Nakayuko lang ako nang bigla akong sikuin ni mommy. "Say thankyou" mahinang bulong niya.

I rolled my eyes without letting them see it. Nang mag-angat ako ng mukha kay Apolo ay may peke at pilit na akong ngiti sa kaniya. "Thank you" I couldn't even opened my mouth properly to say that.

I saw him slightly bow his head to smile. Mabilis lang 'yon dahil agad niyang itinaas muli ang kaniyang ulo, pero natatawa parin, at tumingin sa akin. "I'm always free to cook for you. I know that you love the foods I'm cooking"

Lumibot ang tingin ko sa kasama namin sa lamesa pero parang wala lang 'yon sa kanila. I wanted to glare at him but I stopped myself.

Nagpatuloy ang intimate dinner namin na kasama na namin si Apolo sa lamesa. Alaric didn't leave my side and I was thankful for that. Ayokong mawala siya sa paningin ko dahil aalis pa kami mamaya.

Nang matapos kumain ay nagpasya silang dumiretso sa bahay nila Tiya Hailey habang kami naman ay nagpaalam na nga para sa after party namin.

Sa bahay nila Alaric ako magpapalit dahil dinala ko naman sa sasakyan ang mga susuotin ko para mamaya.

Sa sasakyan ako ni Apolo sumakay at tahimik lang ako sa backseat habang silang dalawa ni Alaric ang nag-uusap. Ayoko man na dito sumakay pero wala akong magagawa dahil dito sumakay si Alaric at ayoko siyang mawala sa paningin ko.

I leaned back to get my phone on my pocket and texted Mico. He will give me the pill later.

To Mico:

You ready? Don't screw up!

Agad din naman siyang nag-reply sa akin.

From Mico:

Ready.

Umirap ako dahil sa tipid niyang reply na 'yon at sakto namang nagsalubong ang mga mata namin ni Apolo sa rear view mirror kaya mabilis akong umiwas ng tingin.

Mabuti nalang at mabilis lang ang naging byahe pabalik sa bahay nila Alaric. Nang makahinto ang sasakyan ni Apolo sa garahe ay mabilis akong bumaba at hinila na agad si Alaric pagkababa niya sa sasakyan.

"Chill, Via. I know that you come to love partying at night but don't be too excited as if it's your first time" natatawa niyang sabi sa akin habang hila-hila ko.

"Change your clothes. Ako din magpapalit na" I opened the door for my room, 'yong kwarto na tinutulugan ko na palagi.

Pagkasara ko ng pinto ay doon ko lang naalala na wala pala akong damit dito. Nakalimutan ko pala 'yon sa sasakyan namin.

I went out of my room again just to startled when I saw Apolo in front of my door.

"Ano ba!" Masungit kong sigaw sa kaniya habang hawak-hawak ang dibdib.

Mukhang wala sa kaniya ang paninigaw ko. He was just staring at me as if he wanted to say something.

"Ano?" Hindi na ako sa kaniya nakatingin nang tanungin ko 'yon.

"Nothing" saka siya tumalikod sa akin.

What was that? Inirapan ko nalang ang papalayo niyang likuran saka kandadapa pababa sa hagdan dahil sa pagmamadali.

Nakabalik din naman ako agad sa kwarto matapos kong kunin 'yong mga damit ko sa sasakyan ni Daddy. Mukhang nasa may pool area sila at nag-wa-wine parin.

Nagretouch lang ako ng kaunti dahil may make-up pa naman ako. I chose bodycon mini dress and heels for my feet. Nang matapos sa pagbibihis at pag-aayos ay nagtungo na ako sa kwarto ni Alaric na nadatnan kong abala sa pag-cecellphone habang nakahiga sa kama. Marahil kanina pa niya ako hinihintay.

ISLA VERDE: APOLOWhere stories live. Discover now