Chapter 38

21.1K 606 273
                                    

NANG makita ni Marilyn ang kotse ni Brayden na pumarada sa labas ng mansyon nila ay kaagad siyang napangiti doon.

Lumabas sa loob ng kotse si Brayden kasama ang isang magandang bata na sa tingin niya ay mga nasa anim o pitong taong gulang pa lamang.

Kamukhang-kamukha ni Brayden ang batang babae at mahahalata talaga na magkapatid ito.

"Brayden!" masayang ani Marilyn nang sinalubong niya si Brayden at ang kapatid nitong babae.

"Hey, you missed me too early kahit kanina lang tayo naging magkaibigan, ah?" Brayden said while smiling at her.

Marilyn chuckled. "Is she your younger sister that you're talking about?" tanong nito at kinawayan ang batang babae na kinawayan rin siya pabalik.

"Yes. She's Brenda. My pretty little sister. She's already 7 years old." sagot ni Brayden.

"Hello? Are you my brother's girlfriend?" Brenda asked innocently.

Nagulat naman sa tanong si Marilyn kasabay nang ilang beses niyang pag-iling habang si Brayden naman ay tumawa lang.

"No, I'm just your brother's friend. He said you wanted a female friend, which is why I want to meet you," she said as she patted Brenda's head.

"I want to have a female friend na gusto ko na rin pong maging sister. Sorry, I thought you are my brother's girlfriend dahil bagay po kayo," sabi ni Brenda and she pouted na mas lalo pang ikinatawa ni Brayden.

Hindi naman mapigilan ni Marilyn na pamulahan ng mukha dahil sa maling akala ni Brenda.

"Brenda thought that we were a couple. Bagay naman kasi talaga tayo, right, Marilyn?" Brayden tease Marilyn na pabirong ikinairap nito.

"Yeah. Whatever. Pumasok na nga tayo sa loob." pag-anyaya ni Marilyn na hinawakan sa kamay si Brenda at pumasok na nga silang tatlo sa loob ng mansyon.

Naisipan nalang nilang tumambay sa garden area para doon magpahangin. Nagpahanda na rin si Marilyn ng meryenda sa mag-inang katulong na sina Matilda at Maggie para sa kanila.

"Thank you po sa mga gifts niyong stuff toys, Ate Marilyn. You are not only beautiful, but also very kind pa po. I wish you were my brother's girlfriend in real life." malungkot na sabi ni Brenda na ikinahinto ni Marilyn.

Sumulyap naman siya kay Brayden na abala lang sa kinakain nitong strawberry cake at tinaasan siya ng kilay.

Marilyn gently strokes Brenda's hair. "Brenda, magkaibigan lang talaga kami ng Kuya Brayden mo at isa pa, I'm already in a relationship." she said at nang bigla niyang maalala ang Monroe brothers ay napabuntong-hininga nalang siya.

"Then break up with that guy po and be with my kuya. I'm sure he'll look after you and love you." matapang na sabi ni Brenda na ikinalaki naman ng mga mata ni Marilyn.

Akmang magsasalita na sana siya nang biglang may nagsalita.

"Marilyn,"

Napalingon si Marilyn sa pinanggalingan ng boses na iyon at ganoon nalang ang pagkagulat niya nang makita si Diego na sobrang sama ng tingin kay Brayden at nasa likod lang nito ang mga kapatid na may seryosong tingin sa kanila.

"W-what are you all doing here?" Marilyn asked nang makalapit na ang magkakapatid na Monroe sa kanila.

"Bakit? Masama bang puntahan ka namin dito? Pinatayan mo ng tawag si Exodus kanina." malamig na sabi ni Levi at doon nga ay nanlamig rin si Marilyn.

"Kailan pa kayo naging close nitong naging partner mo sa photoshoot niyo?" tanong naman ni Diego na masama rin ang tingin kay Brayden.

Tinotoo nga ni Exodus ang sinabi nito kanina sa telepono na pupuntahan siya ng mga ito para makapagpaliwanag tungkol doon sa morenang babae na nasa condo unit ng mga ito na kababata raw ng magkakapatid.

Marilyn and the Seven Monroe (Published under GSM Bookshop)Where stories live. Discover now