad ako sa harapan ni Hugo, 'di ba? Ang swerte niya kung gano'n.

"Miss Nala hinihintay na po kayo ni Mr. Fabellon sa main deck."

Napalingon ako sa babaeng nagsalita mula sa likod ko. Nakasuot siya ng itim na pencil cut skirt at white button down long sleeve na naka tucked in sa skirt niya. Habang ang buhok niya naman ay naka-bun na walang kahit isang hibla nito ang tumatakas sa noo niya. Sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad niya sa akin.

"Bakit niya ako hinihintay? May kailangan daw ba siya sa 'kin?" takang tanong ko.

"Oras na po kasi ng almusal. Gusto raw po niya kayong makasabay kumain."

Tumango naman ako kahit may agam-agam pa rin. Pwede naman siyang kumain ng mag-isa bakit kailangang kasabay pa ako? Na sa akin ba ang bibig niya?!

Sumunod ako sa kaniya papunta sa main deck. Masyadong malaki itong yate kaya naman masyado ring maraming pasikot-sikot at hallway. Mabuti na lang at hindi ako naligaw kanina no'ng lumabas ako.

Tumigil kami sa isang kulay brown na pinto. Binuksan no'ng babae ang pinto pero hindi siya pumasok. Sinenyasan niya ako na pumasok kung kaya't 'yon naman ang ginawa ko.

Pagpasok ko pa lang sa loob ay dumako na kaagad ang paningin ko kay Hugo na pwerteng nakaupo sa harapan ng lamesa habang naka-cross ang dalawang braso sa ibabaw ng kaniyang malapad na dibdib. Samantalang ang kaniyang dalawang binti naman ay naka-cross din sa isa't isa.

Nang mapansin niya ang presensiya ko ay tumingin siya sa gawi ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang hindi siya makapaniwala na nakita niya akong nakasuot ng dress. Umismid ako at naglakad papunta sa upuan na nasa harapan niya.

"Good morning," bati niya. Tumango lang ako at hinagod ang paningin sa mga pagkain na nasa lamesa.

"Ang dami naman nito," kumento ko. Parang may buffet party dahil sa rami ng pagkain na nasa hapag at mukang lahat masarap.

"Ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa gano'n," untag ko. "Kanina ka pa ba gising?"

"Yeah."

Craving Pleasure (Hunk Omega Society 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon