Marunong akong maglinis ng mga sugat dahil kay Mama. Nakikita ko ang mga hakbang na ginagawa niya kapag nililinisan niya ang mga sugat ko noon dahil sa pakikipagbasag ulo ko sa kung saan-saang fraternity. Hindi ganito kalala ang mga naging sugat ko dati pero alam kong parehas lang ang proseso ng paglilinis nito.

"You don't have to do this. I can take care of myself," paos na sabi ni Hugo pagbalik ko dala-dala ang maliit na plangganang may lamang maligamgam na tubig.

"Hindi 'to libre. Kapalit ng panggagamot ko sa sugat mo ay kailangan mong sagutin lahat ng itatanong ko sa 'yo," seryosong sabi ko at tinitigan ang mata niya. "Alam kong kaunti lang ang pinag-aralan ko pero hindi ako tanga at hindi iyon rason para hindi mo sabihin sa 'kin ang nangyayari na muntik ng kumitil sa buhay nating lahat," dagdag ko pa.

Kumurap siya ng ilang beses. Umiwas ako ng tingin. Pinagpatuloy ko ang maingat na pagpunas sa sugat niya. Nang tuluyan nang nawala ang lahat ng dugo sa braso niya ay napansin ko ang malaking tattoo sa upper biceps niya.

Marahan ko itong hinaplos. Hindi ko alam na may binabagayan din pala ang mga tattoo. Isa itong malaking dragon na hanggang siko niya ang sakop. Bagay na bagay ito sa kayumanggi niyang balat. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Tahimik niya lang ako tiningnan at sa unang pagkakataon ay nakitaan ko ng emosiyon ang mga mata niya.

Pagod. 'Yon ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Pwede ko bang malaman kung ano ang ibig sabihin nito?" maingat kong tanong na tinutukoy ang kaniyang tattoo.

Umiwas siya ng tingin at huminga ng malalim. Tumayo siya bago magsalita, "I will tell you later everything you want to know. I'll just take a bath. Would you let me?"

Marahan akong tumango habang nakatingala sa kaniya. "S-Sige pero pa'no 'yang sugat mo? Kaya mo bang maligo nang mag-isa?" nag-aalalang tanong ko. 

Ngumisi siya. "It won't kill me. Kaya kong maligo ng mag-isa, hmmm, unless you want to join me," pang-aasar niya pa.

Inirapan ko lang siya. "Huwag kang assuming. Nag-aalala lang ako sa sugat mo!"

Sa halip na sumagot ay mas lalo lang siyang ngumisi. Naglakad na siya patungo sa banyo at kaagad na sinara ang pinto nito. Bumaba naman ang tingin ko sa balang nasa sahig na katabi ng basag na flower vase.

"Ano ba talagang nangyari sa'yo, Hugo? Sino ka ba talaga?" mahina kong bulong at pinikit ang aking mata ng mariin.

Pagkatapos kong linisan ang nabasag na flower vase ay tinapon ko ito sa trash bin na nandito sa loob ng cabin nitong yate. Maging ang puro dugong bulak ay tinapon ko na rin. Ang bala na bumaon kanina sa braso niya ay pinatong ko lang sa lamesa dahil hindi ko alam kung saan 'yon dapat itapon.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa ibabaw ng malambot na kama nang bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas doon si Hugo na nakatapis lang ng tuwalya sa bewang habang tumutulo pa ang butil ng tubig mula sa buhok niya. Napansin ko rin na may gasa na nakapalibot ngayon sa sugat niya. Kaya pala ang tagal niya sa banyo dahil ginamot pa niya ang sarili niya.

"Wala ka bang damit?" nakakunot noong tanong ko.

"I don't have. Why? Do you want to have a peek at my dragon behind this towel?" pilyong sabi niya. "I won't stop you from staring at my cock, though," bulgar niyang dagdag.

"Gago!" mura ko at binato siya ng unan na kaagad niya namang naiwasan.

Masama ko siyang tiningnan. Ang malakas niyang tawa ang umakupa sa tahimik na cabin kaya natigilan ako. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng malakas at halos makita na ang gilagid niya.

Sa loob ng dalawang linggo kong pagtatrabaho sa kumpaniya niya ang madalas ko lang nakikita sa kaniya ay ngumisi kapag inaasar ako o hindi kaya'y sumeryoso sa trabaho. Bukod sa dalawang 'yon ay wala na akong ibang nakikita sa kaniya kung kaya't hindi ako makapaniwala na nagawa niyang tumawa sa harapan ko dahil sa sarili niyang kalokohan.

Craving Pleasure (Hunk Omega Society 1)Where stories live. Discover now