"Ito po, maayos naman. Nakita nyo naman po ang apo nyo, marami nang pagbabago sa kanya. Hindi po magtatagal at tuluyan na syang gabaling," Masayang balita niya sa ina.

"Mabuti naman kung ganun," Makikita ang maluwag nitong ngiti. "Eh kayo ni Vice?"

"Ok naman po kami. Nagkakasundo na sa ilang bagay. Maayos naman po ang pakikitungo nya sakin." Aniya na iniiwasang masabi ang nakaraang tampuhan nila ni Vice.

"Sigurado ka anak?"

"Oo naman po, Ma." Sagot niya sa ina na tila hindi kumbensido sa sinasabi niya. "Bakit po?"

"Ewan ko lang pero parang iba kasi ang sinasabi ng bibig mo sa sinasabi ng mga mata mo. Anak, ina mo ako at alam ng kahit sinong ina kapag ang kanilang mga anak ay may pinagdadaanan o wala."

Hindi talaga sya makakalusot sa Mama niya. Bigla tuloy parang gusto niyang umiyak sa hindi malamang dahilan.

"Sya sige na. Kumain ka na muna. Hayaan mong ako na ang magsubo sa apo ko. Na-miss ko 'to ng sobra eh," Wika na lamang ng kanyang ina nang makita ang biglaang pagbago ng kanyang mood. From masaya to malungkot.

Ito talaga ang na-miss niya sa kanyang ina. Wala kasi siyang maitatagong lihim dito. Kaya naman best mother on earth ito para sa kanya na gusto nya ring tularan sa pagpapalaki kay Nathalie.

Nakakailang subo pa lamang siya nang lumapit sa kanila ang bagong kasal.

"Hi K, Hi Tita. Wala yata si Vice?" Ani Bea.

"Oo nga K. Magtatampo kami nyan." Biro ni Dingdong.

"Naku, pinapasabi nya na hahabol na lamang raw sya. Wrong timing kasi 'yong kliyente nila eh." Sagot ni Karylle. Humingi na lamang siya ng pang-unawa sa dalawa.

Saglit na magpaalam ang kanyang ina upang samahan ang apo na gustong pumunta sa buhanginan sa tabing dagat. Nakita nitong naroroon ang kanyang pinsan na nakikipaglaro kasama ng ibang bata kaya nagturo ito sa doon.

Naiwan ang bagong kasal at si Karylle sa kanilang mesa.

"Ang laki na ng pagbabago ni Nathalie K no?" Ani Dingdong.

"Oo nga. Sana tuloy-tuloy na ang paggaling nya," Sagot ni Karylle na sinusundan ang papalayong maglola.

"Pasasaan bat gagaling rin ang baby mo. Magaling yata ang nurse nya," Singit ng isang lalaki sa kanilang usapan habang papalapit sa kinaroroonan nila. Naririnig nito ang kanilang pag-uusap kaya basta na lamang sumabat.

Sabay pa silang napatingin sa nagsalita.

"Pare, akala ko hindi ka na makakarating ah," Ani Dingdong at nakipag high five sa matalik na kaibigang si Kevin.

"Congrats pare! Sundan nyo agad ang inaanak ko ha? Para may makulit na ulit sa pamilya nyo." Masayang wika nito sa bagong kasal.

"Kevin?" Singit ni Karylle na tila ba nasurpresa.

"Yup, Its been a long time nang huli tayong magkita ah," Nakangiting sagot nito kay Karylle.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Bea.

"Yes, bestfriend sya ng fiancee ni Kuya Paulo." Sagot ni Kevin.

"Nice. Well, excuse us para naman makapag-usap kayo ng maayos," May panunuksong wika ni Dingdong.

"Thanks pare," Ani Kevin.

Umalis na ang bagong kasal sa kanilang mesa upang puntahan naman ang iba pa nilang mga bisita. Naupo si Kiven sa katapat na upuan ni Karylle. May hawak itong wine glass na nasa kalahati ang laman.

MARRIED At First Sightजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें