"That's in Belgium..." si Mommy na may pinaparating.

"She likes party so much. Maybe it will ease her  mind once she's partying..." si Dad.

"She's brokenhearted, Vlad."

They started arguing about it infront of me. Lumilipad naman ang isip ko sa kawalan.

"What do you want, Cassandra?" ang tanong ni Daddy na kumuha ulit ng aking atensyon.

"Dito kana lang sa Pilipinas, hija. Like in... Cebu? O kaya 'yung Summer Frolic?" si Mommy.

I nodded quietly. Nagkatinginan silang dalawa. I sipped on my wine again. Ito pala ang feeling pag brokenhearted ka? Parang wala kang gana sa lahat. Wala kang energy. Gusto mo lang umiyak. Magmukmok. At walang kausapin.

Nagpaalam akong pumunta sa kuwarto at ayaw nang tapusin ang ano mang wine party o kung ano mang tawag doon. Tahimik kong tiningnan ang paligid sa balkonahe ng aking kuwarto habang hawak ang wine glass na dinala ko.

Ito pala 'yon? 'Yung sinasabi ni Naia na mas nakakahele ang katahimikan? I chuckled to myself. I am not a fan of quiet places but somehow it's really comforting. Mas ramdam ko kung gaano ako ka miserable ngunit sa komportableng paraan.

Mapapatawad kaya ako ni Roche sa katangahan ko? I bet not. He will find someone better than me. Someone who will stay through thick and thin. I don't think I'll fit in because, no matter how much I tell myself that I deserve that kind of love, I'm still too young to make a serious commitment.

Kahit siguro sinubukan ko, hinayaan na matangay sa agos ng pagmamahal, may mga bagay pa ring hindi ko na kayang kontrolin pa.

Eh hindi ko pa nga sinusubukan... Well exactly! Because I wasn't ready for that change! Ldr?! Ni ayaw kong umalis sa tabi niya tapos iisipin ko pang nasa ibang bansa siya?! Ayos sana kung may superpowers ako at makakapagteleport pero hindi eh!

And imagine my parents' reaction? I don't have work! I cannot fund myself! Saan ko kukunin ang perang gagastusin ko kung sasama ako sa kanya doon, sa parents ko pa rin! Kung magtatrabaho rin, anong trabaho ang gagawin ko roon? Baka lumutang nalang ako sa dagat pabalik sa Pinas dahil wala akong silbi roon, nakakaabala pa kay Roche.

This is the only thing I can do. To sacrifice. To give way... At kahit pang-ilang beses na 'to, kung pakiramdam ko ay nakakahadlang ako sa pangarap ng iba, kung pakiramdam ko hindi para sa akin, bibitiwan ko.

"Nakipaghiwalay ka?" ang maingat na tanong ni Naia ang bumungad sa akin kinaumagahan.

Hindi ko alam kung halata ba sa mugto kong mata, sa busangot kong mukha, o sadyang may iba siyang nasagap na balita.

"Roche punched Crius. Mainit ang ulo. Napagkamalang sinabi raw ni Crius sa'yo ang opportunity na natanggap ni Roche," ani Naia na medyo naglagay ng reaksyon sa aking mukha.

Umupo siya sa harap at binakante ang upuan. Hindi ko pa nagagalaw ang pancake ko. She's having her coffee while I'm still processing everything.

"Noong nakauwi ka? On his birthday?" her brow arched.

H-His birthday? Oh... what the hell? That's the schedule of our trip which means...

I gasped dramatically. Naia raised her brow and looked at me with insults. Gusto ko nang iuntog ang ulo ko sa mesa ngunit mariin na lamang na napapikit.

Ang rami kong gustong marinig kay Naia. I will accept everything she'll throw right now! But she remained silent while watching me meaningfully and sipping her coffee.

"Oo na! Tanga na!" inunahan ko na ang nasa isip niya.

Her brow raised more, like she's expecting more harsh words. I groaned and licked my lowerlip.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon