I just cried when I heard my friends surrounding us.

"What happened? Bakit umiiyak si Kylie?"

Humiwalay ako kay Blake at tinignan sila.

"Gusto nila akong makausap."

Tinignan nila ako. Punong puno ng awa ang mga mata nila.

"Anong plano mo?" Tanong ni Ericka saakin.

Nagkibit balikat lang ako at tumingin na lang sa dagat. Buti pa ang dagat... peaceful.

**

"Baby, we're here."

Napasinghap ako. Pagkatapos naming maglibot muli ng ilang minuto ay napagdesisyunan kong kausapin sila. Hindi ko pwedeng takasan ang problemang 'to.

Tinignan ko ang bahay na nasa gilid ko. Bahay namin. Ay hindi pala. Bahay ng mga Dela Vega.

"Gusto mo samahan kita?" Tanong niya saakin.

Tinignan ko siya at ngumiti ako, "No need. I'll handle this. Ayokong makita mo ang mga mangyayari. Ayokong makita mo kami kung paano mag-away. This is our first time." Sabi ko sakaniya.

Tumango siya, " Okay. I understand." Sabi niya at ngumiti.

I smiled back. Lumabas ako ganun din ang barkada. Yes, kasama sila hanggang dito. Lumabas din si Blake at agad silang naglapitan saakin.

"You can do this, Kylie." Sabi nila.

"I can." Sabi ko at ngumiti sakanila.

Niyakap naman nila akong lahat. After hugging me ay tinignan nila ako ng biglang hinawakan ako ni Blake sa kamay.

"Baby, remember we are always here for you." Sabi niya saakin at niyakap ako.

Niyakap ko din siya pabalik. Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko at humiwalay.

"We'll go. Text us okay?" Paalala niya.

Agad kong hinawakan ang kamay niya. Tinignan nila akong lahat ng nagtataka.

"Can you guys uhm... wait for me?" Sabi ko at yumuko.

"Wait for you? Why?" Tanong saakin ni Kiara.

"Basta. Pwede ba guys?"

Nagtinginan muna silang lahat bago tinignan ako.

"Okay." Sabi nila at ngumiti.

I smiled at them back. Walang pagdadalawang isip na tumalikod ako at naglakad papunta sa gate namin.

Nagdoorbell ako at binuksan naman nila ang gate.

"Oh, Ma'am Kylie! Naku! Buti po at umuwi na kayo. Nagaalala na po sila Madam. Nagpatawag na nga po ng pulis." Sabi saakin ni Manong.

"Hehe, opo." Ayun lang ang sinabi ko bago niya ako pinapasok.

Bago ko isara ang gate ay tinignan ko muna ang barkada. They smiled at me. Tinignan ko si Blake at ngumiti din siya then he mouthed the words, 'You can do it.'
Tumango ako at sinara na ang gate. Humarap ako sa bahay at bumuntong hininga.

"Fuck this life," Bulong ko sa sarili ko bago naglakad patungo sa pintuan.

Hinigpitan ko ang kapit sa bag ko at taas noong binuksan ang pinto.

"May balita na ba? Where is she?" Nagaalalang sabi ni Mommy sa kausap niya sa telepono.

Sila Kuya naman ay may mga katext at kausap din. Napansin nila ako sa pinto kaya agad nilang ibinaba ang mga cellphone nila.

Campus QueenWhere stories live. Discover now