APOLO: UNO

1.2K 28 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Malakas akong napatawa nang dambahin ko ng yakap si Alaric mula sa likuran. He was busy sipping on his coffee while reading a book. Sabi ko na nga ba at nandito nanaman siya sa pool area nila, hindi ko kasi siya nadatnan sa kwarto niya kanina nang umakyat ako.

"Via! Ano ba! Alis!" Tinulak niya ang mukha ko nang subukan ko siyang halikan sa pisngi, sakop na sakop ng kaniyang malaking palad ang mukha ko.

"Grabe,ha!" Sinamaan ko siya ng tingin nang maihiwalay niya ako sa kaniya. Wala talagang ingat ang lalaking 'to sa tuwing itinutulak ako palayo sa kaniya. "Mantakin ba namang isakop sa buong mukha ko ang palad!"

"Your fault, kita mo namang nagsesenti ako dito tapos manggugulo ka" hindi siya nagpapatalo sa labanan ng tingin namin.

"Two weeks tayong hindi nagkita, Alaric. Two weeks! Hindi mo manlang ba ako namiss?" Saka ako ngumuso sa kaniya pero walang dating ang pagtatampo ko kuno sa kaniya.

Hindi kami nagkita ni Alaric ng dalawang linggo dahil sinamahan ko si Mommy sa farm nila sa Zambales at ngayon lang nga kami nakabalik dahil pasukan nanaman.

Dito ako dumeretso agad sa kanila pagkabalik namin dahil nga namiss ko talaga siya pero itong lalaking 'to ay hindi manlang yata ako namiss. Ni ang replyan nga ang mga messages ko ay kinatamaran niya pa.

"Napahinga ako ng dalawang linggo, Via. Ang payapa na ng tainga ko habang wala ka, ang aga ngayon at nambubulabog ka nanaman. Bumalik ka na nga lang sa Zambales"

"Ang sama mo!" Padabog akong umupo sa katabing sun lounger ng kaniya. Kinuha ko ang kape niya na nasa tabing lamesa niya. Naipatong niya na pala 'yon kanina. "Akala ko pa naman namiss mo ako, nagmamadali pa naman akong umuwi dito sa Manila"

He tsked, trying to reach the coffee that I already sip. Diba, pasimple lang talaga ako. Indirect kiss talaga 'yon dahil talagang kung saan siya humigop kanina ay doon din ako humigop.

Kahit talaga masungit minsan ang kaibigan kong ito, nagiging malambot parin ako sa kaniya. Alam ko naman kasing namimiss niya din ako, ayaw niya lang ipahalata dahil alam niyang ipagyayabang ko 'yon.

Matagal na akong may pagtingin kay Alaric. Nasa tiyan palang yata kaming dalawa ay magkaibigan na kami. Halos sabay lang kasi kami ipinanganak. Tatlong araw lang ang pagitan bago ako pinanganak, matanda siya ng tatlong araw sa akin. Si Alaric ang naging kaibigan ko mula kindergarten, magkaibigan din kasi si mommy at ang mommy niya.

Same school kami, mula kindergarten hanggang sa mag-highschool kami. Nitong college lang nga kami nagkahiwalay ng school dahil sa kinuha niyang course. Pangarap niya kasing magpiloto at architecture naman ang kinuha kong course. Ngayon lang talaga hindi nagkasundo ang utak naming dalawa, pagdating kasi sa mga katarantaduhan ay nagsasabay kaming dalawa.

Masyado na kasing naging seryoso si Alaric sa buhay, hindi naman niya bagay.

"Alaric, samahan mo akong mag-bowling sa SM mamaya?"

ISLA VERDE: APOLOWhere stories live. Discover now