"Ako na ang magpapasok sa kan—" I was about to touch Alaric's shoulder when Apolo pulled me up. Gulat akong napatitig sa kaniya nang tumama ang braso ko sa katawan niya. Tila wala sa kaniya ang pagkabasa ko. "I'm wet, kuya Apolo"

I noticed his chest went up and his jaw clenched more. I was about to averted my eyes from him when he speaks. "Don't call me kuya after saying that"

I couldn't take his seriousness. Para akong maiihi sa kaseryosohan niya. Bahagya na lamang akong lumayo sa kaniya at hahawakan nanaman sana si Alaric para alalayan siya nang mapansin kong tatayo siya pero hinila nanaman ako ni Apolo papunta sa kaniya, naroon parin kasi ang hawak niya sa braso ko.

"Ano ba?" Mahina kong asik sa kaniya, hindi magawang magtagal sa titig niya.

Nakaalis na si Alaric doon at parang matutumba na naglakad palayo sa amin. I was still fighting Apolo's grip on my shoulder but he was too strong.

"I'm hurting. Let go" simangot ko na sa kaniya. Nang bumaba ang kaniyang tingin sa aking braso ay saka niya lang 'yon binitawan.

Ang akala ko ay hahayaan na niya akong sundan si Alaric pero nagsalita siya. "Stay there, don't make me mad, Via Clarisse" matigas niyang utos saka niya inabot ang puting roba doon.

Hindi pa ba siya galit? Parang gusto niya na ngang alisin ang braso ko kanina sa higpit ng pagkakahawak niya!

Takot naman na nanatili doon ang nga paa ko hanggang sa matapos niyang ayusin ang isinuot niyang roba sa akin. Kulang nalang ay itali niya pa 'yon pero hindi ko siya hinyaan. Inagaw ko sa kaniya ang tali ng roba at ako na ang nagtali n'on.

May hinila siya sa sandalan ng isang deck chair doon at saka hinawakan na ang pulso ko para hilain papasok sa bahay. Nang suriin ko 'yon ay ang suot kong top pala ang hinila niya.

Nasaan na ba ang mga kasama kong lalaki kanina!? Bakit nagsiwala sila? Takot ba sila kay Apolo?!

"Shower. Come to my room after you shower. May ibibigay ako sa'yo" binitawan niya ako nang makaakyat na kami sa second floor ng bahay nila, sa tapat mismo ng guestroom na pinagagamit niya sa akin, saka na sana siya tatalikod nang hinawakan ko ang top kong hawak parin niya, wala yata siyang balak ibigay sa akin 'yon.

"Akina" maikling sabi ko sa kaniya.

"This stays with me" saka na niya ako tinalikuran.

What?!

Salubong ang mga kilay ko nang pumasok ako sa guest room. I went to the bathroom at agad na hinubad ang roba at mga damit ko. Tumutok kaagad ako sa shower matapos kong masindihan 'yon.

Nang matapos akong magbihis at mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Uuwi na din kasi ako kaya naman sa kwarto ako ni Alaric nagtungo. I was so shocked when I saw the four of them on his bed, they were all sleeping there. Para silang mga sardinas doon, ang daming guestrooms naman,ha?! I even saw Primo slightly hugging Alaric's leg so I decided to pull Primo's hand out of Alaric's. Inis kong sinulyapan si Primo. Pasimple din talaga ang isang ito!

They were all wasted. Buti nalang at hindi ako uminom katulad nila. I was about to touch Alaric's face when the door got opened. Pumasok doon ang seryoso nanamang si Apolo.

I slightly groaned, not letting him notice that. Bakit ba ang ganda ng timing ng isang ito?!

"I told you to go to my room, Via Clarisse. Not on Alaric's" I know he was pissed, maybe? He was too hard to read. Kahit yata sa tuwing magsasalita minsan si Apolo ay kailangan ko pang pag-aralan ang tono niya.

"I was just checking on them" lumayo na ako sa kama at naglakad na palabas. Nilampasan ko pa nga siya, sinundan din naman niya ako paalis doon.

Lalampas na sana ako sa pintuan ng kwarto niya nang hawakan nanaman niya ang pala-pulsuhan ko. I turned to him with my brows knotted. "Bakit?"

"Ako na ang maghahatid sa'yo. Just come to my room, may ibibigay lang ako sa'yo" aniya saka wala na akong choice na hinila papasok sa kwarto niya.

It wasn't my first time entering his room. Ngunit mabibilang ko din naman sa mga daliri ko kamay ang pagpasok ko doon. Nakakapasok lang kasi ako doon sa tuwing may ipapakuha lang si Alaric. Minsan ay damit o 'yong mga unused na sapatos ni Apolo.

Nakalimutan kong may ibibigay pala siya sa akin. Nang makapasok kami doon ay saka ko lang napagmasdan ulit ang kwarto niya. Masyado siyang malinis at organized na tao. Halata naman 'yon sa personalidad niya. Katulad ng kwarto ni Alaric ay ganoon din halos ang makikita kong kulay sa kwarto ni Apolo. Panglalaki talaga. Pero kung ang kay Alaric ay puro video games, iba ang kay Apolo. Maraming libro doon at Star Wars figures, may mga collections din siya ng Marvels.

Napakagat ako ng ibabang labi.

Ano kayang ibibigay niya sa akin? Hindi naman siguro isa sa mga 'yon?

"What are you going—" I stopped asking when I saw four paper bags there. May isang box naman ng isang sikat na brand. "These?" Takang tanong ko sa kaniya. Nakalapit na ako doon at binuklat ang mga 'yon. I even turned to look at him, asking if I was right.

Tumango naman si Apolo at lumapit din doon. "I bought you a pair of shoes when I was in Dubai. Those paper bags are from the mall earlier. Nang umalis ako. I know that you have few pair of clothes here so I thought that you need more especially when you stay here a lot" saka niya 'yon binitbit. "I will bring these to your room later, but you can bring them to your house if you want. But use the pair of shoes right now"

"T-thank you" I gulped when I faced him. May pasalubong pala siya sa akin. Binigyan naman niya ako noon pero hindi siya mismo ang nagbibigay ng mga 'yon dahil madalas ay wala talaga siya. "Iiwan ko nalang ang mga damit...sa guest room na ginagamit ko" hindi ko kasi siya maintindihan bakit parang binibigay na niya 'yong kwartong 'yon sa akin.

"Okay. Please wear the shoes" pamimilit niya parin.

Bagay naman 'yon sa suot kong high waisted black short at pink tank top. "S-sige"

Binitbit naman niya ang mga paper bags doon at lumabas sandali. Dinala na niya siguro ang mga 'yon sa kwartong inookupa ko kahit na sinabi niya kanina na mamaya na lang niya dadalhin ang mga 'yon doon.

Sinuot ko naman ang sapatos at iniwan nalang doon ang suot kong kitten heels. Lumabas na din naman ako habang naguguluhan parin sa kaniya. Bakit kailangan niya pa akong papasukin sa kwarto niya samantalang pwede naman niya 'yong ilagay sa kwarto ginagamit ko.

Hindi ko talaga yata siya maiintindihan.

"Magpapaalam lang ako kay Alaric" sabi ko sa kaniya nang lumabas siya sa kwartong ginagamit ko.

Sandaling kumunot ang noo niya sa akin saka siya umiling. "You can just send him a message. Tulog na ang mga 'yon and he knows that you'll go home at this hour. Let's go" saka niya hinawakan muli ang pala-pulsuhan ko at hinila nanaman ako. Naging hobby na ba niya ang panghihila sa akin?

Nadaan namin si Tiya Hailey pagkababa namin, nanonood siya ng isang noon time show doon habang kumakain ng hiwang mga prutas. Sandali lang akong nagpaalam maging si Apolo.

Ayaw niya paring bitawan ang kamay ko kahit na panay ang hila ko doon. I was starting to feel awkward towards him. Binitawan niya lang ako nang makarating na kami sa gilid ng kaniyang lambo. Pinagbuksan niya ako ng pintuan saka niya pa inilagay ang kaniyang kamay sa itaas n'on, takot na mapukpok ako.

Napanguso ako dahil doon. Apolo is too over protective. Akala ko ay kay Alaric lang siya protective, pati na rin yata sa akin. Well, he only treats me like that because I am like a real sister to him. Gusto ko rin naman ng kuya at perfect siya sa ganoong posisyon sa buhay ko, huwag lang sana si Alaric ang magmala-kuya sa akin. I don't want him to my brother. Mas perfect siya sa role na maging asawa ko.

Napangiti ako ng patago doon. Sakto namang pinaandar na ni Apolo ang sasakyan.

Nasa byahe na kami patungo sa bahay namin nang may mapansin ako, iba ang daang tinatahak namin.

"Wait, where are we going?" Pasulyap-sulyap pa ako kay Apolo at sa daan na tinatahak namin.

"I change my mind. Ayaw muna kitang ihatid" aniya, hindi manlang sumusulyap sa akin. Diretso lang ang tingin niya sa daan.

"Ang sabi mo ay iuuwi mo ako"

"Yeah, iuuwi kita, Via Clarisse. Don't worry about that. Iuuwi kita sa bahay ko"

ISLA VERDE: APOLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon