Chapter 15

571 34 6
                                    

"Wala pa ang ka meeting mo mukhang ready na ready ka na."

Dahil masaya siya ay hinayaan na lang niya ang mga kasamahan na pagkaisahan siya. Isang ngisi lang ang sagot niya sa mga ito.

" Hm, who will not be happy? Sa wakas magkakabuhay na ang bagong miracle garden inspired ditong attraction."

Sabi niya kababakasan pa din ng excitement. Hindi dahil sa sinabi niya kundi sa sinabi ng mga kasamahan na ka meeting niya today.

Rhianie doesn't have an idea na sa highland resort ang offer nitong tinanggap. Sinuguro niya munang pumirma ito ng contract upang hindi na ito maka tanggi. May pagkakataon na siyang makasama ito ng madalas at magawa ang paunti unting paniningil dito.

" Yeah right. Ang garden na gagawan ng madaming milagro."

Nakangisi na sabi ni Xander.

" Kung may milagro man ginagawa dito ikaw iyon."

Sabi niya  dito na tumawa lang.

" Mas malaki ang milagro ni Daleon."

" Anong kinalaman ko diyan?"

Angal nito ni Daleon na madalang niyang makita. Kaya hinarap niya ito na nag iwas ng tingin.

" Anong ang pinggagawa mo Daleon at ang dalang mo nang magpakita? Lahat na lang ng assignment mo ipinapasa mo sa iba."

Umiling lang ito saka pasimple na sinuntok si Xander na mahinang tumatawa.

" I compromise with my father. Nag training ako sa company namin. Hindi na ako natanggap ng kliyente. Sa training school na lang ako nagpa assign."

Saglit niya itong tiningnan at saka napailing na lang.

" Well, may balak ka na lang mag asawa? "

Tipid na ngiti lang ang sagot nito saka umiling.

" May hinihintay iyan. Matagalan pa iyan mag asawa."

Singit ni Xander na ngayon ay malakas na suntok ang pinakawalan ni Daleon na mabilis naman nailagan ni Xander. Kaya nauwi sa habulan ang dalawa na patakbong lumabas ng kaniyang tree house villa.

" Sira ulo talaga si Martinez."

Sabi ni Orly na hinabol nila ng tingin ang dalawa na papalayo na.

" Mauna na ako sa conference room. Siguraduhin ko lang na naka ready na ang lahat."

Paalam niya kay Orly na tumango lang. Ano ba ang i ready niya ay naka pirma na si Rhianie ng contract sa kanila? He will just tour her, then will ask for another advance payment. It's been a week and he misses her, badly!

" Damn! I think I'm going nuts!"

Iyon ang pumasok sa isip niya dahil sa hindi niya mapigilan na ngumiti mag isa. Maging ang pagkasabik sa dalaga ay ang hirap niyang itago.Naputol lang ang pag lalaro ng kanyang imahinasyon sa dalaga ng tumunog ang kanyang cellphone.

" Boss."

Iyon ang rumehistro na caller ID kaya agad niya iyong sinagot.

" Nasaan ka?"

Agad nitong tanong ng sagutin niya ang tawag.

" Bakit Boss?"

Ganti niyang tanong dito. Hindi talaga uso sa kanina ang mag hello pag nasagot ng tawag.

" Sa restaurant kami tutuloy kaya pumunta ka dito. Better come here and join us."

Sabi nito at ibinaba na ang tawag. Kaya agad siyang nag detour at sa restaurant ng resort pumunta. Ilang saglit muna niya kinalma ang sarili bago tuluyan na pumasok. Inalis niya ang ngiti sa labi at ginawang seryoso ang anyo.

Agad siyang lumapit sa mesa nang mamataan niya ang mga ito.

" Hi!"

Bati niya at iginala ang paningin sa mga mesa. Tumingil ang kanyang tingin kay Rhianie na umiiwas naman ang tingin sa kanya.

" Join us, Pareng Al."

Alok ni Logan na pilit sinusupil ang pilyong ngiti. Kahit hindi nito sabihin ay talagang uupo siya. Pinili niya ang upuan sa tabi ni Rhianie. Noon ito sumulyap sa kanya.

" I said hi."

Tiningnan siya nito ng masama at sa mahinang tinig ay inakusahan siya.

" You trick me, Al."

Akusa sa kanya.Pero isang ngiti lang ang ganti niya sa pagbusangot nito.

" Why? It was a good business proposal. And I heard you and you're staff were happy about our project."

Sabi niya na dito na agad na natahimik ito ng dumating ang mga pagkain.

" I ordered this food beforehand. Celebration na din sa bagong project na gagawin natin."

Sabi ni Logan kaya bumaling siya kay Rhianie.

" See? Wala akong kinalaman diyan. It's all my boss idea and choice."

Sabi pa niya kaya mahinang natawa si Logan at humarap kay Rhianie.

" Yeah right, Rhianie. Recommended ka ni, Lavin Aragon. She's my cousin."

Tumango naman ito saka sumulyap sa kanya.

" Bakit hindi ka nagpakita during the negotiations? Dahil kung alam ko lang na parte ka ng project, I will not accept it."

" Because it's not my job."

Maikli lang niyang sabi, dahil ibang tao ang pinaka usap nila at nakikipag meeting dito.

" And I want you to miss me."

Pasimple niyang sabi dito nang ilapit niya ang mukha sa gilid ng ulo nito. Agad na namula ang pisngi nito.

" We're looking forward to the miracle garden inspired that you proposed, Rhianie."

Singit ni Logan, na sapilitan na nakapag pangiti sa dalaga.

" Of course. Lagi akong may isang salita. I will finish the project, no matter what."

Sumulyap ito sa kanya sa huling sinabi.

" This really calls for a celebration. You and your staff can stay here for tonight."

Alok ni Logan, agad naman na lumiwanag ang mukha ng dalawa nitong kasama.

" Ma'am Rhianie, sige na pumayag na kayo. Kasi ngayon lang ang pagkakataon namin na makapag stay dito."

Kababakasan ng excitement ang mga kasama nito. Kaya hindi na nagawang mag protesta ni Rhianie. Sumulyap pa muna ito sa kanya na pilit niyang itinatago ang kasiyahan na makakasama niya ito ngayong gabi.

" What do you think Pareng Al, they will stay in the hotel or sa tree house villa na lang?"

Mas nanlaki ang mata ng mga kasama ni Rhianie.

" Ma'am."

Magka sabay pang tawag ng staff nito kay Rhianie.

" Fine. But we are here not for leisure. We will see the place, para makapamili tayo ng plants na applicable sa klima dito."

Baling nito sa mga kasama na agad naman mas nagliwanag ang mga mukha sa sinabi ng dalaga.

" Ako na ang bahala sa tutuluyan nila."

Sabi niya na hindi napigilan ang pag silay ng kanyang ngiti. Ganundin si Logan na alam nito ang dahilan ng kasiyahan niya.

" Make sure malayo sa treehouse villa mo."

Singit ni Rhianie na sinamaan siya ng tingin. Mas lumawak ang ngiti niya sa labi.

" Sure, kung iyon ang gusto mo."

Parang balewala lang niyang sabi, kahit na naglalaro na sa kanyang utak ang dalaga na nakahiga sa kanyang kama!

A/N: Mag second installment na ba, Pareng Al?

Elite Bodyguard: Al Christian KaneWhere stories live. Discover now