"Hmmm sweetheart you so naïve, pero sa ilang linggo natin na, marami akong natutuklasan sa iyo, you amaze me may pilyang bahagi pala ang mahal ko." Natawa siya ng malakas ng mga sandaling iyon.

KINABUKASAN, ng magising siya, wala na sa tabi niya si Bernard, naging habit na niya tuwing umaga, yakapin ang unan nito at samyuin ang naiwan nitong amoy. Bangong-bango siya rito. Batid niyang sa mga oras na ito nasa farm na ito, Noong sinabi nito sa kanya na medyo malayo raw ang bahay na itinayo nito, iyon pala sa labas na ng City, may isang oras pa ang byahe ng sasakyan bago makarating sa s'yudad.

Nasa isang farm ang kanilang lugar  parang isang gulod. Nasa pinakamataas na bahagi nito ipinatayo ang two story house pero parang sobrang laki noon puwede ng ihanay ito sa mag mansion sa Bel-air. Kompleto sila sa amenities, merong malawak na swimming fool, nag e-enjoy si Dave roon, marunong na itong lumangoy ngayon, dahil korting peanut ito, pinagawan talaga ito ng masmababaw na parti para sa kanyang anak. 

  Nang maisip ang anak agad siyang bumangon, nais niyang siya mismo ang maghanda ng almusal nila, nang lumipat sila pati si Manang Minda ay isinama na niya. Dahil apat ang kasambahay na nila, itinalaga na lang niya ito para kay Dave.

Sa hindi malamang dahilan ay biglang nahilo siya ng makaisang  hakbang pa lamang siya, muli siyang napaupo sa kama. Ilang saglit pa, nakaramdam siya ng pag-alon ng kanyang sikmura. Sa hindi malamang dahilan pinagpawisan kaagad siya ng malamig.

Totop ang bibig mabilis siyang tumayo at nagdudumaling pumunta sa c.r, doon pilit niyang iniluluwal ang nais niyang mailuwal ngunit pawang laway lamang niya ang kanyang nailalabas. Pakiramdam niya hapong-hapo siya. Nanginginig ang kanyang pakiramdam. Nang matantiya niya ang sarili, bumalik siya sa silid at muling nahiga. Sa pagkakataong iyon, nais muli niyang umidlip, baka animik na siya.

Nang makabalik si Bernard ng umagang iyon, napakunot noo siya ng madatnan tulog pa ang kanyang asawa kahit alas-sais na ng umaga, usually five  gising na ito. Napaaga lang ang alis niya kanina, mga four o'clock pa lang iyon ng magtungo siya sa pinyahan. Magha-harvest sila ngayon, gusto niyang nandoon siya kahit meron siyang itinalagang tauhan doon na pinagkakatiwalaan niya. Alam niyang kayang-kaya ni Mang Elmo na iyon na magsupervise sa  mga tauhan nila. Pero mas gusto niyang kahit papano na oobserbahan niya ito. Mula noong lumipat sila doon ng kanyang pamilya, naging routine na niya iyon tuwing umaga, bago siya magtungo sa City Hall. 

Napaswerti niya sa buong mundo, imagine tuwing magigising siya, iyong mukha iyon ng kanyang pinakamamahal na asawa ang nakikita niya. Nais sana niya itong gisingin, ngunit napansin niyang parang maputla ito. Hinayaan na niya lang muna itong matulog. Sila na lang muna ni Dave ang sabay na mag-almusal.

Maaga ang pasok ni Dave kaya araw-araw isinasabay niya ito, papasok. Usually nine o'clock pa ang pasok niya sa City Hall, may two hours pa siya libre kaya inilalaan niya ito sa kompanya nila, binago niya ang kanyang schedules, kong dati-rati tuwing hapon siya nagagawi doon, pero buhat noong mag asawa na siya, kung hindi lang naman gaanong importante hindi na siya dumadaan sa opisina. Maliban lang kung magpapatawag siya ng board meeting.

Nais ka agad niyang makauwi gusto niyang makasama agad ang kanyang mag-ina. Bago sila umalis ni Dave nagpakuha siy kay Metring ng isang white roses sa hardin, tapos nag-iwan na lang siya ng note rito na pumasok na sila ni Dave. Ginawaran niya ito ng masuyong halik.. Napakaamo ng mukha ng pinakamamahal niya.

Mabilis siyang tumalikod baka magbago pa naman ang isip niya. Mukha pa lang ng asawa niya nato-turn on na siya. Kaya bago pa kung ano ang magawa niya iniwan na niya ito. At baka malate si Dave. Seven thirty pa naman ang start ng klasi nito, mahigit isang oras pa ang byahe nila. Ngayong may kalayuan na sila sa siyudad. Permanenti na niyang nakakasama si Roger ang kanyang driver bodyguard. Sabi nga ni Michelle walang masama kung mag-iingat lalo't isa siyang pulitiko.

Take A Chance (COMPLETE)Where stories live. Discover now